Lotion Para Sa Buntis: Best Brands Para Mapanatili Ang Healthy, Glowing Skin

Gusto mo ba ng pregnancy glow habang nagdadalang-tao? Basahin at alamin kung ano ang dapat na gamiting lotion para sa buntis.

Normal na magbago ang kondisyon ng balat habang nagbubuntis. Kadalasan, ito ay nagiging dry at sensitive dahil sa hormonal changes. Ngunit mommy, may mga paraan upang maiwasan ito. Gusto mo ba ng glowing skin habang nagbubuntis? Narito ang listahan ng mga lotion para sa buntis na suitable sa iyong sensitive skin.

Alamin din ang aming tips para mapanatili ang healthy at magandang kutis habang ikaw ay nagdadalang tao.

Mga benepisyo ng lotion para sa buntis

Lotion Para Sa Buntis: Top Brands Na Nakakapagpanatili Ng Healthy Skin

Ang lotion ang isa sa mga skin care product na kailangan ng isang tao. Hindi lamang para magbigay ito ng moisture sa katawan, kundi para maiwasan ang ilang skin disease na sanhi ng dry skin at infection sa balat.

Lotion din ang isa sa top product na madalas binibili natin bilang mommy bukod sa sabon, shampoo, at toothpaste.  Ito ang mga dahilan kung bakit kailangang gumamit ng lotion ang isang tao lalo na kung siya ay nagbubuntis:

1. Para maiwasan ang dry skin

Isa sa kalimitang dahilan ng skin disease ay nagsisimula sa dry skin. Protektahan ang balat, at ugaliing gumamit ng lotion upang magkaroon ng moisture sa balat at maging hydrated ito.

2. Para malimitahan ang pagkakaroon ng stretchmarks

Ang stretchmarks ay parte na ng pagbubuntis at  base ito sa skin type. Pito sa sampung buntis ang nagkakaroon nito. Kaya naman nirerekomenda ng mga OB ang paggamit ng lotion. Hindi lang nagbibigay ng moisture sa balat, maiibsan din ang  stretchmarks habang nagbubuntis.

3. Nagpapakinis ng balat

Gusto natin bilang mommy na mayroon din tayong makinis na balat.  Para naman maisuot natin ang paborito nating dress kapag tayo ay lumalabas o namamasyal. May mga lotion na may formula na nagbibigay ng makinis na balat at inaayos ang rough skin sa katawan.

4. Nakaka-relax

Ang ilan sa lotion para sa buntis ay may mild scent na nakaka-relax sa sinumang gagamit nito. Hindi lang balat ang kinukundisyon nito, maging ang isip at pakiramdam. Kaya masarap itong gamitin pangmasahe habang nagpapahinga pagkatapos maligo.

5. Nakakaglow ng skin

Nagiging glowing ang siin ng isang bunyis kapag alaga ang balat. Sa paglalagay ng lotion, pinapakinis at nirerestore nito ang damaged skin kaya naman nanunumbalik ang sigla at glow ng skin.

6. Anti-Aging

Ang well hydrated na skin isa sa mga factor para maiwasan ang maagang pagkulubot o wrinkles sa balat. Sa tulad nating palaging mainit ang klima, mas madali masira ang cells ng balat.

Kaya naman mabilis itong madehydrate at kumulubot.  Maiiiwasan ito kung gagamit ng lotion na may moisturizer. Pumili ng brand na may tamang SPF.  Ang SPF ay nagpoprotekta sa skin laban sa harmful na dala ng uv-rays na galing sa araw.

7. Nilalabanan ang skin diseases at skin cancer

Ang malusog na balat ay nangangailangan ng tamang lotion sa katawan. May mga lotion na ginawa para sa iba’t ibang uri ng skin type at kung para saan ito gagamitin.

Karaniwang ginagamit ang lotion na may tamang SPF upang maiwasan ang sunburn at skin cancer.

6 Best lotion para sa buntis

May mga rekomendadong lotion para sa buntis ang maaaring gamitin para magkaroon ng sapat na moisture sa balat. Kabilang dito ang mga sumusunod na brands:

Best Lotion Brands
Mama's Choice: Stretch Mark Cream
Bumili sa Shopee
Buds & Blooms Belly's Collection Care Set
Best belly care set
Bumili sa Lazada
Mustela Soothing Moisturizing Body Lotion
Best for extra sensitive skin
Bumili sa Shopee
Vaseline Healthy Bright SPF24 Sun+Pollution Protection
Best whitening lotion
Bumili sa Lazada
Cetaphil Brightening Lotion
Best for glowing skin
Bumili sa Shopee
Cetaphil Daily Advance Ultra Hydrating Lotion
Best hydrating lotion
Bumili sa Lazada

Mama’s Choice Stretch Mark Cream

Lotion Para Sa Buntis: Top Brands Na Nakakapagpanatili Ng Healthy Skin | Mama’s Choice

Bakit ito maganda?


Ang pagbubuntis ay isa sa pinaka-nakakasabik na pangyayari sa isang pamilya. Kaya naman, ugaliing magsaliksik ng mga produktong siguradong ligtas gamitin hindi lamang para sa ina, kundi para rin sa sanggol. Ang Mama’s Choice Stretch Mark Cream ay gawa sa mga natural na produkto upang maiwasan ang anumang negative side effect. 

Ingredients


Ang cream na ito ay sagana sa shea butter, olive oil, at jojoba oil na nakakatulong sa produksyon ng collagen. Mayaman din ito sa lipobelle soyaglycone at aloe vera na nakakatulong sa skin elasticity at napapanatiling malambot at hydrated ang balat. 

Paano ito gamitin?


Isa sa mga kaabikat ng pagbubuntis ay ang pagkakaroon ng stretch marks. Hindi ito kumpletong maiiwasan at walang tiyak na lunas para dito. Ngunit maaring mabawasan ang epekto nito kung gagamit ng mga produktong makakatulong sa pag-lighten nito. Ugaliing gamitin ang Mama’s Choice Stretch Mark Cream para mapanatiling malusog ang balat.

Simple lamang ang paggamit nito. I-massage sa tyan at iba pang apektadong parte sa umaga at sa gabi. Siguraduhing circular ang pag-masahe upang mapanatili ang magandang sirkulasyon ng dugo.

Maari nang gumamit ng Stretch Mark Cream na ito mula sa second trimester ng pagbubuntis.

Buds & Blooms Belly’s Collection Care Set

Best belly care set

Lotion Para Sa Buntis: Top Brands Na Nakakapagpanatili Ng Healthy Skin | Buds & Blooms

Bakit ito maganda?

Gawa ito sa mga natural na sangkap na tumutulong para maging smooth at elastic ang skin habang nagbubuntis. Pinipigilan din nito ang pagkakaroon ng maraming stretchmarks na dala ng pagbubuntis.

Ito ay nag-iiwan ng non-sticky feel sa balat. No harsh chemical rin ito at fragrance free. Safe na safe kay mommy hangggang after niya manganak.

Sa bawat pagbili mo ng mga produktong ito, may libre itong Post Natal Whitening Cream. Sulit na sulit para sa mga preggy mommy.

Ingredients

Ang Elasticity Oil ay gawa sa Avocado extract, Geranium, Jojoba oil, Coconut oil, Rice Bran at Vitamin E. Hindi lamang ito nagbibigay ng moisture sa skin, nagpapalusog din ito para sa glowing na pregnant skin.

Ang Belly Smooth naman ay formulated na stretchmarks restoration cream. Mayroon itong pinaghalong mga sangkap na galing pa sa wild forest ng Korea katulad ng Astralagus plant at Bonnet belleflower na nakakatulong sa collagen production ng balat. Kaya naman inaayos nito ang mga parte ng skin na nagkaroon ng stretchmarks at pinanunumbalik ang sigla.

Ang Belly Calm naman ay special product na nagbibigay ng relief sa itchy skin na dala ng pagbubuntis. May iniiwan ding itong cooling sensation na nagpapakalma sa buntis. Gawa ito sa natural na mga sangkap at walang halong steroids na madalas nakikita sa mga anti-itch na mga produkto.

Paano ito gamitin?

Belly Elasticity Oil: Gamitin ito sa pasimula ng pagbubuntis o  1st Trimester para maiwasan ang pagkakaroon ng maraming stretchmarks sa katawan. . Maglagay ng 2-3 times kada araw.

Belly Smooth: Gamitin sa 2nd Trimester ng pagbubuntis upang maibalik ang kinis at ganda ng balat. Maglagay ng sapat na amount sa balat 2-3 times kada araw.

