Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming gumagamit ng mga cellphone. Siguro, binabasa mo rin ang article na ito sa iyong cellphone. Ngunit naisip niyo na ba kung malinis ba o hindi ang ginagamit mong gadget? Ang hirap paniwalaan, pero mataas ang posibilidad na ang hawak-hawak mo ngayon ay isang maduming cellphone.
Ito rin ay base sa isang pag-aaral kung saan inalam kung anu-anong mga uri ng bacteria ang matatagpuan sa mga cellphone. Magugulat ka sa mga naging resulta!
Maduming cellphone, ano ang epekto sa kalusugan?
Ang nakikita mong larawan sa taas ay mga samples na kinuha mula sa iba’t-ibang bahagi ng isang smartphone. Kitang kita dito na napakaraming uri ng bacteria ang naninirahan sa iyong cellphone.
Ayon sa pagsusuring isinagawa ng Insurance2go, ang pinakamaduming bahagi raw ay ang touch screen ng mga smartphone. Mayroon itong 100 colony forming units, o CFU ng bacteria.
Ang may pinakamataas na CFU ay ang samsung Galaxy, sunod ang 40 CFU ng iPhone, at 12 CFU ng Google Pixel.
Kung ikukumpara, mayroong 24 CFU ang upuan ng toilet, pati ang flush nito.
Nakakaalarma ang resulta
Nakakagulat malaman na ganito kadumi pala ang mga smartphone na ginagamit natin araw-araw. Importante din na linisin natin ang ating mga smartphone, dahil naiipon dito ang bacteria dahil sa araw-araw nating paggamit.
Ang mga bacteria na ito ay puwedeng magdulot ng sakit sa balat tulad ng acne, allergy, etc. Kaya mahalagang panatilihing malinis ang mga smartphone.
Puwedeng gumamit ng alcohol wipes, o kaya ng mga wet wipes at punasan ang smartphone. Huwag itong hugasan o buhusan ng kahit anong panlinis, dahil ito ay makakasama sa electronics sa loob.
Mabuti ring maghugas palagi ng kamay at huwag kung saan-saan lang ilapag ang inyong smartphone.
Kung gagamit naman ng smartphone ang inyong mga anak, mabuting linisin muna itong mabuti bago ipagamit sa kanila. O kaya, huwag na lang ipagamit kung hindi naman nila ito kailangan.
Source: The Sun
Basahin: Help break a smartphone addiction with the ‘150 rule’!