Lovi Poe ikinasal na sa kaniyang British boyfriend na si Monty Blencowe: “I have found the one who makes my soul sing”

Ang kanilang kasal ginanap sa England!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lovi Poe intimate ang naging wedding sa British boyfriend niyang si Monty Blencowe. Tingnan dito ang mga wedding photos nila.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Monty Blencowe and Lovi Poe intimate wedding in England.
  • Pakiramdam ni Lovi Poe ngayong siya ay kasal na.

Monty Blencowe and Lovi Poe intimate wedding in England

Larawan mula sa Instagram account ng Metro Mag PH

Ikinasal na ang aktres na si Lovi Poe sa kaniyang British boyfriend na si Monty Blencowe. Ang kanilang kasal naganap nitong Linggo, August 27 sa pamamagitan ng isang intimate wedding ceremony sa Cliveden House sa England.

Makikita sa mga larawan ng kasal ni Lovi na ilan sa mga celebrities na naroon ay ang mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho at ang eventologist na si Tim Yap. Present rin sa kasal ni Lovi ang kaniyang kapatid na si Sen. Grace Poe. Ang senadora nagbigay ng mensahe kay Lovi na nagpaluha sa aktres sa araw ng kaniyang kasal.

“If FPJ were alive today, he could have been so proud of you, Lovi. I wish he were here today so that he would be walking with you down the aisle on your wedding day.”

Ito umano ang naging mensahe ng senadora kay Lovi.

Pakiramdam ni Lovi Poe ngayong siya ay kasal na

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Preview PH

Samantala, si Lovi ay hindi pa nagbabahagi ng mga larawan sa kaniyang naging kasal. Bagamat sa isa niyang post ay may kuha siya ng larawan ng dalawang artist na tumutugtog sa kaniyang wedding. Ang caption niya dito ay nagpapahiwatig ng nararamdaman niya ngayong siya ay kasal na.

“I have found the one who makes my soul sing. ♥”

Ito ang sabi ni Lovi.

Nitong unang linggo lang ng Agosto ibinahagi ni Lovi na siya ay matagal ng engaged sa boyfriend na si Monty. Ang proposal ay naganap daw dalawang taon na ang nakakaraan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“A couple of years ago, there were two coffees, one sunrise, and a ring.”

Ito ang caption ng post ni Lovi tampok ang larawan ng suot niyang engagement ring.

Larawan mula sa Instagram account ni Lovi Poe

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

PEP

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement