Birth Control 101: Magandang Brand Ng Condom Na Safe At Effective Gamitin

Sa pagpaplano ng pamilya, ano nga ba ang contraceptive na hiyang sa inyo? Basahin at alamin kung anong magandang brand ng condom ang hihiyang sa inyo.

Ang hindi paggamit ng contraceptives kapag nagtatalik ay ang puno ng hindi inaasahang pagbubuntis. At kadalasan, ito ay problema para sa mga mag-asawa o magpartner na hindi pa handa sa responsibilidad ng pagiging magulang.

Bilang solusyon, hinihikayat ang mga magpartner ns gumamit ng contraceptive bilang birth control. Isa na rito ang paggamit ng condom.

Alamin at basahin ang kahalagahan ng paggamit ng condom bilang contraceptive at magandang brand ng condom na maaaring gamitin.

Ano ang condom?

Magandang Brand Ng Condom Na Safe Gamitin At Mabibili Online | Image from freepik

Ang condom ang isa sa isinusulong na contraceptive bilang bahagi ng birth control program ng Department of Health sa bansa. Isa ito sa mga ginagamit upang matugunan ang tumataas na bilang ng populasyon at upang mapigilan ang pagdami ng nagkakaroon ng STD (Sexually Transmitted Disease) dahil sa unprotected sex.

Gawa ito karaniwang sa latex material, manipis, at pinapatong ito sa ari ng lalaki (male condom) o pinapasok sa ari ng babae (female condom) bago makipagtalik.

Pinipigilan nito ang pagbubuntis ng mga babae at pagkakaroon ng sakit sa ari na dulot ng unprotected sex lalo na ng may iba’t ibang nakakapareha.

Epektibo ba ang condom bilang contraceptive?

Ayon sa ilang pag-aaral, ang condom ay nagbibigay ng 98 na porsiyento na proteksyon kapag nakikipagtalik. Kapag tama ang paggamit o paglagay, nagsisilbi itong barrier para hindi makapasok ang anumang semen sa ari kaya naiiwasan ang pagbubuntis.

Mataas din ang porsyento na magkaroon ng STD, lalo na ng HIV (Human Immunodeficiency Virus) ang magkapareha kapag sila ay nakikipagtalik gamit ang condom.

Siguraduhin lamang na tamang ang paggamit upang maging safe at effective ito. Sundin lamang ang procedure na nakalagay sa pakete ng bibilhing magandang brand ng condom.

Mga Uri ng Condom

May mga uri ng condom ang mabibili sa market, ang karamihan ng available ay ang male condom.

  • Gawa sa latex o plastic

Ito ang material na karaniwang gawa ang condom. Subalit may mga pagkakataon na may allergy sa latex ang gagamit kaya binibili nila ang gawa sa plastic o polyurethane or polyisoprene.

Ang dalawang material na ito ay parehas safe at effective gamitin upang maiwasan ang pagbubuntis at STD.

Magandang Brand Ng Condom Na Safe Gamitin At Mabibili Online | Image from freepik

Ang lubrication o lube ay isang liquid substance na nilalagay sa mga condom upang magsilbing pampadulas habang nakikipagtalik.

Napipigilan nito ang irritation at pain habang nagtatalik. Nagsisilbi rin itong pampatibay sa condom upang hindi madaling mapunit kapag ginagamit. Siguraduhin lang na water-based ito at hindi gawa sa petroleum jelly.

  • Scented condoms

Ito ang mga condom na may iba’t ibang flavor at mas mabenta kaysa sa plain. Kadalasan itong may scent na strawberry at chocolate. Nakakadagdag ito ng excitement kapag ginagamit.

  • Textured condoms

Ito ang mga condom na ginawang may ribbed o studded para sa dagdag na pakiramdam habang nakikipagtalik. Sinasabing mas ramdam ang pagkakaiba nito sa ordinaryong condom kapag ginamit.

Mayroon ding ibang klase ng condom ang mabibili sa online shops tulad ng glow-in -the-dark at iba pa na may iba’t ibang texture at kulay. Subalit, paalala ng DOH at FDA, bumili lamang ng mga condom na lisensyado para masiguro na safe at effective ito na gamitin.

