LJ Reyes sa pagpapakasal kay Philip Evangelista: “The happiest I have ever been because God completed us.”

Ayon kay LJ, mas maganda daw ang naganap niyang kasal sa dream wedding na pinalano niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LJ Reyes nagbahagi ng mga larawan sa kaniyang naging wedding sa mister na ngayong si Philip Evangelista. Ayon kay LJ, labis ang kasiyahan niya sa bagong chapter ng buhay niyang ito.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • LJ Reyes wedding photos.
  • Nararamdam ni LJ na ngayong siya ay kasal na kay Philip Evangelista.

LJ Reyes wedding photos

Larawan mula sa Instagram account ni LJ Reyes

Sa kaniyang Instagram account ay sunod-sunod ng ibinahagi ng aktres na si LJ Reyes ang mga larawan sa kaniyang naging kasal. Makikita sa wedding photos ni LJ kung gaano naging espesyal at masaya ang event na ito para sa kaniya. Maliban nga kay LJ, makikita rin sa mga larawan na masaya rin ang dalawa niyang anak na si Aki at Summer para sa kanilang ina. Pati na ang husband niya na ngayong si Philip Evangelista na hindi matigil ang kakahalik sa kaniyang bride at wife niya na ngayong si LJ.

Larawan mula sa Instagram account ni LJ Reyes

Simple ang naging theme ng wedding ni LJ. At dahil sa puti ang napili nilang motif ng kasal nagmala-heaven nga daw paglalarawan ni LJ ang naging wedding ceremony. Isang bagay na talaga nga naming nagustuhan niya.

“And it felt like the heavens opened up for us! I thought I had my dream wedding planned out in my head but this was much better than what I could have imagined!!!😭😭”

Ito ang caption ni LJ sa isa sa kaniyang IG post tungkol sa kaniyang kasal.

 
View this post on Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nararamdam ni LJ na ngayong siya ay kasal na kay Philip Evangelista

Ibinahagi rin ni LJ ang nararamdaman niya ngayon na siya ay kasal na kay Philip. Para kay LJ, ang naging kasal nila ni Philip ay nagpakita sa kung sino talaga silang dalawa bilang indibidwal at bilang magkarelasyon. Maliban nga daw sa tapat na pagmamahalan nila ay mas naging espesyal ang kanilang kasal dahil sa mga tao at mahal nila sa buhay na naging bahagi nito. Sabi pa ni LJ, ito daw ang pinakamasayang yugto ng buhay niya.

“The happiest I have ever been because God completed us.”

It was a day full of laughter and full of love— not just between us but from our family and friends who came to celebrate with us. And, I can’t ask for more!

I can’t wait for what this new beginning holds for all of us!”

Ito ang sabi pa ni LJ sa kaniyang mga IG post tungkol sa kaniyang naging kasal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula Instagram account ni LJ Reyes

Congratulations LJ and Philip!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement