Ang lugaw na kilala rin sa tawag na rice porridge o congee ay easily digestible nutritional food for all ages. Comforting ito sa taste buds kaya tiyak na magugustuhan ng bata. Madali itong ihanda at maaaring haluan ng iba’t ibang ingredients na perfect kung picky-eater ang iyong anak. Kaya naman aming nilista ang ilang lugaw recipe for baby.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga dapat tandaan sa paghahanda ng soup for baby
- Healthy and easy-to-make lugaw recipe for baby
Mga dapat tandaan sa paghahanda ng soup for baby
Larawan mula sa Pexels kuha ni Annushka Ahuja
Sa pagluluto ng pagkain ng baby, mahalagang isaalang-alang palagi ang kaniyang safety. Mayroong mga ingredients na pwede sa adult pero maaaring makasama sa bata.
Narito ang mga dapat tandaan sa pagluluto ng iba’t ibang soup for baby:
- Kung kailangan ng gulay at prutas sa recipe, tiyaking hugasan ang mga ito nang maigi.
- I-serve ang soup habang fresh at warm pa. Mas mabuting i-consume ito sa loob ng isa hanggang dalawang oras mula sa preparation.
- Subukan munang pakainin ang baby nang 4-5 teaspoon ng soup at dagdagan ito nang paunti-unti ayon sa interest at tolerance ng iyong anak sa soup.
- Maaaring magdagdag ng spices kapag eight months na ang iyong anak. I-introduce ang spices sa kaniya nang one at a time para maiwasan ang allergic reactions at pagsakit ng tiyan.
- Kung kailangan ng formula milk bilang ingredient ng soup, huwag pakuluan o lutuin ang gatas. Ihanda ang soup at tubig at kapag mainit na ang soup ay tsaka idagdag ang inihandang formula milk.
- Huwag maglalagay ng asin sa lugaw o soup for baby hangga’t wala pang isang taong gulang ang iyong anak. Maaaring magdulot ng hypertension at sakit sa bato ang labis na sodium sa katawan ng baby habang siya ay lumalaki. Pwede rin itong magdulot ng sakit sa cardiovascular at respiratory. Maliit pa ang kidney ng baby at ang sodium mula sa breastmilk na iniinom niya ay sapat na para sa kaniyang katawan.
- Kung may allergy ang iyong anak sa anomang ingredient sa lugaw o soup recipe, alisin ito at huwag nang isama sa pagluto.
- Para sa mga baby below one year old, mas magandang gumamit ng fruit purees, dates syrup, at pureed raisins bilang sweeteners kung kailangan sa recipe.
- Mahalagang pakainin ng iba’t ibang pagkain ang bata bukod sa lugaw, porridge o congee. Ito ay para makuha ng iyong anak ang sapat na sustansya na kailangan ng kaniyang katawan.
BASAHIN:
31 affordable and delicious recipes that cost under P250
Chicken Sopas Recipe: Ang all-time favorite noodle soup ng pamilyang Pilipino
Baby food 101: The basics all moms and dads should know!
Healthy and easy-to-make lugaw recipe for baby
Kung nais magluto ng congee for baby, maaaring subukan ang mga sumusunod na lugaw recipe for baby. Ang mga ito ay mula sa Idol sa Kusina Recipe ng GMA News.
Dinevelop ang lugaw recipe na ito ng Food and Agriculture Organization at ng Institute of Human Nutrition and Food ng University of the Philippines Los Baños.
- Monggo and squash rice porridge recipe for baby
Screenshot mula sa ‘Idol sa Kusina’ YouTube video
Ingredients
- Ginger o Luya
- Rice
- Monggo
- Squash o Kalabasa
- Water
Instructions
- Lagyan ng kaunting mantika ang kaserola.
- Ilagay ang kaunting luya.
- Ilagay ang bigas at lagyan ng tubig.
- Ihalo ang monggo.
- Idagdag ang kalabasa.
- Haluin at pakuluin hanggang makuha ang nais na consistency.
- Chicken liver rice porridge recipe for baby
Screenshot mula sa ‘Idol sa Kusina’ YouTube video
Ingredients
- Ginger o luya
- Sibuyas
- Bawang
- Rice
- Water
- Chicken liver
- Grated carrots
Instructions
- Lagyan ng kaunting mantika ang kaserola.
- Ilagay ang kaunting ginger o luya.
- Igisa ang sibuyas at bawang.
- Ilagay ang bigas at lagyan ng tubig.
- Ihalo ang chicken liver.
- Idagdag ang grated carrots.
- Haluin at pakuluin hanggang makuha ang nais na consistency.
- Malunggay rice porridge recipe for baby
Screenshot mula sa ‘Idol sa Kusina’ YouTube video
Ingredients
- Luya
- Sibuyas
- Bawang
- Rice
- Water
- Malunggay leaves
- Itlog
Instructions
- Ilagay ang itlog sa isang kaserola at pakuluin hanggang maging lutong-luto.
- Sa kahiwalay na kaserola maglagay ng kaunting mantika.
- Ilagay ang kaunting ginger o luya.
- Idagdag ang sibuyas at bawang at igisa.
- Ilagay ang bigas at haluan ng tubig.
- Haluin at pakuluin hanggang makuha ang nais na consistency.
- Idagdag ang malunggay.
- Kapag luto na ay ilagay ang hard boiled egg sa ibabaw.
Ang lugaw ay mahalagang complimentary food ng baby na makatutulong sa kanilang growth potential sa first 1,000 days ng kanilang buhay. Ayon kay Ms. Marilou Enteria, Nutrition Officer IV ng National Nutrition Council, tiyaking thick ang consistency ng lugaw na lulutuin.
Ito ay para umano mas maraming sustansya ang makain ng bata. Kung masyadong malabnaw daw kasi ang lugaw ay mas marami ang tubig na mate-take ng baby imbes na ang nutritious ingredients ng lugaw ang makain nito.
Saad pa niya, ang malunggay rice porridge at monggo squash rice porridge ay maaari nang ipakain sa mga baby na nasa 6 months old pataas. Habang ang chicken liver rice porridge naman ay para sa mga older baby o ‘yong mga nasa edad 8 months pataas.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!