6 na mabisang gamot sa putok sa kilikili

Alamin ang mga mabisang gamot sa putok sa kilikili o mabahong amoy ng katawan na maari mong gawin sa inyong bahay araw-araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga mabisang gamot sa putok sa kili-kili ay hindi kailangang bilhin ng mahal. Dahil ito ay maaring gawin ng kahit sino. Anumang oras sa loob lang ng ating bahay. Ngunit ano nga ba ang mabisang gamot sa mabahong putok sa kilikili?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mabahong amoy sa kilikili o putok
  • Dahilan ng pagkakaroon ng body odor
  • Mabisang gamot sa putok sa kilikili

Anumang oras sa loob lang ng ating bahay. Ngunit ano nga ba ang mabisang gamot sa mabahong putok sa kilikili?

Mabahong amoy sa kilikili o putok

Ang pagpapawis ng ating katawan ay hindi maiiwasan. Ito ay natural nating nararanasan sa tuwing tayo ay gumagalaw. O gagawa ng anumang activity na kung saan mag-eexert ng effort ang ating katawan.

Ngunit taliwas sa inaakala ng marami sa atin, hindi ito ang nagdudulot ng mabahong amoy sa ating katawan o body odor.

Nagkakaroon lang ng body odor ang katawan kapag ang pawis ay humalo na sa mga bacteria na nakatira sa balat.

Dito ay dinudurog ng mga bacteria ang protein na taglay ng pawis at gagawin itong acids. At ang end product ay ang body odor o B.O natin kung tawagin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bakit nagpapawis?

Ang iyong katawan ay may average na humigit kumulang tatlong milyong glandula ng pawis (sweat glands) .  Mayroong dalawang uri ng mga glandula ng pawis: eccrine at apocrine.

  • Eccrine sweat glands

Ang mga ecrine sweat glands ay matatagpuan sa buong katawan mo at naglilikha ng isang magaan, walang amoy na pawis.

  • Apocrine sweat glands

Ang mga apocrine sweat glands ay nakatuon naman sa mga hair follicle ng mga sumusunod na bahagi ng iyong katawan:

  • anit
  • kilikili
  • Singit

Ang mga glandula (glands) na ito ay naglalabas ng isang mas mabibigat, malapot na pawis na nagdadala ng isang natatanging amoy. Ang ‘natatanging’ amoy ay tinutukoy bilang amoy ng katawan o putok.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nangyayari ito kapag ang apocrine sweat ay nasisira at humahalo sa bakterya sa iyong balat. Kinokontrol ng iyong autonomic nervous system ang iyong pagpapawis. 

Ito ang bahagi ng iyong nervous sysytem na gumagana nang mag-isa, nang wala ang iyong kontrol. Kapag mainit ang panahon o tumaas ang temperatura ng iyong katawan dahil sa pag-eehersisyo o lagnat.

Ang pawis ay inilalabas sa pamamagitan ng mga duct sa iyong balat. Ito ay nagdudulot ng pamamasa ng ibabaw ng iyong katawan at pinapalamig ang balat hanggang sumingaw ang amoy. 

Ang pawis ay gawa sa tubig, ngunit halos 1 porsyento ng pawis ay isang kombinasyon ng asin at fat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahilan ng pagkakaroon ng body odor

Bromhidrosis, ito ang medical term para sa body odor. Ayon sa Science, normal na nararanasan ng isang tao ang pagkakaroon nito sa oras na siya ay tumungtong sa puberty stage.

Ang stage na kung saan tumataas ang level ng androgen hormones ng katawan. Ito ang paliwanag kung bakit ang mga bata kahit nagpapawis ay hindi bumabaho ng tulad sa matatanda.

Ano ang gamot sa mabahong kilikili? | Image from Freepik

Ngunit dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng body odor ay mas nararanasan ng mga taong matataba. Pati na ang mahilig kumain ng maaanghang at ang mga nagtataglay ng sakit na diabetes.

Hindi rin ligtas na magkaroon nito ang mga taong grabe kung magpawis o ang nagtataglay ng kondisyon na kung tawagin ay hyperhidrosis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang hyperhidrosis? 

Ang hyperhidrosis disorder ay isang kondisyon na nagreresulta sa sobrang pagpapawis. Ang pagpapawis na ito ay maaaring mangyari sa mga hindi pangkaraniwang sitwasyon.

Tulad ng  malamig na panahon, o nang walang anumang nakakapag-trigger dito upang ikaw ay pagpawisan. Maaari rin itong sanhi ng iba pang mga kondisyong medikal, tulad ng menopause o hyperthyroidism.

