Mga mommies at daddies, naghahanap ba kayo ng puwedeng gawin mamaya para sa inyong date night? Subukan niyong abangan ang longest lunar eclipse of the century (2018)!
Nangyayari ang lunar eclipse kapag nasa isang linya ang araw, Earth, at buwan—kaya nagkakaroon ng anino ng Earth sa buwan. Kapag nangyari ang total lunar eclipse, hinaharangan ng Earth ang sunlight na dapat ay papunta ng buwan kaya nagmumukhang pula ang moon. Tuwing may total lunar eclipse, tinatawag na “blood moon” ang buwan dahil sa kulay nito.
Bukod sa ito ang magiging longest lunar eclipse of the century, lubos na espesyal ito dahil sinasabayan nito ang Mars opposition. Ibig sabihin na nasa isang linya rin ang Mars, Earth, at araw.
Kaya kapag pinanood ang lunar eclipse mamaya, hindi lamang ang moon ang makikita, makikita rin ang Mars! Magmumukhang 5 times na mas maliwanag daw ang red planet dahil sa Mars opposition.
Dito sa Pilipinas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), masasaksihan ang simula ng lunar eclipse ng 1:13am ng Hulyo 28.
Narito ang schedule ng eclipse:
- Penumbral eclipse, magsisimula ng 1:13 am
- Partial eclipse, magsisimula ng 2:24 am
- Greatest eclipse, 4:21 am
- Partial eclipse, matatapos ng 6:19 am ngunit hindi na makikita
- Penumbral eclipse, matatapos ng 7:30 am gunit hindi na makikita
Pinapaalalahanan naman ng PAGASA ang mga manonood ng eclipse na gumamit ng “protective eyewear.” Dagdag pa ng organisasyon na mainam din gumamit ng binoculars upang mas makita ang magandang kulay ng longest lunar eclipse of the century ngayong 2018.
Mapapanood din ito sa livestream ng website na https://www.timeanddate.com/live/
Ang susunod na total lunar eclipse ay masasaksihan sa Enero 19, 2019 ngunit hindi ito makikita sa Pilipinas dahil mangyayari ito habang may araw pa. Ang kasunod no’n ang sa May 26, 2021 pa.
Sources: Rappler, TheAsianParent Singapore