Toddler bad breath o mabahong hininga ng bata, narito ang mga paraan kung paano malulunasan at maiiwasan.
Talaan ng Nilalaman
Mabahong hininga ng bata
Base sa isang 2003 survey ng US Pediatric Dentistry, 23% ng mga bata ang mayroong halitosis o mabahong hininga. Ayon naman kay Dr. Blair Hammond, isang pediatrician sa Mount Sinai Hospital sa New York City, USA, ito ay madalas na nararanasan ng mga batang edad 2 o 3 taong gulang. At ilan sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon nito ang mga bata ay ang sumusunod:
Mga dahilan ng pagkakaroon mabahong hininga ng bata
1. Improper oral hygiene.
Ayon parin kay Dr. Hammmond, isa umano sa pangunahing dahilan ng mabahong hininga sa mga bata ay ang improper brushing at flossing sa kanilang ngipin. Dahil kung hindi maayos na malilinis ang kanilang ngipin ay hindi naalis ang cavities at bad bacteria dito na nagdudulot ng bad breath.
“In kids, as in adults, tongue coating, inflammation of the gums (gingivitis), and tooth decay are the most common culprits. Bad breath is thought to be caused mostly by “volatile sulfur compounds” — smelly by-products of the breakdown of proteins and sugars by bacteria in the mouth.”
Ito ang pahayag ni Dr. Hammond tungkol sa pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng toddler bad breath.
2. Mouth breathing
Dagdag pa niya isa pang dahilan kung bakit prone sa bad breath ang mga bata ay dahil sila ay “mouth breathers”. Nangangahulugan ito na sila ay humihinga sa kanilang bibig imbis sa kanilang ilong. Kaya naman mas kakaunti ang saliva o laway na naproproduce sa kanilang bibig. Ang resulta nito mas tumataas ang tiyansa ng pagkakaroon ng cavities at bacteria sa bibig na nagdudulot ng mabahong hininga.
Paliwanag pa niya madalas ang mga mouth breathers ay may maliliit o makikitid na bibig at may white discoloration sa dila.
3. Maaring palatandaan ito ng iba pang sakit.
Ngunit maliban dito ang toddler bad breath ay maaring palatandaan rin ng iba pang sakit. Tulad ng sinus, throat infection, postnasal drip o heartburn.
“Sometimes halitosis can be a sign of some other problem, such as a sinus or throat infection. Postnasal drip and heartburn (also called reflux) are additional possible causes of bad breath in children and may also be associated with whitish discoloration of the tongue.”
Ito ang paliwanag pa ni Dr. Hammond.
4. Foreign object na na-stuck sa ilong ng bata.
Ayon naman sa health website na Healthline, ang toddler bad breath ay maaring dulot rin ng bagay o foreign object na na-stuck sa ilong ng isang bata. Tulad nalang bead o maliit na piraso ng pagkain.
Sa ganitong pagkakataon, maliban sa mabahong hininga, ang bata ay naglalabas rin green at foul-smelling discharge sa kaniyang ilong na mas lumalala habang tumatagal.
5. Pagkaing may matapang o mabahong amoy.
Isa pang dahilan ng toddler bad breath ay ang pagkain ng isang bata ng pagkaing may matapang o mabahong amoy tulad ng bawang at sibuyas.
Paano makakaiwas at gamot sa bad breath ng bata
Regular visits sa dentista.
Ayon kay Dr. Hammond, ang pagkakaroon ng good dental health at regular visits sa dentista ang isang paraan upang mag-improve o mawala ang bad breath sa mga bata. Ito ay para masubaybayan at malaman ang kalusugan ng bibig at mga ngipin nila.
Pag-brabrush ng ngipin dalawang beses sa isang araw.
Dapat din ay i-encourage ang mga bata mag-brush ng kanilang ngipin dalawang beses sa isang araw. Siguraduhing dapat maayos na nalinis ang ngipin, ngala-ngala o gums pati na ang dila ng mga bata. Ayon sa mga eksperto, inirerekumenda na ang mga magulang ang mag-brubrush ng ngipin ng kanilang anak hanggang sila ay mag-walong taong gulang.
Mag-floss ng ngipin araw-araw.
Para masiguro ring walang maiiwan na food particles sa pagitan ng ngipin ng mga bata ay, i-floss ito araw-araw. Muli makakatulong kung ito ay gagawin ng isang magulang sa kaniyang anak hanggang siya ay mag-walong taong gulang.
Uminom ng maraming tubig at iwasan ang sugary drinks at caffeine.
Makakatulong rin ang pag-inom ng maraming tubig para malunasan ang toddler bad breath. Ganoon din ang pagbabawas sa pag-inom ng sugary at caffeinated drinks tulad ng soft drinks at kape.
I-discourage ang bata na matulog na may dede sa kaniyang tabi.
Hangga’t maari ay iwasang matulog ang iyong anak na may dede sa kaniyang bibig. Kung ito ay hindi mapigilan, imbis na gatas ang laman mas mainam kung tubig ang ilalagay sa kaniyang dede.
Kailan dapat dalhin na sa doktor ang iyong anak?
Sa oras naman na hindi naging epektibo ang mga gamot sa bad breath ng bata na nabanggit ay dapat dalhin na siya sa doktor. Dahil maaring ito ay dulot na ng isang sakit o karamdaman na kailangan na ng medikal na atensyon. Lalo na kung ang mabahong hininga ay mas malala sa umaga at labis mo ng ipinag-alala.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.