Ano ang ibig sabihin ng Placenta Previa sa buntis at mga kumplikasyon na dulot nito

Ang komplikasyon dulot ng placenta previa ay lubhang delikado para sa babaeng buntis at kaniyang sanggol. Kaya naman mahalagang malaman ang mga impormasyon tungkol dito ng bawat babaeng nagdadalang-tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang ibig sabihin ng placenta previa o low lying placenta at paano ito malulunasan at maiiwasan? Alamin sa artikulong ito kung ano ba ano ba ang placenta previa at paano ito maiiwasan habang buntis. 

Ano ang ibig sabihin ng placenta previa o low lying placenta? 

Sa pagbubuntis, ang placenta ay may napakahalagang papel na ginagampanan. Sapagkat dito nagde-develop ang umbilical cord ng fetus saka ito nag-a-attach sa uterine wall hanggang sa makumpleto ang pagbubuntis at maipanganak ang sanggol.

Ito ang organ na umaaktong life support system ng isang nagde-develop na fetus sa sinapupunan. Nagdadala ito ng oxygen at nutrition mula sa inang buntis papunta sa kaniyang sanggol. Inaalis din nito ang mga dumi o waste sa dugo ng nagde-develop na fetus.

Kung ang placenta ay masyadong mababa ang posisyon sa sinapupunan, ito ay tinatawag na low lying placenta o kondisyon na kilala rin sa tawag na placenta previa.

Ang kondisyong ito’y maaaring magdulot ng bahagya o kumpletong pagbabara ng cervical opening ng isang babaeng buntis. Isa sa mga dahilan kung bakit nase-cesarean section delivery ang isang babaeng manganganak.

Photo by Anna Hecker on Unsplash

May tatlong uri ng placenta previa. Ito ay ang sumusunod:

  • Complete previa o kung saan ang cervical opening ay kumpletong natatakpan.
  • Partial previa na kung saan ang placenta ay bahagyang tinatakpan ang portion ng cervix ng isang buntis.
  • Marginal previa o kung saan ang placenta ay nag-i-extend hanggang sa dulo ng cervix.

Maaaring ma-diagnose ito simula sa ika- 12 weeks ng pagdadalang-tao. Subalit madalas ito’y natutukoy na placenta previa sa ika-20 weeks pa ng pagbubuntis.

Ang stage ng pagbubuntis na kung saan mabibigyan pa lamang ng posibleng lunas ang kondisyon. Pero ang magandang balita, halos 90% cases naman ng placenta previa ay naitatama. Maaaring ding maibalik ang placenta sa tama nitong posisyon bago ang panganganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa oras na hindi ito mangyari at naganap ang matinding pagdurugo, ay kailangang isagawa ang hysterectomy o ang pagtatanggal sa uterus sa pamamagitan ng surgery.

Panoorin ang video para sa mas malinaw na paliwanag tungkol sa placenta previa.

Sintomas ng low lying placenta o placenta previa

Kung nagbubuntis, mahalagang malaman ang sintomas ng placenta previa para ito ay agad na malunasan. Ang mga sintomas nito ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bleeding o pagdurugo

Ito;’y isang warning sign sa pagdadalang-tao na hindi dapat binabalewala. Lalo na sa pangalawang trimester ng pagbubuntis na pangunahing dulot ng placenta previa. Madalas ang pagdurugo na dulot ng placenta previa ay mapula na walang mararamdamang pananakit.

Maaaring ito’y malakas o mahina na madalas na lumalabas sa pwerta sa tuwing umuubo o nakikipagtalik ang buntis. Ang pagdurugo na dulot ng placenta previa ay kusang tumitigil. Subalit ito’y maaaring maulit muli matapos ang ilang araw o linggo.

Cramping

Bagama’t ang pananakit o cramping sa placenta previa ay hindi na nararanasan ng lahat ng mga buntis na mayroon nito, may ilang babae ang nakapagsabi na sila ay nakaranas ng light to moderate cramping bago ma-diagnose na sila ay may low lying placenta.

Sanhi at risk factors ng pagkakaroon ng low lying placenta o placenta previa

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang ibig sabihin ng placenta previa o low lying placenta?  | Photo by Pelayo Arbués on Unsplash

Sa ngayon ay hindi pa tukoy ang eksaktong dahilan kung bakit nararanasan ng isang buntis ang placenta previa. Pero base sa mga naitalang kaso ng kondisyon, ito ang mga contributing factors kung bakit ito nararanasan.

Uterine factors

Kabilang rito ang pagkakaroon ng damage sa lining ng uterus matapos ang isang surgery. Tulad ng pag-aalis ng fibroids o benign tumors sa muscular at fibrous tissues na nagde-develop sa sinapupunan.

Placental Factors

Ang posisyon ng placenta ay may kaugnayan sa kung saan kakabit at mabubuo ang embryo. Kung ang embryo ay na-implant sa mababang bahagi ng uterus magiging mababa rin ang posisyon ng placenta nito.

Maliban dito, ang iba pang placental factors na nagdudulot ng placenta previa ay ang abnormal na laki ng placenta tulad sa mga kaso ng multiple pregnancies.

Sa librong The Mother of All Pregnancy Books na isinulat ni Ann Douglas, ang placenta previa ay nararanasan ng 2.8% ng kada 1000 single na pagbubuntis at 3.9% ng kada twin pregnancies.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mas nagiging susceptible o mas tumataas ang tiyansa ng isang babae na maranasan ito kung siya ay nakaranas ng mga sumusunod:

  • May history ng abortion o multiple dilation at curettage.
  • Na-cesarean section sa mga naunang pagbubuntis.
  • Nagkaroon ng endometrial scarring matapos ang previous episode ng placenta previa.
  • Mayroong maraming anak.
  • Lagpas sa 35 years old ang edad.
  • Naninigarilyo.
  • Gumagamit ng cocaine.

