LJ Reyes, enjoy sa pagiging mommy kay Baby Summer

LJ Reyes sobrang tinetreasure ang pagiging new mom ulit niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LJ Reyes na-miss ang pag-aalaga ng baby. Kaya naman enjoy na enjoy niya ang pagiging mommy ulit sa kaniyang little baby girl na si Summer.

Image screenshot from LJ Reyes Instagram account

Bagamat mother of two na, hindi naman nawawala kay LJ Reyes ang usual youthful glow niya. Mas nangibabaw nga ito sa kaniyang pixie cut hair na ayon sa kaniya ay mas convenient para sa mga mommies na tulad niya.

Sa isang interview sa The Asian Parent Philippines sa ginanap na Pigeon Safety Alert event nitong nakaraan araw ay nagshare si LJ Reyes ng mga natutunan at experience niya sa pagiging ina the second time around.

LJ Reyes sa pagiging 2nd time mom

Nang kumustahin nga sa pagiging mother of two niya, ito ang naging sagot ni LJ Reyes.

LJ Reyes: “Mother of two, it’s crazy. Actually, I am telling my friends that it is really different to be a mother of two. Mother of one, parang handled easily. You have 2 kids na, it’s kind of overwhelming. Though I am very blessed that they are 8 years apart.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maswerte nga daw siya at malaki ang age gap ng kaniyang eldest na si Aki sa kaniyang baby sister na si Summer.

LJ Reyes: “Si Aki medyo nakakatulong siya. He is very loving to his sister so hindi ganun nakakahilo.

“Some of my friends they have 2 kids, one toddler, have one infant and I don’t know how they do it. I admire parents of kids that close yung age gap.

“But I am doing fine and I am very happy with my life right now. I enjoy being a parent of two. Sobrang naeenjoy ko talaga yung all over again being a parent.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tulad ng pagiging first time mom, paranoid parin naman daw si LJ pero mas nama-manage niya na ngayon.

LJ Reyes: “Paranoid and clingy ako as a mom. Pero I think ngayon ano na ako, more of the mix type of mom siguro dahil kasi second time ko na.

“Alam ko na kung kelan ka dapat paranoid, kung kelan ka chill. At syempre kailangan lagi karing nag-u-update with the latest improvements, with the products, with the developments. Kailangan nagre-research lagi para malaman na ay bad pala ito para sa baby ganun.”

Malaking tulong nga daw para sa kaniya ang mga improvements at developments sa mga baby stuff tulad nalang sa mga products na ino-offer ng Pigeon para sa mga new moms. Kaya naman hindi rin siya nahirapang mag-adjust sa mga changes given the age gap ng kaniyang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nang tanungin naman sa difference ng pagkakaroon ng baby girl at boy, sinabi ni LJ na wala naman itong malaking pinagkaiba para sa kaniya.

LJ Reyes: “I’ve always been told na kapag babae medyo mas sensitive, mas delicate. Totoo first day palang na-feel ko na yun. Kasi yung cleaning them up mas madali sa boys than girls. So yun palang parang oops, oo nga they are very delicate.

“But so far, my baby is 4 months old I can see the personality na but halos same lang kay Aki. They are very bubbly, sobrang bungisngis. Summer is very quiet. Hindi siya mahirap alagaan. I don’t remember me having very difficult time.”

Aki bilang isang Kuya

Hindi rin daw nahirapan si LJ na ipaintindi sa panganay na anak na si Aki ang bagong role nito bilang Kuya.

LJ Reyes: “Sobrang sweet, sobrang caring si Aki. Tapos syempre lagi siyang napagsasabihan kasi schooling na siya e.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sometimes, uuwi siya ng may ubo. Pero once you tell him na wag kang lalapit o wag mong ikikiss si Summer kasi may ubo ka. Tapos lagi siyang concern sa well-being ni Summer. Lagi siyang, is she ok? is she ok?”

Pagdating sa issue ng sibling rivalry at jealousy ay agad naman daw naaddress ito ni LJ sa pamamagitan rin ng pagpapaliwanag sa anak.

