13 dahilan kung bakit bumabaho ang ihi

Narito ang mga dahilan ng mabahong ihi na maaring indikasyon na ng isang sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mabahong ihi ba ang lagi mong inirereklamo? Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nagiging mabaho ang ihi, ayon sa mga eksperto.

Image from Freepik

Mga dahilan ng mabahong ihi

1. Ikaw ay dehydrated

Isa sa pangunahing dahilan ng mabahong ihi ay ang hindi pag-inom ng sapat na tubig na kailangan ng katawan.

Ayon kay Dr. Sherry Ross, isang OB-Gyn mula sa Provindence St. John’s Health Center sa Santa Monica, ang mabahong ihi daw ay isang paalala ng ating katawan na kailangan mong mag-rehydrate o uminom ng dagdag na tubig.

Dagdag pa niya, maliban sa mabahong amoy ng ihi, ay mapapansin din na mas madilaw o darker ang ihi kumpara sa normal kapag ikaw ay dehydrated. Kapag naman properly hydrated ka ay pale straw o transparent yellow ang ihi. Kung clear naman ang kulay ng ihi mo, ito ay nangangahulugan na overhydrated ka. Na minsan ay maaring makasama dahil indikasyon ito na mababa ang sodium level mo sa katawan at maaring mauwi sa hyponatremia. Ito ang pagbaba ng level ng iyong dugo na nakamamatay.

Kaya naman laging ipinapayo ng mga doktor at health experts, ugaliing uminom ng walong baso ng tubig araw-araw at hanggat maari ay huwag sosobra.

2. Nakakain ka ng pagkaing may malakas na amoy

Ang asparagus halimbawa ay isa sa mga pagkaing nagdudulot ng mabahong amoy sa ihi. Halos 40% ng mga tao ang nakakaranas nito sa tuwing kakain ng asparagus, ayon sa isang 2016 study. Maliban sa asparagus ay may ibang pagkain pa ang maaring magdulot ng mabahong ihi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Certain foods like Brussels sprouts, onions, some spices, garlic, curry, salmon, alcohol, and even coffee can change the smell.”

Iyan ang dagdag na impormasyon mula kay Dr. Ross. Ang pagkakaroon ng high-salt diet ay isa rin sa mga dahilan kung bakit bumabaho ang ihi. At madalas ay nangangahulugan ng problema sa iyong katawan.

Ayon sa ilang pag-aaral, ang labis na pagkain ng maaalat ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng stomach ulcers o infection. Ito rin ang isa sa mga dahilan ng pagiging dehydrated.  Kaya payo ng mga eksperto, maghinay-hinay sa pagkain ng maalat para hindi na mangamoy pa ang ihi at mas umaayos ang pakiramdam ng iyong katawan.

3. Uminom ka ng kape

Ang mabahong ihi ay madalas mong mapapansin sa tuwing ikaw ay uminom ng kape. Ito ay ayon kay Dr, Adam Ramin, isang urologist at medical director ng Urology Cancer Specialist sa Los Angeles. Dahil ito umano sa coffee metabolites o byproducts na natutunaw sa loob ng ating katawan sa tuwing tayo ay umiinom ng kape.

Nakaka-dehydrate rin ang pag-inom ng kape dahil sa ito ay isang diuretic. Kaya naman paalala ng mga eksperto ay mabuting uminom ng tubig pagkatapos uminom ng kape para maiwasan ang dehydration.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. May UTI o urinary tract infection ka

Ang mabahong ihi ay indikasyon rin ng pagkakaroon ng sakit na UTI o urinary tract infection. Ito ay ayon parin kay Dr. Ross.

Kapag maaamoy na ang iyong ihi ay parang amoy ng ammonia o kaya naman ay amoy matamis, ito ay pangunahing sintomas na nga ng UTI. Dulot daw ito ng bacteria na nagbibigay din sa ihi ng pagka-cloudy o bloody color na sasabayan ng hapdi o pananakit kapag umiihi. Kung ikaw ay nakakaranas ng mga nasabing sintomas ay dapat ng magpunta sa doktor para ito ay malunasan.

5. Maaring ikaw ay mayroon ng diabetes o pre-diabetes

Isa sa pangunahing sintomas ng diabetes ay ang madalas na pag-ihi na sasabayan ng fruity o sweet-smelling urine. Ito ay ayon kay Dr. Muhamman Shamin Khan, isang urologist.

