Lovi Poe sa pagkakaroon ng baby: “So far right now we just want to focus sa work and us being together.”

Ayon kay Lovi, hindi pa daw sila nakakapaghoneymoon ni Monty. Dahil matapos ang kanilang kasal ay balik trabaho agad siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lovi Poe at husband Monty Blencowe wala pang balak na magkababy sa ngayon. Aktres sinabing masaya siya na suportado siya ng mister sa kaniyang career.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Lovi Poe at husband Monty Blencowe sa pagkakaroon ng anak.
  • Buhay may asawa ni Lovi Poe.

Lovi Poe at husband Monty Blencowe sa pagkakaroon ng anak

Larawan mula sa Facebook account ni Lovi Poe

Higit dalawang buwan narin ang nakalipas ng maikasal si Lovi Poe sa British movie producer na si Monty Blencowe. Ang kanilang kasal ginanap sa United Kingdom na hindi pina lampas ng pamilya at kaibigan ni Lovi Poe.

Ngayong ganap ng may asawa, marami ang nagtatanong sa aktres kung kailan sila magkakababy ng mister niyang si Monty. Sa isang panayam ay deretsong sinagot ito ni Lovi at sinabing sa ngayon ay focus muna nila ang kanilang career at mga sarili.

“So far right now we just want to focus sa work and us being together.”

Ito ang sabi ni Lovi.

Sa katunayan, sabi pa ni Lovi ay hindi pa nga sila nakakapag-honeymoon. Dahil balik trabaho agad daw sila ni Monty matapos silang maikasal.

Buhay may asawa ni Lovi Poe

Larawan mula sa Facebook account ni Lovi Poe

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagkukuwento pa ni Lovi napaka-swerte niya sa mister na suportado siya sa kaniyang career. Isang bagay daw na pinasasalamatan niya dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“He wants to see me shine, succeed as an individual, kaya sobrang suwerte ko na ganoon siya. I know na we're on the next level, next stage but he still wants to see me fly.”

Ito ang sabi pa ng aktres na sinabing hindi niya naman kinakalimutan na balansehin rin ang lahat. Lalo na ngayon na siya ay may asawa na.

"I have my career, I want to have a proper balance for things talaga. It's just great that I have a strong support system around me. My husband is very supportive.”

Ito ang sabi pa ni Lovi tungkol sa kaniyang buhay may asawa sa ngayon.

Larawan mula sa Facebook account ni Lovi Poe

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement