Lloyd Cadena, nag-positibo sa COVID-19 bago pumanaw

Pamilya ni Lloyd ibinahagi na rin ang dahilan ng maaga nitong pagkasawi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Biglaang pagkamatay ni Lloyd Cadena labis umanong ikinagulat at ikinalulungkot ng kanyang ama. Pamilya ni Lloyd inihayag na ang dahilan nang pagkamatay niya.

Image from Lloyd Cafe Cadena’s Facebook page

Pahayag ng ama ni Lloyd Cadena tungkol sa pagkamatay niya

Nitong Biyernes, Septermber 4 ay nagulantang ang Filipino netizens sa balitang pumanaw na umano ang kilalang YouTube vlogger na si Lloyd Cadena. Ang balita’y nagmula mismo sa Facebook page niya.

Hindi man sinabi ang dahilan nang ikinamatay ni Lloyd noong araw na iyon ay labis itong ikinalungkot ng marami. Lalo na ang fans niyang taga-subaybay at napatawa sa mga vlog at social media post niya.

 

Kinabukasan September 5 sa pamamagitan ng isang YouTube video ay nagsalita ang ama ni Lloyd na si Jun “Khalid” Cadena tungkol sa pagkamatay ng anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa kanya nagulat siya ng malamang patay na ang anak at ito ang itinuturing niyang pinaka-malungkot na parte ng buhay niya.

“I lost my son Lloyd Cafe Cadena. I was shocked. When I was on duty, my daughter called me around 9 in the morning. She told me, ‘Papa, wala na si Lloyd.’ Napakasakit. Ang hirap tanggapin.”

Ito ang panimulang pahayag ng ama ni Lloyd na kasalukuyan ngayong nasa Middle East at nagtratrabaho bilang OFW. Dagdag pa nga niya ay labis siyang nasasaktan at nanghihinayang sa pagkawala ng anak. Lalo na’t hindi niya man lang ito nakita bago ito nasawi. Labis ngang naging emosyonal ang ama ni Lloyd na hindi napigilan ang pag-iyak habang ibinabahagi ang kalungkutan sa biglaang pagkasawi ng anak.

“Parang nawalan ako ng lakas nung sinabi ng anak ko sa Dubai, ‘Papa wala na si Lloyd.’ Nagulat ako na hindi ko maintindihan. Maybe two to three minutes or more, tulala ako.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Napakasakit. Ayaw ko tanggapin. Mabait na anak si Lloyd. Hindi man lang kami nagkita.”

Mensahe ng ama ni Lloyd para sa kanya

Nag-iwan din siya ng mensahe sa anak na si Lloyd na humihiling na sana kahit saan man siya ay gabayan niya ang kaniyang pamilya.

“Lloyd kung nasaan ka man ngayon, nawa’y masaya ka na. Nawa’y gabayan mo kami ng iyong mama at mga kapatid na makayanan namin ang mga pagsubok sa buhay. Nawa’y maka-move on kami,” sabi pa ng ama ni Lloyd.

Reaksyon ng mga kilalang celebrities sa pagkamatay ni Lloyd

Hindi nga lang ang pamilya ni Lloyd ang labis na nangungulila sa maagang pagkasawi nito. Dahil pati ang mga fan, kapwa niya vlogger at mga kilalang celebrities na na-inspire niya noong siya ay nabubuhay pa ay nag-bahagi rin ng kanilang nararamdaman sa nangyari sa kanya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“This breaks my heart. You made so many people so happy and have touched many lives including mine. Gone too soon 😞 you will be missed Llyod.”

Ito ang pahayag ng kilalang radio jockey-TV host at YouTube star rin na si Andi Mazano Reyes.

Ang kilala ring internet star na si Macoy Dubs at kaibigan ni Lloyd ay nanghinayang rin sa pagkawala nito. Sinabi niya ring deserve ni Lloyd ang lahat ng tagumpay dahil napakabuti niyang tao.

“Deserve niya lahat ng success niya kasi napakabuti niyang tao”, pahayag ni Macoy.

Panghihinayang at kalungkutan

Pati ang megastar na si Sharon Cuneta ay labis ding nanghinayang umano sa biglang pagkasawi ni Lloyd na tinuring niyang anak-anakan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

”Hinihintay ko pang sabihin mo sa akin Lloyd anak kung ano ang gusto mong gift ko sayo sa bagong bahay mo. Ang tagal-tagal na nahihiya ka pa rin magsabi. ‘Di ka na tuloy nabigyan ng gift nitong “Inay” mo. Thank you Lloyd, sa magandang ehemplo mo sa mga kabataan at sa dami ng natulungan mo.” pahayag ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account.

 

Nag-iwan rin ang Eat Bulaga host at Dubsmash queen na si Maine Mendoza ng mensahe para sa kanya.

“Nakakalungkot. Rest in peace, Lloyd Cadena. Masaya ako na na-meet kita in person at nasabi ko sayo na marami kang napapaligaya, isa na ako doon. I-decorate mo ang heaven ng bonggang-bongga at pasayahin mo pa ang mga angels doon. Gusto nila yooon! Rest easy, Kween.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pati nga ang international singer na si Mariah Carey ay nagbahagi rin ng pakikiramay sa pamilya ni Lloyd.

“So sad. RIP Lloyd, you will be missed. Sending my prayers to his family and friends during this difficult time.”

Ito ay kanyang ipinaabot sa kaniyang Twitter account.

Si Lloyd ay nakilala bilang isa sa biggest fan ng singer.

Lloyd Cadena’s cause of death

Samantala, kagabi, sa pamamagitan ng isang post sa Facebook page ni Lloyd ay ipinahayag na ng kanyang pamilya ang dahilan nang pagkamatay nito. Totoo nga ang bali-balitang nasawi ito dahil sa heart attack. Pero ito pala’y bunsod nang kumakalat na sakit na COVID-19 sa ngayon.

Ayon sa post, September 1 ng ma-confine si Lloyd dahil sa mataas na lagnat at dry cough. Matapos ang dalawang araw ay lumabas na positibo ito sa COVID-19. At nito ngang September 4,  ala-singko ng umaga nakita na lamang nito ng isang hospital staff na namumutla at hindi na humihinga. Iyon pala’y inatake na sa puso si Lloyd habang natutulog at patay na.

Ang post na ito ay lalong nagdagdag ng panghihinayang at kalungkutan sa fans at followers ni Lloyd. Dahil sa mura nitong edad na 26-anyos ay hindi ito pinatawad ng sakit at maagang tinapos ang makulay at napaka-buti nitong buhay.

Si Lloyd ay nakilala rin bilang si “Kween LC” at nagpauso ng isa sa mga nakakahiligang expression o catchphrase na “Gusto mo ‘yun?”.

Sinimulan niya ang pagba-vlog noong 2011. Mula noon ay marami na siyang napatawa at na-inspire na tao.

Sa ngayon ay mayroon siyang mahigit eight million subscribers sa kanyang dalawang YouTube channel. Ito ay ang Lloyd Cafe Cadena at Lloyd Cafe Cadena VLOGS.

Mayroon din siyang 1.3 million followers sa Twitter, 5.5 million likes sa Facebook, at 1.2 million followers sa Instagram.

Lalo rin siyang minahal ng mga Pilipino dahil sa kanyang annual charity projects. Pati na ang mga iba pa niyang charity activities na talaga namang hinahangaan ng lahat.

 

Source:

The Sun, ABS-CBN News, Manila Bulletin

Read more:

Pananakit ng tiyan maaaring sintomas ng COVID-19 sa bata, ayon sa research