REAL STORIES: "I got pregnant at 13 years old. I did not know that it was that easy to get pregnant."

Nabuntis sa edad na 13 years old si Maddie Lambert. Alamin ang kaniyang kwento at mga pinagdaanan sa maagang pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang istorya ng young mom na si Maddie Lambert nang siya ay magdalang-tao sa edad na 13 years old. Alamin ang kaniyang kwento at ma-inspire kung paano niya nalampasan ang pagsubok mula sa kaniyang teenage pregnancy.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Denial sa pagbubuntis bilang isang 13-year-old girl
  • Pagbubuntis nang walang katuwang sa edad na 13

Denial sa pagbubuntis bilang isang 13-year-old girl

“I gave birth at 14 years old, and I got pregnant at 13 years old,” pagbabahagi ni Maddie Lambert. 

Tatlong taon na ang nakakalipas mula nang unang ibahagi ni Maddie Lambert ang istorya ng kaniyang pagbubuntis noong siya ay 13 years old pa lamang. Sa pagkakataong ito, muli niyang ikinwento sa mga tao ang kaniyang istorya sa pamamagitan ng kaniyang Youtube channel.

Ayon sa kaniya, noong nakaraang taon nagbago ang buhay niya simula nang maging ina siya. Nagbago na ang kaniyang mga sariling pananaw at perspektibo sa buhay. 

Bago pa man maging teen ager si Maddie, marami na siyang hindi magandang karanasan bilang isang bata. Madalas siya makaranas ng anxiety at bullying, pakiramdam niya ay tila hindi siya belong o tanggap ng mga taong nakapaligid sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa kaniya,

“I had a not so great childhood, with a lot of anxiety and bullying.”

Noong siya ay tumungtong na sa edad na 13-anyos, noon lamang umano niya naranasan ang pakiramdam na matanggap. Sa edad na ring iyon niya nakilala ang ama ng kaniyang anak na 4 years old na ngayon. 

Ipinakilala ito sa kaniya ng isang malapit na kaibigan. Mula nang sila ay magkakilala, nagsimula na silang lumabas, mag-date, at hanggang sa siya ay mabuntis.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Noong mga panahong ding iyon, kasalukuyang ino-open ng paaralan sa katulad niyang mga kabataan ang tungkol sa sex education. "Abstinence," aniya ang itinuturo sa kanila. Huwag gawin at ikaw ay hindi mabubuntis.

Subalit pagbabahagi niya,

“Teenagers aren’t gonna listen to abstinence. I did not listen to abstinence.”

Bilang nasa murang edad pa lamang si Maddie, wala siyang kamuwang-muwang sa bagay na kaniyang pinasok. Ayon sa kaniya, hindi niya alam na ganon lamang pala kadaling mabuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagkukuwento niya, 

"I got pregnant at 13 years old. I did not know that it was that easy to get pregnant."

Para sa kaniya, hindi sapat ang mga impormasyon na alam niya tungkol sa sex education kaya hindi niya naiwasang mabuntis. Bilang musmos pa lamang, nagbase siya sa mga napapanuod sa movie at television kung saan maraming mag-asawa ang nahihirapan na magkaroon ng anak.

Ang tanging nasa isip lamang niya noon ay hindi ganoon kadali ang magbuntis kaya't hindi siya natakot subukan, sa pag-aakalang hindi magkakalaman ang kaniyang tiyan.

"4 to 6 months" lamang ang itinagal ng relasyon ni Maddie sa ama ng kaniyang anak, at sila ay naghiwalay rin. Ayon kay Maddie,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I was so crushed. Here I was, pregnant but I didn’t know.. And single”

Dumating ang panahon kung kailan na-miss na niya ang kaniyang regular period. Ito ang unang pagkakataon na hindi siya dinatnan ng dalaw, kaya naisip niya baka siya'y buntis. 

