Ma Ling luncheon meat at iba pang imported pork meat products ipinagbabawal sa bansa. Ito ay bilang pag-iingat sa kumakalat na African swine fever virus sa buong mundo.
Ma Ling Luncheon Meat ipinagbabawal muna sa bansa
Sa isang interview kay FDA Officer-In-Charge Eric Domingo, sinabi nitong ang pansamantalang pagbabawal sa mga imported meat products sa bansa ay isang paraan para makaiwas sa kumakalat na African swine fever virus. Lalo pa’t ang virus ay nakakaapekto na sa labing-isang bansa sa buong mundo.
“I signed that order. It is a step taken to ensure the food security of our country and make that our livestock is not affected by the African swine fever,” ayon kay Domingo.
Kinumpirma rin niya na kabilang ang Ma Ling luncheon meat sa mga pork meat products na ipinagbabawal sa ngayon.
“Yes [Ma Ling is covered by the ban]. The FDA regulatory board will go around and inspect. We also ask the public to report any sightings to the FDA,” dagdag pa ni Domingo.
Noong una ay tanging mga pork meat products mula sa pitong bansa na China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia, at Ukraine lang ang ipinagbabawal.
Pero dahil kumalat na ang African swine fever virus sa iba pang bansa ay nadagdag ang mga bansang ito sa listahan: Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova, and Belgium.
Ipinaalala ng FDA na huwag bibili ng mga pork meat products na nagmula sa mga nabanggit na bansa na may manufacturing date na mula August 2018 hanggang sa kasalukuyan.
African swine fever virus
Bagamat hindi naman itinuturing na “human health threat” ang African swine fever virus, malaki daw ang magiging epekto nito sa swine industry.
Ito daw ay isang highly contagious hemorrhagic disease sa mga baboy na nagdudulot ng sumusunod sa baboy: lagnat, kawalan ng gana kumain, hemorrhage sa balat at internal organs na maaring mauwi rin sa pagkamatay ng apektadong hayop.
Ayon parin sa FDA ay milyun-milyong baboy na ang namatay sa Tsina at Vietnam dahil sa virus.
Kaya para makaiwas sa virus ay ipinagbabawal muna ng pansamantala ang mga pork meat products gaya ng Ma ling luncheon meat. Ito daw ay dahil ang African swine fever virus ay maari paring maiwan sa karne ng baboy kahit ito ay processed meat na.
Ayon parin kay Domingo, ay sasamsamin ang mga pork meat products mula sa mga bansang nabanggit kung patuloy itong ibebenta sa mga pamilihan.
Ayon naman sa Department of Agriculture ay papatawan ng multang P200,000 ang sinumang magpapasok ng mga pork meat products mula sa mga nasabing bansa at agad na kukumpiskahin sa mga paliparan.
Sources: Inquirer News, Philippine Star
Basahin: Ultra processed foods and cancer: foods that may be slowly killing you