Ayon sa mga eksperto, ganitong oras daw dapat mag-sex para mas malaki ang chance na mabuntis

Ayon sa mga eksperto, may oras daw na pinakamainam na mag-sex para mabuntis agad si misis. Sa ganitong oras daw pinakamalakas ang sperm ni mister. PHOTO: Dreamstime

Ayon sa isang pag-aaral ng University Hospital Zurich sa Switzerland, napag-alaman ng mga researchers na bago mag 7:30 a.m. ang pinakamainam na oras para mag-sex upang tumaas ang chance na mabuntis agad ang babae. Mainam din daw kung susubukan ito sa mga buwan ng tagsibol o spring sa Europe (Marso hanggang May), bago dumating ang tag-init o summer. Lubos ding lalaki ang chance na makabuo kung sasabayan ito ng fertility treatments.

 

Ang research

Kumalap ang naturang ospital ng mga semen samples mula sa 7,068 na lalaki na may edad na 25 hanggang 40 at sumasailalim sa fertility treatments. Ayon sa pag-aaral na nailathala sa scientific journal na Chronobiology International, sinuri ang mga samples na ito ayon sa “sperm concentration, total sperm count, progressive motility” at “normal morphology.”

Napag-alaman ng mga researchers na pinakamadami ang sperm ng lalaki bago mag 7:30 a.m. Dagdag pa ng mga ito na mas mataas din ang sperm concentration sa panahon ng tag-sibol o spring sa Europe (Marso, Abril, at Mayo) at lubos namang bumababa sa mga buwan ng tag-init o summer.

“Collection of semen in the early morning, where semen quality was highest, can be used to improve natural fertility,” ayon sa lead author ng research na si Dr. Brigitte Leeners.

 

Dumaraming kaso ng TTC

Ayon naman sa pag-aaral ng National Health Services ng United Kingdom, isa sa bawat pitong couples ang nahihirapan na makabuo. Ang kadalasang dahilan? Mahinang kalidad ng semen.

Alinsunod ito sa mga naunang research na patuloy na pagbaba ng sperm count sa mga lalaki nitong nakaraang limang dekada.

Babala naman ni Dr. Hana Visnova, medical director of the IVF Cube fertility clinic sa Prague, na hindi dapat iasa lamang sa pag-tatalik sa umaga para makabuntis ang mga lalaki na may low sperm count. Ayon sa pahayag nito sa MailOnline, kailangan daw ng mga ito ng tulong medikal.

Nagkakaisa naman ang mga eksperto na ang mga findings na nailathala dito ay dapat bigyan ng ibayong pag-iingat o caution.

 

SOURCE: Mail Online

 

TTC din ba kayo? Narito ang ilan pang tips na puwedeng sundin upang tumaas ang chance na mabuntis agad.