Bagong online learning tool na LMS, inilunsad ng DepEd

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LMS DepEd, inilunsad para sa mga estudyante at guro para sa kasalukuyang school year. Ano nga ba ang purpose nito?

LMS DepEd

Bagong online learning tool, inilunsad ng Department of Education. Ito umano ay katulad lang ng DepEd Commons na una na nilang inilabas noon para sa mga estudyante at guro. Ito ay platform kung saan puwedeng magkaroon ng virtual classes ang mga guro at mata-track din nila ang performance ng kanilang mga estudyante.

“Right now we have about 8 million subscribers wherein lessons, homework, quizzes are all in the DepEd commons and are even accessible to the parents.”

Puwedeng ma-access ang LMS sa smartphone, tablet at laptop.

Paano paghahandaan ang online learning

Malaking adjustment para sa mga magulang at bata ang online learning. Dahil sa panukala ng gobyerno, parang magiging homeschooled muna ang mga bata upang mapanatili silang ligtas mula sa COVID-19.

Narito ang ilan sa mga school supplies na maaring madagdag sa inyong listahan dahil sa online learning:

  • Prepaid broadband
  • Tablet/ Laptop/ Computer
  • Printer
  • Headset

Gayunpaman, marami ang tutol dito dahil hindi naman talaga lahat ay mayroong access sa internet. Kung gagawing online-based ang school year 2020-2021, marami ang maaring hindi magpatuloy sa pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

DepEd Commons

Ang DepEd Commons ay ang DepEd online learning portal na ganap na binuksan nito lamang March 17, 2020 ng Department of Education. Sa pamamagitan ng online platform na ito ay maari ng mag-upload ang mga pampublikong guro ng teaching materials na maaring ma-access ng kanilang estudyante gamit ang internet.

Ayon sa DepEd mula noong soft launch ng DepEd commons nitong Marso 14 hanggang Abril 1 ay mayroon na itong 2,614,605 users. Ito ay palatandaan na maganda ang pagtanggap ng mga guro at mag-aaral sa malaking hakbang na ito ng ahensya na makapagbigay ng alernatibong paraan upang matuto ang mga bata sa gitna ng krisis at habang nasa bahay lang.

“I think we made the right decision to launch. It even if it was still incomplete. We took advantage of the ECQ [Enhanced Community Quarantine], as we know that teachers and students can continue their teaching and learning at home as long as we provide them the option or the opportunity to do it, and that is the essence of DepEd Commons.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni DepEd Undersecretary for Administration Alain Del Pascua tungkol sa pagbubukas ng DepEd online learning portal. Bagamat sinabi niyang hindi pa ito ganap na kumpleto.

DepEd online learning portal

Ang DepEd Commons ay ang nakikitang sagot ng ahensya sa mga panahong imposible ang ang face-to-face instruction. Tulad ngayon na suspendido ang mga klase ng dahil sa pinatutupad na enhanced community quarantine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We have longed for the time when suspension of classes will not in any way obstruct nor delay the education of our school children. Whenever we experience typhoons, floods, earthquakes, volcanic eruptions, and armed siege, we worry about the lost days and opportunities for the next generation’s education.”

Ito ang dagdag na pahayag ni Pascua.

Pinasalamatan naman ng mga guro at magulang ang pagbubukas ng DepEd online learning portal na ito. Maliban sa matututo ang mga bata ay mai-ejoy rin nila ang paggamit nito. Dahil maaring mamili ang mga bata sa paraan na gusto nilang matuto. Maaring ito ay sa pamamagitan ng puzzles, games o powerpoint slides na kung saan makikita ang kanilang aralin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

GMA News

Basahin:

DepEd nagpaalala na ang enrollment ay hanggang June 30 na lamang

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

mayie