Trahedya ang dinanas ng isang baby matapos na mapaso ang kamay ng mainit na tubig. Alamin ang buong istorya sa artikulong ito. Pati na rin kung ano ba ang mabisang gamot sa paso ng bata.
Baby napaso ng kumukulong tubig
Akala ng isang nanay sa Singapore na napabayaan lang ng maid ang kanyang anak dahil sa natamo nitong 2nd degree burn. Pero mas malala pa pala ang nangyari dito. Sa Facebook post ni Amy Low na naging viral, ikinuwento niya kung ano ang tunay na nangyari.
Noong January 14, 2020 iniwan ni mommy Amy Low at ng kanyang asawa ang dalawa nilang anak (8 years old at 16 months). Ang kasama lang ng dalawang bata ay ang kanilang katulong sa bahay.
Mga 5:30 ng hapon nang nakatanggap ng balita si Low na napaso ng mainit na tubig ang kanyang 16 months old na anak.
Agad na umuwi ang dalawa at isinugod sa ospital ang kanilang baby. Doon na nila nalaman na nagkaroon ng 2nd degree burn ang anak nila.
Kwento pa ni mommy Amy na simula nang magtrabaho sa kanila ang katulong nila, ang pagbabantay nang maigi sa kanyang anak ang tanging trabaho nito. Bilin din nilang ‘wag itong dadalhin sa kusina. Lagi silang kumakain sa labas kaya wala nang dahilan para magluto ang katulong nila.
Pero sinabi pa rin ng katulong nila na hindi niya napigilan ang baby kaya naaksidente ito.
Ang totoong nangyari
Kinabukasan, matapos ang nangyari ay nagulat na lamang sila ng makitang naka-impake na ang nasabing kasambahay at sinasabing babalik na lang ito sa kanyang agency.
“I kept assuring her that we never blamed her, as it was just an accident, she could still stay on work for us. But she was very insistent, hence i called the agency up.” sabi ni Amy.
Pumayag naman ang agency sa naging desisyon na pabalikin ang katulong at ibalik ni Amy ang perang inilabas para dito.
Ngunit pakiramdam ni Low na may tila kakaiba sa nangyari. Kaya naman tinignan niya ang CCTV sa kanilang kusina at dito na siya nagimbal nang makita niya ang kanilang katulong na paulit-ulit na isinasawsaw ang kamay ng kanyang anak sa kumukulong tubig.
Kinompronta niya ang katulong. Dito niya nalaman na inutusan daw siya ng mga kaibigan at ng agency mismo para lang makauwi ito.
Ang 30-taong gulang na katulong galing sa Myanmar ay agad ding naaresto sa Buangkok Link flat noong January 15.
Ngunit ang trauma na natamo hindi lang ng baby, kundi pati ng mga magulang ay hindi pa rin natatapos.
Nang malaman ng agency na ipinaaresto ni Amy Low ang katulong, nagsimula na itong mang-harass at sabihang ‘bad employer’ ang mga Low. Natakot si Amy na baka saktan pati ang pamilya nito. Sa ngayon, iniimbestigahan na ang katulong. Ngunit wala pang balita mula sa kanyang agency.
Sa nasabing Facebook post, nagbigay babala rin si Amy sa mga kapwa magulang na bantayang maigi ang mga kinukuha nilang mga katulong sa bahay. Para matiyak ang kaligtasan ng mga anak at ng buong pamilya.
Ano nga ba ang mabisang gamot sa paso ng bata?
Naranasan na rin ba ng iyong anak na aksidenteng mapaso at hindi mo pa alam kung ano ang dapat gawin? Ano nga ba ang mabisang gamot sa paso ng bata?
Mabisang gamot sa paso ng bata
Mas naglalabas ng init ang mga bata kaysa sa mga matatanda. Kaya mas mainam malaman kung paano ang gagawin kung sakaling mapaso ang bata. Narito ang mga dapat gawin:
Kung sakaling mapaso ang kamay, paa, mukha at maselang parte ng bata, ilayo agad ang bata sa lugar kung saan siya napaso. At pumunta na agad sa pinakamalapit na ospital.
First aid para sa paso ng bata
Ayon sa WebMD, narito ang mga dapat gawin ng parents kapag napaso ng bata:
1. Agad na basain ng medyo malamig na tubig ang napaso o kaya ay buksan ang gripo at itapat doon ang bahagi ng katawan na napaso. Hayaang nakababad sa tubig ang injury nang at least lima hanggang 15 minuto.
TANDAAN: Huwag gagamit ng yelo. Mas mabuting katamtaman lang ang lamig na idadampi sa balat na napaso
2. Kapag nasunog ang damit ng bata, alisin ang damit. Kung na-stuck sa balat ang tela, huwag itong tuklapin. Hayaan lang munang nakadikit ang tela sa bahaging napaso at gupitin lamang ng paligid nito. Alisin din ang lahat ng uri ng palamuti sa katawan.
3.Gumamit ng gauze o gaza o kaya naman ay malinis na tela pantakip sa sugat o paso. Kung hindi malala ang paso, maaari itong pahiran ng antibiotic ointment.
TANDAAN: Huwag na huwag itong lalagyan ng butter, grasa, o toothpaste! At huwag ding puputukin ang paltos.
4. Para maibsan ang sakit, pwedeng bigyan ang bata ng pambatang over-the-counter pain reliever tulad ng acetaminophen o ibuprofen para sa mga batang edad anim na buwan pataas.
TANDAAN: Sundin ang dosing instructions na nakalagay sa bote o pakete ng gamot. Kung never pang uminom ang bata ng pain reliever bago ang pagkapaso, kumonsulta muna sa pediatrician bago bigyan ng gamot ang bata.
Updates mula kay Jobelle Macayan
Facebook ni Amy Low Mei Liang, WebMD
BASAHIN: Mom shares warning after toddler is burned by vacuum cleaner in just 5 seconds! , Jealous Singapore maid tried to poison 3-month-old baby by mixing detergent in milk powder , Mom warns against the dangers of safety mirrors after her baby’s car seat burned