Dulot daw ito ng failure ng katawan na i-process ang sugar, dagdag pa ang extra sugar na inilalabas ng ating kidney. Kaya naman payo ni Dr. Khan, kung napapadalas ang punta ng CR at nangangamoy matamis ang ihi ay maiging patingnan na ang iyong blood sugar level at magpakonsulta na sa doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. Epekto ito ng pag-dodouche mo

Nagdodouche ka parin ba ng iyong vagina? Ayon kay Dr.Ross, mabuting ito ay itigil na. Dahil hindi daw talaga nito nililinis ang vagina, sa halip ay pinapatay pa nito ang mga healthy bacteria na pumoprotekta dito mula sa impeksyon. Ang epekto nito ay mas bumabaho ang vagina pati na ang ihi na lumalabas rito.

Mabahong ihi, bakit nga ba nangyayari? | Image from Freepik

7. Mayroon kang kidney stones

Ang mga kidney stones ay ang crystallize form ng ating ihi, ayon ito sa National Kidney Foundation. Ilan sa dahilan ng pagkakaroon nito ay labis na pagkain ng mga matatamis, maaalat at hindi pag-inom ng sapat na tubig.  Ito ay mga dahilan din ng pagkakaroon ng mabahong ihi. Kaya naman payo ng National Kidney Foundation, kung mabaho ang amoy ng ihi, na sasabayan ng cloudy urine at back o side pain ay magpunta na agad sa doktor, dahil baka may kidney stones ka na.

8. Mayroon kang yeast infection

Sa mga babae, ang mabahong ihi ay madalas na indikasyon din ng yeast infection. Dahil ito sa imbalance na nangyayari sa mga bacteria sa vagina ayon kay Dr. Ross.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makakaranas rin ng yeast infection ang isang babae kapag siya ay umiinom ng antibiotics, buntis, may controlled diabetes, may impaired immune system o umiinom ng hormonal birth control o ang hormones para sa mga nag-memenopause.

9. Maaring mayroon kang undiagnosed genetic disorder

Ang mabahong ihi ay isang indikasyon rin daw ng pagkakaroon ng isang genetic disorder, ayon sa National Human Genome Research Institute. Ang genetic disorder na ito ay tinatawag na trimethylaminuria na madalas na nararanasan ng mga kababaihan. Ito ang kondisyon na kung saan nangangamoy foul, sour o fishy ang ihi. Ngunit, hindi lang ang ihi ang may mabahong amoy para sa mga mayroon ng kondisyong ito. Pati ang kanilang body odor o hininga ay mabaho din kahit madalas silang mag-toothbrush o maligo.

10. Ikaw ay buntis

Ang hormonal changes na nangyayari sa mga buntis ay dahilan din ng pagkakaroon ng mabahong ihi.

“Urine can have a more pungent smell from the hormones produced during pregnancy, especially during the first trimester.”

Mas nagiging malakas pa nga daw ang amoy nito para sa buntis dahil sa sensitive at increased sense of smell sa tuwing nagdadalang-tao.

11. Nag-oovulate ka

Ang hormones na kumikilos sa pagbuo ng baby ay ang parehong hormones din na nagiging active sa iyong regular cycle.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman huwag ka ng magtaka, kung minsan ay mabaho ang amoy ng iyong ihi lalo na kapag ikaw ay nag-oovulate na tamang pagkakataon kung gustong magbuntis.

Mabahong ihi, bakit nga ba nangyayari? | Image from Freepik

12. Maaring ikaw ay may STI

Ang mabahong ihi ay indikasyon rin ng pagkakaroon ng STI o sexually transmitted infection, ayon parin kay Dr. Ross. Chlamydia ang madalas na dahilan nito na maaring sundan ng trichomoniasis, isang sexually-transmitted parasite.

Maliban sa mahabong ihi, ang iba pang sintomas ng chlamydia ay abnormal vaginal discharge at burning sensation kapag umiihi. Habang ang trichomoniasis naman ay nagdudulot rin ng pagbabago sa vaginal discharge, uncomfortable urination pati na itching, burning, redness at soreness sa vaginal area.

Kaya payo ni Dr.Ross, mabuting magpunta agad sa doktor kung mapansin na mabaho ang amoy ng ihi. Dahil maaring isa sa mga nabanggit na kondisyon ang dahilan nito.

13. Maaring dahil sa supplements na iniinom mo

Ayon parin kay Dr. Ross, ang pag-inom ng supplements, vitamins at medications ay maaring magdulot din ng mabahong ihi. Dahil ito sa artificial flavors na inilalagay sa pill coatings para mas mukha itong masarap inumin.

Ang mga supplements na madalas na nakakapagpabaho ng ihi ay ang vitamin B6, multivitamins, heart at pregnancy medications. Ngunit, hindi naman daw dapat itong ipagalala liban nalang kung nakakaranas ng iba pang negative side effects dahil sa supplements na iniinom.

 

 

Source: Women’s Health Mag, WebMD 

BASAHIN: UTI (Urinary Tract Infection) sa mga babae: Sanhi, sintomas at lunas

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.