Ang pagkakaroon ng hyperhidrosis ay hindi maganda sa pakiramdam. Gayunpaman, maraming mga pagpipilian sa paggamot ay maaaring magbigay ng ilang komportableng pakiramdam

Mabahong amoy sa kilikili o putok

Isa nga sa parte ng katawan na madalas na pinagmumulan ng body odor ay ang kilikili. Dahil sa ito ay nakatago, naiipit at madaling magpawis.

Maliban dito, maaring magkaroon ng body odor sa iba pang parte ng katawan tulad ng paa, binti at singit, ang kilikili lang nga ang pinaka-agaw pansin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil sa ito ang mas mabilis na maamoy hindi lang ng iyong sarili kung hindi pati na rin ng mga taong nakapaligid sa’yo.

Kung kanilang i-dedescribe ang amoy ay mabaho at nakakahilo. At kilala sa salitang tagalog sa tawag na “putok”.

Pero para sa iyong kaalaman, hindi natin maiiwasan ang magpawis. Pero maaari naman nating maiwasan ang pagkakaroon ng mabahong amoy sa katawan.

May mga mabisang gamot sa putok sa kilikili na hindi mo kailangang bilhin ng mahal. At maari mong gawin kahit nasa loob ng bahay lang. Ito ay ang sumusunod:

Mabisang gamot sa putok sa kilikili

Ano nga ba ang mabisang gamot sa mabahong putok sa kilikili? Ating alamin ang mga posibleng pinagmumulan nito at kung paano mawala ang putok na ito.

Paano mawala ang putok? | Image from Freepik

1. Paggamit ng antiperspirant bago matulog

Ang paggamit ng antiperspirant ay makakatulong upang mabawasan ang pagpapawis ng iyong kilikili. At mapigilan na maging breeding grounds ito ng bacteria.

Maliban sa paglalagay nito sa umaga pagkatapos maligo, makakabuti rin na maglagay nito sa gabi bago matulog. Ito ay upang mas umepekto ito sa balat habang ito ay relax at hindi nagpapawis.

Mahalaga ring malaman na ang anti-perspirant ay kaiba sa deodorant. Dahil ang deodorant ay ginagamit lang upang takpan ang amoy na dulot ng body odor.

Bagama’t karamihan naman sa mga anti-perspirant ngayon ay may taglay ng deodorant. Na nagbibigay sa gumagamit nito ng proteksyon mula sa sobrang pagpapawis ng kilikili at pangangamoy nito.

2. Paggamit ng hydrogen peroxide at water solution

Para maalis ang body odor ay maari ring gumamit ng 1 kutsarita ng hydrogen peroxide na inihalo 1 tasa ng tubig. Saka ito ipunas sa kili-kili gamit ang tuwalya. Sa ganitong paraan ay pinapatay ng hydrogen peroxide ang naninirahang bacteria sa iyong kili-kili.

3. Labhan agad ang mga napagpawisang damit

Para hindi pamahayan ng bacteria mabuting labhan agad ang mga napagpawisang damit. Tulad ng mga workout clothes na ginagamit sa gym at tuwing nag-eexercise.

4. Baguhin ang iyong diet

Para maiwasan din ang pagkakaroon ng body odor ay dapat iwasan ang mga pagkaing may malakas na amoy. Tulad ng bawang, curry at sibuyas. Pati narin ang mga matataba at maaanghang na pagkain.

Mabisang gamot sa putok sa kilikili | Image from Freepik

5. Regular na pagsheshave ng kilikili

Ang mabuhok na kili-kili ay mas gustong pamahayan ng dumi at bacteria. Kaya naman bawasan ang kanilang maaring pagtaguan at regular na ahitin ang buhok sa iyong kili-kili.

6. Makipag-usap sa iyong doktor

Kung ikaw naman ay nakakaranas ng sobrang pagpapawis o hyperhidrosis ay mabuting makipag-usap na sa iyong doktor. Upang ikaw ay mabigyan ng mga treatment options na angkop sayo.

Bagamat ang mga nabanggit ay mabisang gamot sa putok sa kilikili, mas makakabuti kung iiwasan nalang ang pagkakaroon nito. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagprapraktis ng proper hygiene, paliligo at paggamit ng malinis na kagamitan sa katawan.

Kailan dapat tawagan ang aking doktor?

Ang labis na pagpapawis ay maaaring isang sintomas ng iba, napaka-seryosong mga kondisyon. Tawagan kaagad ang iyong doktor kung nakakaranas ka:

  • Pagpapawis at pagbawas ng timbang
  • Kapag ang pagpapawis na pangunahin na nangyayari habang natutulog ka
  • Pagpapawis na nangyayari sa lagnat, sakit sa dibdib, igsi ng paghinga, at mabilis na tibok ng puso
  • Kapag ang pagpapawis at sakit sa dibdib, o isang pakiramdam ng presyon sa dibdib
  • Pagpapawis na matagal at hindi maipaliwanag

 

Source:

WebMD, Medical News Today, Mayo Clinic

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.