Pakikipagtalik nakakabawas umano ng nasal congestion ayon sa experts

May mabuting epekto umano sa sex sa nasal congestion, ito ang nalaman ng mga eksperto. Alamin kung ano ito dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May koneksyon pala ang ilong at sex? Mukhang malabo ano? Ayon sa mga experts, nakakabawas daw ang pagtatalik sa nasal congestion. Gaano ito katotoo, alamin sa artikulong ito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Mabuting epekto ng sex: Nakakabawas umano ng nasal congestion ayon sa experts
  • Tips upang mareach ang orgasm

Mabuting epekto ng sex: Nakakabawas umano ng nasal congestion ayon sa experts

Maraming pag-aaral at eksperto na ang nagsasabing may mga dalang mabuting epekto ng sex. Kabilang na diyan ang pampawala ng anxiety at stress, pampatibay ng komunikasyon, pampatibay ng relasyon at marami pang iba. Pero narinig niyo na ba na nakababawas daw ang pakikipagtalik sa nasal congestion?

Maraming gamot na ang nadiskubre upang maging lunas sa iba’t ibang uri ng sakit. Sa pag-aaral ng mga German at British researchers, may iba sila approach na inaral.

Ayon sa kanila ang orgasmic sex daw ay kayang maka-clear ng nasal congestion katulad ng isang nasal congestant.

Ang pag-aaral na ito ay nagkamit ng Ig Nobel prize for medicine isang ceremony sa Harvard University. Ang mga Ig Nobel prize ay inaaward sa mga, “honour achievements that first make people laugh, and then make them think” na katulad na lamang nito.

Nakabase sa teoryang “reflex neurosis” isang German otalaryngologist na si Wilhelm Fliess ang kanilang research. Siya ay isa sa mga malalapit na kaibigan ni Sigmund Freud at parehong naniniwalang ang neuroses ay kadalasang sanhi ng sexual problems.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Tinuturing na well-designed at maayos na ginawa ang kanilang pag-aaral. Ang mga researcher kasi ay naghanda ng mga katanungan o mga questionnaires upang malaman kung sino-sino ang mayroong nose blockages sa mga nagdaang buwan.

Ang mga nasal flow ng participants ay sinukat sa 5 punto. Ito ay bago makipag-sex, matapos ang orgasm, at hanggang 3 oras matapos ito. Subjective na inaassess ng participants ang nasal function at objective naman gamit ang measuring air flow.

Nakita na mayroon ngang improvement sa nasal flow matapos ang orgasim sa participant. Ayon sa kanila halos kapareho ito ng benefit ng decongestant spray na ginamit kinabukasan.

Ganunpaman, ang benepisyong ito na dala ng pakikipag-sex ay tumatagal lamang ng maikling panahon at nakita lamang sa mga participants na mayroon nang pre-existing nasal congestion.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil rito, ayon sa ibang eksperto ay may limitasyon at minor flaw daw ang research na ito. Maliit lang ang sample size ng mga volunteer na magkasintahan at maging ang timing ng nasal air flow measurements.

Marami pa raw kailangang linawin at paunlarin sa pag-aaral upang maging matibay ang pundasyon na ang pakikipagtalik nga ay nakakabawas ng nasal congestion.

Ayon sa mga researchers ng pag-aaral,

“I don’t think other methods to relieve congestion are nearly as much fun as sexual activity.”

BASAHIN:

Misis hindi maabot ang climax sa pagtatalik dahil sa kondisyon na kung tawagin ay anorgasmia

5 tips para maging mas masarap ang iyong mga orgasms

10 Amazing facts mums should know about orgasms

5 tips upang ma-reach ang orgasm

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

1. Hanapin ang tamang spot

Napupuno ng nerve endings ang genitals. Ang ilan sa mga spot na ito ay mas sensitive kaysa sa iba. Para maabot ang intense at pleasurable na orgasm kailangang iistimulate ang mga tamang spot na ito.

Kung sa mga kababaihan, maaaring iistimulate ang clitoris, dahil sensitive ito kung hahawakan kaya naman nakakapaglead upang maabot ang orgasm.

Kung sa mga kalalakihan naman, ang P-spot o prostate ang kailangang hanapin. Ito ay ang reproductive organ na nagpoproduce ng semen at matatagpuan sa baba ng bladder. Nakapagpapabilis at nakapagpapaintense ng orgasm ang pag-iistimulate dito.

2. Huwag kalimutan ang mind-body connection

Kung makikipagtalik dapat ay in touch ka sa mga sensations. Sa ganitong paraan ay maaenhance ang pleasure at intensity ng orgasms ninyo ni partner. Nakakapag-improve kasi ng sexual satisfaction ang pagpapatibay sa koneksyon ng isipan at katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Subukang magmasturbate

Malaking tulong ang pagmamasturbate para sa mas masarap at madalas na orgasm. Nagagawa mo kasing ma-explore ang katawan kung saan at paano ka tumataas ang libido para maglead sa climax.

Dito maaari mong sabihin sa iyong partner kung ano ang iyong mga nalaman na pwedeng makatulong upang maging exciting ang pakikipagsex sa isa’t isa.

Larawan mula sa Shutterstock

4. Magpokus sa foreplay

Importante ang foreplay sa pakikipagsex lalo na mga may vagina. Ang genital kasi na ito ay nagpoproduce ng tinatawag na natural na lubricant kung maarouse upang maging madulas at hindi masakit kung magkakaroon na ng penetration.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakadadagdag din ito ng excitement sa magpartner bago ang pakikipagtalik. Kaya tiyak na pareho kayong tataas ang sexual drive.

5. Pag-usapan ang mga sexual fantasies

Kahit sa pakikipagtalik ay mahalaga ang komunikasyon. Minsan nahihirapang sabihin ng magkasintahan ang gusto nila sa pakikipagsex kaya nauuwi sa hindi pleasurable na karanasan. Sa pag-uusap ng mga sexual fantasises ay nabubuild ang desire, na mahalagang factor ng masarap na pakikipagtalik.

 

TheConversation

Sinulat ni

Ange Villanueva