Madalas na pag ihi ng buntis, ano ang dahilan?
Talaga namang maghirap ang journey ng isang pregnant mom. Marami ang kailangang alalahanin at laging tandaan para maging safe ang kanilang pagbubuntis. Bukod dito, isa pang pregnancy norm ay ang pagbabago ng katawan ni mommy. Hindi maiiwasan ito dahil sa paglaki ng kanilang tiyan lalo na kapag malapit nang lumabas si baby.
Mararanasan din sa pagbubuntis ang iba’t ibang weird na pakiramdam. Isa na riyan kapag ihi nang ihi ang buntis. Bakit nga ba nangyayari ‘to? Narito ang ilang paliwanag.
Talaan ng Nilalaman
Buntis Question: Normal ba na ihi nang ihi ang buntis?
Karamihan sa ating mga mom ang nakakaranas ng morning sickness at pananakit ng katawan. Kung sakaling nakakaranas nito, ‘wag mabahala mommies! Normal ito sa isang nagbubuntis. Isa pang madalas na usapan ay ang madalas na pag ihi ng buntis.
Sobrang uncomfortable nito para sa mga buntis dahil akala mo peaceful na ang iyong pagtulog pero bigla na lang makakaramdam na ikaw ay naiihi. Madalas itong nararanasan pagsapit ng 3rd trimester ng buntis.
Mga sintomas ng madalas na pag ihi ng buntis
Madali lang malaman kung ikaw ay nakaka-experience nito. Kung ikaw ay madalas umihi na hindi naman katulad ng dati, maaaring ikaw ay nakakaranas nito. Mayroon ding iba na dumadaan sa urinary leakage o bigla na lang maiihi. Ito ay kapag
- Nage-exercise
- Tumatawa
- Pagkagulat
- Bumabahing
- Umuubo
Ngunit ang mga sintomas din na ito ay maaaring dulot ng UTI o urinary tract infection sa buntis. Ang mga moms ay kadalasang nagkakaroon ng UTI habang sila ay buntis. Kung ikaw ay nakakaranas ng mga ito, mahalagang magpatingin agad sa iyong doktor para makaiwas sa iba pang seryosong kumplikasyon.
Narito ang ilang sintomas na ikaw ay may UTI:
- Nakakaramdam ng sakit kapag umiihi
- Matinding amoy ng ihi
- Cloudy na ihi
- Ang kulay ng ihi ay tila pula o pink
Mga dahilan kung bakit ihi nang ihi ang buntis
Ang madalas na pag ihi ng buntis ay isang sign ng pregnancy. Ito ay nangyayari dahil kapag nagdadalang tao ang isang babae, tumataas ang kaniyang hormones progesterone at human chorionic gonadotropin. Pagdating ng 2nd trimester, nagbabago ang uterus nila kaya nagkakaroon ng matinding pressure sa bladder ng buntis.
Bukod pa rito, kapag buntis ang isang babae, ang katawan nila ay naglalabas ng dobleng fluids. Pagdating ng 3rd trimester nila, lumalaki ang kanilang baby sa tiyan at dahilan para maipit ang kanilang bladder.
Paano makakaiwas dito?
Kahit na ang UTI at madalas na pag-ihi ay normal sa pagbubuntis, uncomfortable pa rin para ating mga mommies ang gumising ng ilang beses sa gabi para umihi lang. Pagkatapos manganak, saka lang ito mawawala.
Sa tulong ng Kegel exercise, magagawa nitong maituwid ang iyong bladder. Maaari mong gawin ang exercise na ito ngunit mas maganda kung magpakonsulta muna sa iyong doktor para mabigyan ng tamang advice sa pagsasagawa nito.
- Bigyan ng matinding suporta ang muscle sa iyong pelvic.
- I-hold ang iyong muscle haggang sa 10 seconds o hanggang sa iyong makakaya.
- I-relax ang iyong muscles.
- Ulitin ito hanggang 15 times.
Bukod dito, maiiwasan din ang pag-ihi madalas ng buntis kung titigilan muna ang pag-inom ng caffeinated drinks. Iwasan muna rin ang pag-inom ng tubig bago matulog sa gabi.
Kung may iba pang concern, ‘wag magdalawang isip na magpakonsulta sa iyong doktor.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.