Maegan Aguilar sa amang si Freddie Aguilar: “I love you tay, salamat po sa pag tanggap ninyo sa amin at sa akin”

Si Maegan muli naring nakasama ang mga anak niya na sa amang si Ka Freddie nakatira.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maegan Aguilar at amang si Freddie Aguilar nagkaayos na. Tingnan dito ang naging reunion nila.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pagkakaayos ng mag-ama na sina Maegan Aguilar at Freddie Aguilar.
  • Maegan muli naring nakasama ang mga anak niya.

Pagkakaayos ng mag-amang sina Maegan Aguilar at Freddie Aguilar

Larawan mula sa Facebook account ni Freddie Aguilar

Mukhang nagkaayos na talaga ang mag-amang sina Maegan Aguilar at Freddie Aguilar. Ito ang magandang balitang ibinahagi ni Maegan sa kaniyang Instagram account. Si Maegan nag-share rin ng picture nila ni Ka Freddie na magkasama.

Ayon kay Maegan, nagpapasalamat siya na tinanggap muli siya ng ama. Dagdag pa niya ay na-miss niya daw ito matapos ang ilang taon ring hindi nila pagkakasundo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sa wakas nayakap ko na ulit ang tatay ko. I love you tay, salamat po sa pag tanggap ninyo sa amin at sa akin ?❤️ I missed you so much tay & looking forward to spending more quality time with you and the kids and the rest of our family. May God bless us always ?”

Ito ang sabi pa ni Maegan.

Matatandaang nag-ugat ang gulo sa pagitan ng mag-ama ng malulong daw sa pinagbabawal na gamot si Maegan. Taong 2014 ng palayasin ni Ka Freddie si Maegan sa kanilang bahay dahil dito. Pero si Maegan, itinanggi ang sinasabi ng ama at tinawag itong selfish. Ito ay kasunod rin ng pagpapakilala ni Ka Freddie sa kaniyang mas batang girlfriend noon.

Larawan mula sa Instagram account ni Maegan Aguilar

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maegan muli naring nakasama ang mga anak niya

Larawan mula sa Instagram account ni Maegan Aguilar

Matapos ang ilang taon ay mukhang ok na nga sina Maegan at Ka Freddie. Maliban sa muli nilang pagkikita, si Maegan masaya ring ibahagi ang isa pang magandang balita. Muli niya naring nakita at nakasama ang mga anak na nakatira sa bahay ng amang si Freddie Aguilar.

“Finally, with my daughters again! After being away from each other for a while...God is truly good all the time. In Jesus name. Amen ?.”

Ito ang sabi pa ni Maegan kalakip ang larawan niya kasama ang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement