Sa init ng panahon ngayon, dapat mong malaman kung ano ang mga common skin rashes na puwedeng makuha sa tag-init. At ano nga ba ang mga mabisang gamot sa skin rashes ng baby.
Mga common skin rashes na nakukuha sa tag-init
Kung nababahala ka dahil nagkakaroon ng rashes ang iyong anak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan, narito ang mga uri ng common skin rash. Kailangang matukoy mo kung ano ang skin rash para malaman kung ano ang mabisang gamot sa skin rashes ng baby.
1. Heat rash
Ang heat rash o bungang araw ay ang pinaka-common na skin rash tuwing tag-init. Ito ay mapula-pula at kadalasang maliliit na kumpol-kumpol na bumps. Nakikita naman ito sa mga parte ng katawan na naiipit katulad ng leeg, kilikili at hita.
Ayon pa sa pag-aaral, kadalasang nararanasan ito ng mga baby dahil hindi pa developed ang kanilang sweat glands kaya naman hindi sila kaagad nakakapag-adapt sa init at moisture.
2. Folliculitis
Ang folliculitis naman ay isang skin rash na nakukuha mula sa mga bacteria ng swimming pools o bath tub. Ang itsura naman nito ay maliliit na bumps na parang nakatago sa mga balahibo ng katawan. Ito kasi ay bacteria na kumakapit sa follicles ng buhok ng katawan, saka nagiging maliliit na umbok na minsan ay may nana.
3. Hand, Foot & Mouth Disease
Isang common misconception na nakukuha lamaang ang Hand, Foot & Mouth disease tuwing tag-ulan. Sa katunayan, mas maraming kaso nito tuwing tag-init. Ang mga sintomas naman nito ay pagsusugat sa paligid ng bibig, mga daliri at sa puwit.
Maari ring magkaroon ng baradong ilong, sakit sa lalamunan at lagnat ang baby kapag mayroon siya nito.
4. Diaper rash
Isa pa sa mga common skin rash na nararanasan ng bata ay ang diaper rash. Ito ay syempre nakukuha dahil sa diapers. Kaya raw ito mas nararanasan ng bata tuwing tag-init ay dahil mas malakas silang uminom ng tubig. Dahil dito, mas madalas na basa ang diaper.
Sa oras na pagpawisan ang bata sa paligid ng puwit, dito na siya magkakaroon ng pagka-irita sa diapers.
5. Eczema
Hindi lang sa matatanda kundi pati sa mga bata ay common ang eczema. Ito kasi ay maaring makuha sa pagka-irita ng katawan sa tela ng damit. Dahil sa sobrang init at friction, nagkakaroon ng eczema.
Malalaman mong eczema ito kapag ang pakiramdam ay tila mainit ang parte na may rashes at nagka-crack din ito. Maaring magsugat-sugat ito kapag kinamot ng bata.
6. Sunburn
Hindi katulad ng bungang araw, ang sunburn ay puwedeng makuha kahit na hindi masyadong mainit. Sa oras na ma-expose nang matagal ang isang bata sa UV rays, maaari na siya maka-sunburn. Wala namang masyadong visible rash sa sunburn, ang kadalasang itsura lang nito ay mapula-pula at mararamdaman na parang mainit ito at mahapdi.
Mabisang gamot sa skin rashes ng baby
Narito ang ilang gamot at tips para maibsan ang pangangati ng skin rash sa bata.
1. Pagsuotin sila ng kumportableng damit
Pagsuotin lamang sila ng damit na may manipis na tela. Ito ay para maiwasan na mapagpawisan sila at para makahinga rin ang kanilang sanitary glands at hindi ma-block dahilan para mabuo ang mga bumps sa balat.
2. Kung kaya ay huwag na muna silang pagamitin ng diaper
Kung potty trained na ang bata o di naman kaya ay kung puwedeng gumamit na muna ng lampin para sa baby. Mas maigi kasi ang tela sa balat dahil kumpara sa diapers na gawa sa cotton at plastic, hindi ito masyadong nakakairita kapag kumakaskas sa balat.
3. Painumin ng maraming tubig
Ang pag-inom ng tubig ay isang paraan para maibsan ang mainit na pakiramdam sa katawan. Kinakailangan din ito para naman hindi ma-dehydrate ang bata ngayong tag-init.
4. Lagyan ito ng pulbo na may cooling sensation
Para sa bungang araw, mayroong mga prickly heat powder na may cooling sensation. Ito ay para mapreskuhan ang pakiramdam ng bata at mawala ang pangangati.
Ugaliin din na paliguan ang iyong anak kahit dalawang beses sa isang araw. Bukod kasi sa nakakapresko ito sa pakiramdam, naiiwasan din ang pag-build up ng bacteria at dumi sa kanilang katawan.
Source:
Basahin:
#AskDok: Ano ang puwedeng ilagay sa rashes sa mukha ng baby?