Belly Calm: Kapag nakakaramdam ng pangangati ng balat, lalo na sa may bandang tyan, maglagay lamang nito para sa instant relief at ginhawa.

Mustela Soothing Moisturizing Body Lotion

Best for extra sensitive skin

Lotion Para Sa Buntis: Top Brands Na Nakakapagpanatili Ng Healthy Skin | Mustela

Bakit ito maganda?

Ito ay ginawa para sa super sensitive skin ng isang tao. Ito rin ay hypoallergenic, fragrance free, at no paraven kaya safe itong gamitin ng mga nagbubuntis. Nagbibigay ito ng long lasting moisturizing effect sa balat at pinipigilan ang skin dryness sa bawat paggamit.

Ingredients

Gawa ito sa 97% plant-based ingredients kaya naman safe itong gamitin ng newborn, pregnant, breastfeeding mom, at may sensitive skin.

Mayroon itong avocado extract para sa added moisture ng balat. Nagtataglay rin ito ng Schizandra para naman sa sensitive skin, glycerin at iba pa na suitable sa sensitive skin.

Paano ito gamitin?

Maglagay sa buong katawan pagkatapos maligo. Gumamit ng dalawang beses sa isang araw para sa soft skin na katulad sa baby.

Vaseline Healthy Bright Body Lotion

Best whitening lotion

Lotion Para Sa Buntis: Top Brands Na Nakakapagpanatili Ng Healthy Skin | Vaseline

Bakit ito maganda?

Maganda ito sa skin ng isang nagbubuntis dahil sa sa taglay nitong whitening ingredients na nakakatulong para sa skin discoloration. Ito rin ay may SPF 24 na nakakatulong sa matinding epekto ng UV rays sa balat mula sa araw.

Nagtataglay din ito ng vaseline jelly na nakakatulong maibsan ang dry skin. Bukod pa roon, ang formulation nito ay fast absorbing at non-greasy kaya naman tiyak na komportable kang gamitin ito sa iyong balat.

Ingredients

Mayroon itong Niacinamide na nakakatulong upang maging bright at iyong balat. Nagtataglay din ng vaseline petroleum jelly para i-nourish ang balat at maiwasan ang dry skin.

Paano ito gamitin?

Gamitin ito araw-araw para maibsan ang dryness ng balat habang habang nagbubuntis.

Cetaphil Brightening Lotion

Best for glowing skin

Lotion Para Sa Buntis: Top Brands Na Nakakapagpanatili Ng Healthy Skin | Cetaphil

Bakit ito maganda?

Bukod sa moisture na binibigay ng produktong ito. Nagpapakinis at nagpapaputi rin ito. Ang Cetaphil Brightening Lotion ay nagbibigay ng pantay na kulay na balat.

Nagbibigay rin ito ng glow sa skin kaya naman prefer itong gamitin ng ibang mommy maski sila ay nagbubuntis. May gentle bright technology ito na nagpapaputi at nagbibigay ng 24 hours na moisture sa balat.

Ingredients

Gawa ito sa sea daffodil extract na tumutulong para alisin ang dark spots ng balat. Ito ay hypoallergenic, fragrance free, at non greasy. Safe itong gamitin maski ng buntis na may super sensitive skin. Clinically proven na rin ito kaya recommended ito ng mga Dermatologist.

Paano ito gamitin?

Maglagay ng sapat na amount sa buong katawan para sa pantay na resulta ng balat. Gamitin everyday para sa mas mabilis na resulta.

Cetaphil Daily Advance Ultra Hydrating Lotion

Best hydrating lotion

Lotion Para Sa Buntis: Top Brands Na Nakakapagpanatili Ng Healthy Skin | Cetaphil

Bakit ito maganda?

Ang Cetaphil Daily advance Ultra Hydrating Lotion ay may Advanced 5 ingredients na nagbibigay ng instant na hydration sa balat.

Ito rin ay nagbibigay ng moisture para maiwasan ang dryness at skin irritation. Proven na nag-iiwan ng moisture sa loob ng 24 hours sa balat sa single application lamang nito. Safe gamitin sa araw araw ng mga buntis. Ito rin ay non-greasy, fragrance free, at non-comedogenic.

Ingredients

Ito ay may glycerin, macadamia seed oil, dimethicone, at marami pang iba na  nagpoprovide ng  instant relief sa skin, nagpapagaling ng skin dryness, at nagpapakinis.

Paano ito gamitin?

Mag-apply pagkatapos maligo para manatili ang moisture sa balat. Maglagay kung kinakailangan. Gamitin sa araw-araw para sa magandang resulta.

Price Comparison Table

Brand Volume Price Price per ml
Mama’s Choice Stretch Mark Cream 100 ml Php 499.00 Php 4.99
Buds and Blooms Belly’s Collection Care Set N/A Php 989.00 N/A
Mustela Soothing Moisturizing Body Lotion 200 ml Php 740.00 Php 3.70
Vaseline Healthy Bright Lotion 200 ml Php 209.00 Php 1.05
Cetaphil Brightening Lotion 245 ml Php 1,135.00 Php 4.63
Cetaphil Daily Advance Ultra Hydrating Lotion 110.5 ml Php 970.00 Php 8.78

Tips para sa healthy skin ng pregnant mommy

Lotion Para Sa Buntis: Top Brands Na Nakakapagpanatili Ng Healthy Skin | Image from Istock

1. Pag-inom ng walong basong tubig o higit pa sa isang araw

Nirerekomenda ang pag-inom ng hindi bababa sa walong basong tubig kada araw para maging hydrated ang isang buntis lalo na kapag mainit ang panahon.

Malaki ang naitutulong nito hindi lamang sa mga body organ sa loob ng katawan pati na rin sa balat. Ang taong well hydrated ay nagkakaroon ng sapat na noisture sa balat.

2. Paggamit ng mild soap na may natural ingredient at moisturizer

Alam niyo ba na isa sa nakakadamage ng balat ng isang buntis ay ang paggamit ng sabon na may matapang na chemical. Humanap ng produktong mild at gently na suitable sa inyong skin type para maiwasan ang dryness at skin damage na dulot ng harsh chemical sa balat.

3. Kumpletong tulog at sapat na pahinga

Maraming benepisyo ang makukuha kapag kumpleto ang tulog ng isang tao. Bukod sa maayos na pag-iisip kapag kumpleto ng tulog ang isang tao, gumaganda rin ang kaniyang aura o inner glow.

Nagre-reflect ito sa kanyang skin. Kaya naman nagkakaroon ng kakaibang glow ang isang taong kumpleto ng tulog at pahinga.

4. Pagkain ng masustansya na mayaman sa Vitamin E

Ang vitamin ay isa sa nutrients na nagpapatibay ng ating immune system at nagbibigay proteksyon sa ating balat para labanan ang free radical cells na dahilan ng skin cancer.

Kumain ng green leafy veggies tulad ng spinach at broccoli. Kumain din ng avocado, mga nuts gaya ng peanuts, almond, hazelnut at iba pa. mayaman rin sa Vitamin E ang sunflower seed, soybean product tulad ng tokwa at taho, manga, singkamas, at kiwi.

5. Pag-iwas sa stress

Number 1 na nakakasira ng ating balat ang stress. Kapag stress ang isang tao, bumabagsak ang kaniyang immune system at nagiging dahilan ito ng dehydration na naglelead sa dry skin. Mas mainam kapag buntis ang pag-iisip ng mga bagay na nakakaiwas ng stress.

Humanap ng magandang libangan upang kalimutan ang sanhi ng stress at mag-isip ng mga magagandang bagay habang nagbubuntis.

6. Iwasan ang paliligo ng mainit na tubig o hot bath

Kung nais maligo ng hot bath, ipagpaliban muna ito hangga’t maaari. Gumamit lamang ng maligamgam na tubig. Huwag ding tagalan ang paliligo upang hindi maalis ang natural moisture ng balat.

7. Gumamit ng Sunblock

Ang paggamit ng sunblock kung summer time ay may magandang benepisyo sa balat. Maglagay ng sunblock na may tamang SPF na safe sa buntis upang maiwasan ang skin damage lalo na kung may family outing na pupuntahan o may outdoors activity na gagawin.

8. Moiturize your skin

Gumamit ng moisturizing lotion na safe sa inyo ni baby. May mga produkto na angkop sa skin type at skin needs. Mas magandang gumamit nito sa araw-araw pagkatapos maligo upang malock-in ang moisture sa katawan.

 

At ngayong alam niyo na ang aming top picks ng lotion para sa buntis, i-add to cart na kaagad ang inyong napupusuan!