Daisy Cabantog o mas kilala sa tawag na “Madam Inutz,” matapang na ibinahagi sa mga tao ang kaniyang pinagdaanan at malalim na hugot sa buhay.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kwento sa likod ng pangalang “Madam Inutz”
- Mga natutunan ni Madam Inutz mula sa kaniyang past relationship
Kwento sa likod ng pangalang “Madam Inutz”
Isa sai Daisy Cabantog o mas kilala sa tawag na Madam Inutz sa mga tinaguriang Final 5 ng Pinoy Big Brother Kumunity. Kasama niya ang kaniyang mga housemate na sina Alyssa Valdez, Brenda, Samantha, at Anji.
Ang kaniyang sariling paraan ng pagbebenta ng preloved na mga gamit ay nagsilbing tulay at daan tungo sa kung ano ang tinatamasa niya ngayon.
Bago pa man siya lumabas sa sikat at talaga namang tinututukan na programa na PBB Kumunity, nakikilala na siya ng mga tao bilang si Madam Inutz.
Sumikat siya bilang isang palamurang live seller, at “mga inutil!” ang salitang madalas niyang banggitin habang siya ay nagsasagawa ng live selling.
Mismong ang kaniyang mga viewers o miners kung tawagin ang nagbansag sa kaniya ng palayaw na “Madam Inutz.” Inutz, mula sa salitang inutil na parati niyang nasasambit.
Hindi pare-pareho ang reaction na natatanggap ni Madam Inutz mula sa bagay na kaniyang ginagawa. Mayroong mga natutuwa, mayroong hindi, at mayroon pa nga raw nakukuhang i-report ang kaniyang post.
Subalit hindi nagpapatinag si Madam Inuts sa mga negatibong bagay na ito. Bagkus, nag-focus lamang siya sa kaniyang goal at ginawang inspirasyon ang malalim na pinagdaanan sa likod ng salitang “inutil.”
Ayon kay Madam Inutz,
“Hindi nila alam, sa likod ng pagmumura ko, mayroon akong magulang na binubuhay, mayroon akong tatlong anak na binubuhay.”
Strong man ang kaniyang personality kung titignan, subalit sa likod ng kaniyang malakas na boses at madalas na pagmumura ay ang malalim niyang pinagdadaanan sa kaniyang buhay.
Larawan mula sa Instagram account ni Madam Inutz
Pasan-pasan ni Madam Inutz ang bigat ng pagiging breadwinner, siya ang kaisa-isang tao na inaasahan ng kaniyang magulang at mga anak. Mula sa Manila, lumipat sila ng Cavite dahil sa pagkakasakit ng ina.
“Hindi ko na po kayang bayaran ‘yong upa sa Maynila dahil sa sitwasyon niya, nag-decide akong tumira dito sa Cavite dahil mas mura ang bayad sa upa.” pagbabahagi niya.
Sumabay rin ang pagsubok bunsod nga pandemya, na siya ding naging dahilan ng pagkakahiwalay sa kaniyang partner. Hindi biro ang pinagdaanan ni Madam Inutz mula sa hiwalayang ito.
Pagsasaad niya,
“Talagang feeling ko din sa sarili ko, inutil ako. Kasi nung naghiwalay kami ng ex-boyfriend ko, sinabi niya sa ‘kin, ‘useless ka, wala kang silbi.. You can’t live without my support.’”
Iyan ang bagay na tumatak sa kaniyang isipan kaya naman mas lalo siyang nagpursige sa buhay at maging independent.
Larawan mula sa Instagram account ni Madam Inutz
“Pero pinatunayan ko sa kaniya na ‘kahit walang support mo, kaya kong buhayin ‘yong mga anak ko nang hindi ako nanghihingi sa’yo.’” dagdag pa niya.
Dahil sa patuloy na pagpupursige, nahanap ni Daisy ang kaniyang “swerte” sa pagla-live selling. Dito, hindi lamang siya basta nagbebenta. Bagkus, ginagawa raw niya ang iba’t ibang paraan na kaniyang magagawa upang mapasaya ang kaniyang viewers o miners.
Non-stop na 7 na oras ang kaniyang ginagawang live selling araw-araw. Dahil ayon sa kaniya,
“Hindi ko kailangan maramdaman ‘yong pagod, ang kailangan ko panggastos.”
Napaka-hardworking mom ni Madam Inutz, dahil ito rin daw ang isang bagay na kaniyang napulot at natutunan mula sa kaniyang sariling ina.
BASAHIN:
Sharon Cuneta on being a single mom to KC: “Every sacrifice was for her”
Single mom Denise Laurel stresses importance of self-care after multiple cysts
Young single mom finishes college against all odds, inspires many
Bukod sa kaniyang mga supporter, ang kaniyang pamilya ang tanging pinaghuhugutan niya ng lakas at tapang na harapin ang bawat hamon ng buhay. Kaya naman hindi siya tumitigil maabot ang kaniyang pangarap.
“Pangarap ko po talaga is makabili ng sarili kong bahay. Kahit mawala man ako, hindi ako mag-aalala na mayroong bubong na sisilungan ‘yong mga anak ko.. At siyempre, si nanay.”
Larawan mula sa Instagram account ni Madam Inutz
Maraming humanga sa tapang, dedikasyon, at pagiging totoo ni Daisy. Kaya sa kabila ng mga negatibong bagay, pinipili niyang pag-focus lamang sa mga taong nakaka-appreciate sa kaniya, lalo na ang kapwa Pilipino mula sa loob at labas ng bansa.
Mga natutunan ni Madam mula sa kaniyang past relationship
Hindi tago sa publiko ang kwento ng dating pag-ibig ni Madam Inutz. Open siyang ibahagi sa mga tao ang kaniyang hindi magandang pinagdaanan mula sa kaniyang past relationship.
Proud nilang ibinabahagi ito sa mga tao dahil isa ito sa mga bagay na talaga namang nagtulak sa kaniya upang lalo pang magpursige sa buhay. Bagama’t nakaranas si Daisy ng labis na lungkot at depression, pinili pa rin niyang bumangon mula sa pagkakalugmok.
Ayon kay Madam Inutz,
“Kinain ako ng depression. Pero at the same time, ang inaano ko may mga anak ako, may nanay ako, may tatay ako na umaasa sa akin.”
Abot-abot daw ang sumbat na inabot niya sa kaniyang dating partner. Isa rin ito sa mga bagay na kaniyang natutunan mula sa dating karelasyon.
Larawan mula sa Instagram account ni Madam Inutz
“Huwag kayong umasa sa sasahurin ng asawa ninyo. Bagkus, kumayod din kayo.” ito ang lesson na kaniyang natutunan at bagay na maipapayo niya sa mga taong mag-asawa.
Samantala, dahil sa mga nangyari, may isang mahalagang bagay na nakalimutan si Madam Inutz na mulang ipinaalala sa kaniya ng kaniyang karanasan.. Ang unahin, alagaan, at mahalin ang kaniyang sarili.
“Siguro ngayon, kung magkaka-boyfriend ako.. 80% para sa akin, 20% lang sa kanila.” saad ni Madam Inutz,
Hindi raw madali ang pagiging single mother, kung saan siya ang tumatayo bilang ilaw at haligi ng tahanan. Kaya naman hindi siya sumuko sa ideya na balang araw ay darating din ang tamang tao para sa kaniya.
“Why not!!!?” ang masigla at natatawang sagot ni Madam Inutz ng nakapanayam at tanungin siya ng journalist na si Karen Davila, kung nais pa muli niyang magkaroon ng asawa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!