LJ Reyes: “We are still in the adjustment period. Not necessarily it’s jealousy, it’s more of nag-aadjust pa siya with the set-up na mayroon pang isang baby sa bahay that needs our attention.

“Siyempre sa bata parang, whoah hindi na ko yung nagiisang bata sa bahay, Medyo shocking it for him. Sometimes it’s difficult for kids pero you just need to explain.”

Paolo Contis as a father

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image screenshot from LJ Reyes Instagram account

Isa pang dahilan kung bakit naiienjoy ni LJ ang pagiging new mom ulit ay dahil din sa kaniyang partner na si Paolo Contis na very supportive at hands-on din sa pag-aalaga ng kanilang anak na si Baby Summer.

LJ Reyes: “Very hands-on si Pao. Maybe you’ll be surprised kasi yung image niya sa inyo loko-loko and parang masyadong siga ganun pero pagdating sa anak very hands-on talaga siya.

“Sa gabi he helps me out, hindi mo mafe-feel sa kaniya na gabi na pagod ako sa work ikaw na bahala. Hindi sya ganun.”

Napaka-fun nga din ni Paolo as a father lalo na kapag pati ito ay iniinom din ang breast milk niya na natatawang kinuwento ni LJ.

LJ Reyes: “Minsan naglalagay kami sa milk bags na kinokolek ko for storage. Tapos minsan hindi na kasya sa storage sasabihin niya inumin ko nalang to tapos iniinom niya talaga. Kaya daw healthy siya dahil sa milk.”

Sobrang nag-eenjoy nga din daw si Baby Summer sa pagiging fun at cool ng kaniyang daddy na si Paolo na to the point na hindi ito makapagconcentrate sa pagdede kapag nakikita niya na ang ama.

LJ Reyes: “Minsan, pag-nu-nurse kami, nagfe-feed kami tapos dadaan si Pao parang hinihintay niyang magjoke sa kaniya kaya kapag ganun sinasabihan ko na umalis ka kasi di siya makapagfeed.”

Paolo Contis and his son Aki relationship

Kahit may new baby hindi naman daw napapabayaan ni LJ ang relationship niya with Aki. Natutulungan nga rin daw siya ni Paolo pagdating dito.

LJ Reyes: “Usapan na namin yun nung si Summer na sa tiyan ko palang, we will have dates with Aki. Like Paolo and Aki and ako with Aki separately though sakin hindi pa nangyayari yun kasi I breastfeed. Pero since mahaba na yung interval niya nagpaplan kami ni Aki ng short date, pero mostly si Pao muna kay Aki. Pero may ganun kaming usapan na give time for each kid na kayo lang.”

Hindi din daw pinapabayaan ni LJ ang relationship niya with Paolo. Hangga’t maari ay naglalaan sila ng oras para sa kanilang dalawa kahit busy sa pagtratrabaho si Paolo at siya naman sa pag-aalaga ng mga bata.

LJ on her career and motherhood

When it comes to work, sa ngayon ay sobrang nai-enjoy ni LJ ang pagiging 2nd time mom kaya naman hindi niya pa alam kung kailan siya babalik sa pagtratrabaho.

LJ Reyes: “On leave pa ako and I don’t know kung kelan ako babalik. Masyadong akong nage-enjoy sa motherhood right now. Masyado ko lang ata na-miss na magkaroon ng babay, And you know time flew so fast, makikita mo malaki na sila. Kaya I want to cherish the moments habang mallit pa siya.”

Maliban nga daw sa mga happy moments ng pagiging ina, chicherish din ni LJ ang mga lessons na itinuturo nito sa kaniya.

LJ Reyes: “I love most of becoming a mom is that you experience a pure kind of unconditional love. That pure love na sa kids mo lang mararanasan. Yung love mo laging outward, yung laging pouring.

“Kasi sa asawa o boyfriend mo you expect something in return, pero para sa anak mo naguumapaw lang yung pagmamahal mo. Hindi ka nag-eexpect ng anything in return.”

 

Basahin: Paolo Contis, sinabi na “lumalakas” daw siya matapos uminom ng breast milk ni LJ