Lahat ng bagay ay gagawin ng isang magulang para mapabuti ang kanilang mga anak. Kahit na hindi ganoon kayaman ay nagsusumikap ang mga magulang na mag-provide ng magandang edukasyon at buhay para magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.
Pero alam niyo ba na mayroon pang puedeng gawin para makatulong na magkaroon ng magandang kinabukasan ng mga anak niyo? Ayon sa research mula sa UCLA (University of California, Los Angeles) may mga pangalan na mas makakasiguro na respetuhin sila ng mga katrabaho at kaibigan balang araw.
Ayon sa professor na si Albert Mehrabian, may 20 na pangalan siyang na-diskubre matapos ang pagsasaliksik niya, na nagbibigay ng imahe na successful ang isang tao.
Sa interview niya sa Inc. magazine, sinabi niya na madaming “nauusong pangalan” sa bawat henerasyon pero ang mga tradisyonal at “timeless” na di nawawala ang epekto.
Paano niya ginawa ang research?
Kumuha siya ng 2,000 na participants at nag-conduct ng 7 na research projects. Ang mga participants ay binigyan ng 2,845 na pangalan at tinanong kung ano sa tingin nila ang ugali at estado ng taong may ganung pangalan.
Base sa kanilang mga sagot, sinuri ni Professor Mehrabian kung anu-anong pangalan ang sa tingin nila’y pangalan ng taong “intelligent, confident, assertive, creative, at successful.”
Anu-ano ang 20 names na na-associate sa success?
Importante ding malaman na hindi assurance ang research ni Professor Mehrabian ng magandang kinabukasan ng baby mo, pero interesting din na malaman na puede mong piliin ang pangalan na makaka-improve sa chances nila na ma-achieve ang success at mga pangarap nila.
Ika nga nila, “from perception flows reality.”
Narito ang highest-rated names na pambabae:
Jacqueline
Morgan
Elizabeth
Katherine
Victoria
Lauraine
Susan
Catherine
Kate
Madeleine
Narito naman ang para sa mga batang lalaki:
Steven
Ross
Christopher
James
Robert
David
Kenneth
Parker
Thomas
Madison
Mayroon ba kayong idadagdag sa listahan ni Professor Mehrabian? Ilagay niyo lang sa comments, mommies and daddies!
READ: 10 Beautiful baby names in Cebuano
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!