Mga komplikasyong dulot ng placenta previa

Ayon sa OB-Gynecologist na si Dr. Iswaran Subrahmanyam, ang placenta previa ay isang napakaseryosong kondisyon na maaring mauwi sa maternal death. Ganito rin ang sinabi ni Ina May Gaskin, isang leading midwife sa America.

Ayon sa kaniya, ang placenta previa ang pinakadelikadong komplikasyon na maaaring maranasan sa pagbubuntis. Sapagkat ang kondisyon na ito ay maaaring magdulot ng mga sumusunod na komplikasyon sa pagdadalang-tao.

Photo by Gabriel Tovar on Unsplash

Preterm labor

Maaari itong maranasan sa pagbubuntis kung ang pagdurugo na dulot ng placenta previa ay labis na malakas o uncontrollable. Kung nalalapit na sa due date, maaaring ma-cesarean section ang babaeng buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang sanggol na ipinanganak ng premature ay mataas ang tiyansa na magkaroon ng low birth weight at respiratory issues.

Hysterectomy

Ang placenta previa ay maaaring magdulot ng life-threatening na pagdurugo habang nanganganak o matapos manganak ang isang buntis. Dahil ritok, nangangailangan ng blood transfusion o pagsasalin ng dugo.

Pero base sa mga naitalang kaso ng kondisyon, may 10% sa mga ito ang kinailangang tanggalan ng uterus o sumailalim sa procedure na kung tawagin ay hysterectomy.

Kailan dapat tumawag o magpunta sa doktor?

Ayon pa rin sa OB-Gynecologist na si Dr. Iswaran, ang pagdurugo o bleeding ang isa sa mga palatandaan na ang buntis ay dapat ng magpunta sa doktor. Mahina man ito o malakas ay kailangang mabigyan na ito ng medikal na atensyon.

Sapagkat pagdating sa pagdadalang-tao, dapat ay laging maging alert. Kaya mahalagang magkaroon ng easy contact ang buntis sa kaniyang doktor sa lahat ng oras.

Paano matutukoy kung may placenta previa ang buntis?

Mayroon o wala mang vaginal bleeding, ang OB-gyne ay nagsasagawa ng ultrasound sa ika-16 o 20-week ng pagbubuntis. Ginagawa ito para makita ang posisyon ng placenta. Para masiguro na nasa maayos na posisyon ang placenta, maaaring sumailalim sa abdominal at transvaginal scan ang buntis.

Maaari namang iwasan o hindi mag-perform ng routine vaginal examinations ang doktor sa oras na may suspetya siyang may placenta previa ang buntis. Upang maiwasan ang posibleng risk ng heavy bleeding.

Sa oras na matukoy ngang may placenta previa ang isang buntis ay mahigpit na imo-monitor ng kaniyang doktor ang kaniyang pagbubuntis. May mga dagdag na ultrasound na maaaring i-perform. Bagama’t iiwasan ang mga pelvic at vaginal examinations. Mahigpit ding babantayan ang heartbeat ng ipinagbubuntis niyang sanggol.

Paano ito malulunasan?

Hindi tulad ng ibang sakit at impeksyon, ang placenta previa ay hindi basta nalulunasan sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot o medication. Bibigyan lang ng gamot ang buntis na mayroon nito upang maiwasan ang preterm labor o para umabot sa hanggang sa 36th week ang kaniyang pagdadalang-tao.

Sa oras naman na hindi mapigilan na mapaaga ang panganganak ng buntis na may placenta previa, siya’y bibigyan ng steroid injections. Ito ay para mapalakas ang lungs o baga ng kaniyang sanggol. Siya rin ay papayuhang gawin ang mga sumusunod:

  • Iwasan ang mga activity na siya ay mapupwersa.
  • Huwag munang makipagtalik.
  • Iwasan ang mga pelvic examinations.
  • Huwag magbuhat ng mabibigat.
  • Mag-bedrest.
  • Kung malakas ang pagdurugo, kinakailangan ang hospital bed rest.
  • Bawal muna ang douching o ang paglilinis sa loob ng vagina gamit ang tubig o iba pang mixtures.

Para sa mga babaeng buntis na nakakaranas ng placenta previa, ipinapayong mag-relax at sundin lang ang payo ng iyong doktor. Humingi ng tulong sa ibang miyembro ng inyong pamilya sa pagsasagawa ng mga gawaing bahay.

Lalo na ang nangangailangan ng pwersa o pagbubuhat ng mabigat. Mag-relax at magpahinga para sa kapakanan mo at ng iyong dinadalang sanggol.

Paano ito maiiwasan?

Para maiwasan na magkaroon ito, dapat ay umiwas ang isang babae sa mga posibleng dahilan ng pagkakaroon nito. Tulad ng paninigarilyo at paggamit ng cocaine. Dapat din ay pagplanuhan ang pagbubuntis at siguraduhing may malusog na pangangatawan sa oras na maganap ito. Kung buntis na ay dapat magkaroon ng regular check-up sa doktor at higit sa lahat ay alagaan ng doble ang sarili at ang ipinagbubuntis na sanggol.

Muling inilathala na may pahintulot mula sa theAsianparent at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

The Asian Parent