Iniiwasan niyang isipin dahil hindi niya matanggap ang nangyari sa kaniya. Bukod dito, natatakot din si Maddie sa magiging reaksyon ng kaniyang ina. Umabot pa nga siya sa pagkakataon kung saan ipinapanalangin niya na siya ay magkaroon na.

Pagbabahagi niya,

“I would sit on the toilet and pray for my period to come.”

Dagdag pa niya,

“I was scared that my life was over, it wasn’t.”

Dahil sa pagbubuntis, marami siyang sintomas na nararanasan. Walang kaalam-alam ang kaniyang ina sa nangyayari sa kaniya, kaya naman minabuti na lamang nito na ipa-check up si Maddie. Lumabas sa resulta na siya'y nagdadalang-tao nga. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Kabaliktaran ng kaniyang iniisip ang naging rekasyon ng kaniyang ina, akala niya kasi magagalit o itatakwil siya nito. Pero hindi, bagkus ay niyakap siya at tinanggap. 

Kwento ni Maggie,

“She hugged me and told me, it was gonna be okay. She told me, ‘we love babies on this house. It’s gonna be okay, you’re gonna be okay.”

Pagbubuntis nang walang katuwang sa edad na 13

“I did go though the pregnancy alone.” sambit ni Maddie Lambert.

Noong unang pagkakataon na sinabi niya at ng kaniyang ina sa tatay ng kaniyang anak ang tungkol sa kaniyang pagdadalang-tao ay hindi agad siya nito pinaniwalaan.

Hindi ito naging madali para sa kaniya dahil naranasan niyang magbuntis ng mag-isa at walang partner na umaalalay sa kaniya. Mula sa pagmo-monitor ng kaniyang pagbubuntis, pre-natal care, at pagpaplano sa kaniyang panganganak ay ginawa niya nang mag-isa.

Hindi lamang ang hirap na mag-isa ang kaniyang dinanas kundi ang pagiging tampulan rin niya ng tukso at panlalait. Ayon sa kaniya,

“I was a laughingstock,” aniya.

Maraming humusga kay Maddie lalo sa mula sa mga kapwa niya estudyante. Maraming nagsasabi na sana'y mamatay na siya pati ang kaniyang baby.

Mayroon ding nagse-send ng address kung saan siya pwedeng magpa-abort, nakaranas siya ng lantarang pambabastos, at masabihan ng masasakit na salita.

Samantala, ang pinakamahirap na parte para kay Maddie bilang batang ina ay nang sabihin ng doktor na maaaring mayroong problema sa puso ang kaniyang anak. Mula nun, palagian na siyang nagdadasal, nananalangin na sana safe ang kaniyang baby.

Tila isang milagro at nang muling i-check ang kaniyang baby, naging maayos ang lahat na labis na ipinagpapasalamat ni Maddie.

Hanggang sa dumating na sa punto na siya'y nakapanganak na, matapos ang napakahabang proseso ng pagle-labor. Labis siyang nag-alala nang lumabas ang bata, at ayon sa kaniya,

“I was holding her on my chest and she didn’t start crying.”

Larawan mula sa Shutterstock

Buti na lamang ay umiyak din ito, at masaya siya dahil pareho silang ligtas sa peligro ng kaniyang baby. 

Pagbabahagi ni Maddie,

“It was the best thing I’ve ever felt in my life, holding my daughter for the first time. It was magical and it was worth every single moment.”

Ayon sa kaniya, bata man niyang naranasan ang pagiging ina ay hindi naman niya ito pinagsisihan. Noong una, akala niya ay ang pagiging batang ina ang magiging katapusan ng kaniyang buhay.

Subalit nang masilayan ang kaniyang anak, doon niya napagtanto na ang baby pala na iyon ang nag-save sa kaniyang buhay.

“This beautiful little girl is the reason that I was able to push myself and see life, and fight depression.” saad ni Maddie. 

Larawan mula sa Shutterstock

Dagdag pa niya,

"That’s my story and here we are now. Never for a moment have I regretted getting pregnant young. I am proud of myself. I am proud of my daughter.”