Magandang brand ng condom

Sa ngayon, mayroong dalawang trusted brands ng condom ang madalas available sa market. Mabibili ang mga ito sa convenient stores, botika, at maging sa lisensyadong online store.

Ito ay ang Durex at Trust. Ang dalawang brand na ito ang kadalasang ginagamit ngayon ng mga magkapareha. Ito rin ang trusted brands ng mga mag-asawa.

Best Condom Brands
Durex Fetherlite
Buy Here
Durex Performa
Buy Here
Durex Confident Love Pack
Buy Here
Trust Condoms Natural
Buy Here
Premiere Condom Air
Buy Here
Premiere Condoms Dotted
Buy Here

Durex

Fetherlite Condoms

Magandang Brand Ng Condom Na Safe Gamitin At Mabibili Online | Durex Fetherlite

Ultra-thin ang condom na ito kaya mas manipis kung ikukumpara sa ibang condom na mabibili sa ngayon. At dahil doon, natural lamang ang mararamdaman kapag ito ay ginamit. Higit pa riyan ay gawa ito sa natural rubber at latex. Ito rin ay transparent, at pre-lubricated na para sa madulas na pakiramdam habang nagtatalik.

Added features:

  • Nominal width: 52.5 mm
  • Straight walled
  • Easy-on shaped

Durex condoms are dermatologically tested

*Discreet delivery

Durex Performa

Magandang Brand Ng Condom Na Safe Gamitin At Mabibili Online | Durex Performa

Ang condom na ito mula sa Durex ay para sa pangmatagalang pagtatalik. Mayroon itong special lubricant na naglalaman ng 5% benzocaine. Mainam ito upang hindi madaling mawala ang dulas ng condom, At dahil doon, tuloy-tuloy lamang ang pagtatalik ng magpartner.

Added features:

  • Nominal width: 52.5 mm
  • Easy-on shaped and teat-ended
  • Transparent natural latex condoms

Dermatologically tested

*Discreet delivery

Durex Love

Magandang Brand Ng Condom Na Safe Gamitin At Mabibili Online | Durex Love

Kung budget-friendly condom naman ang hanap mo, ang Durex Love Basic Condom ang perfect pick for you! Ang isang piraso ng contraceptive na ito ay hindi lalagpasa sa Php 25.00. Gawa ito sa natural rubber latex at ito ay transparent at lubricated. May katamtamang kapal kaya natural pa rin ito sa pakiramdam kapag ginamit.

Added features:

  • Nominal width: 52.5mm
  • Easy-on shape and teat-ended
  • May regular silicone lube

Dermatologically tested

*Discreet delivery

 

Trust

Trust Condoms Natural

Magandang Brand Ng Condom Na Safe Gamitin At Mabibili Online | Trust Natural

Kung extra sensitive naman ang balat, mas magandang piliin ang condom na unscented. Tamang-tama ang Trust Condoms Natural para dyan! Ito ay walang halong scent at gawa sa natural na latex. Bukod pa riyan ay lubricated din ito para sa mas komportableng pag gamit. Abot-kaya rin ang presyo nito.

Added features:

  • Quality Imported Condoms
  • Sensitive, Strong, and Reliable
  • 100% Electronically Tested
  • Hygienically Sealed
  • Unscented

*Discreet delivery

Premiere Condoms Air

Magandang Brand Ng Condom Na Safe Gamitin At Mabibili Online | Premiere Air

Ang Premiere Condoms ay produkto rin ng Trust, kaya naman makakasiguro na safe at effective ito kung gagamitin. Ang Premiere Condoms Air ay mas manipis na parang balat kaysa sa regular condom. Ito rin ay may soft at smooth na texture kaya tiyak na komportable ka at ang iyong partner sa paggamit nito.

Added features:

  • Quality Imported Condoms
  • Sensitive, Strong, and Reliable
  • Lubricated for Comfort
  • 100% Electronically Tested
  • Hygienically Sealed

*Discreet delivery

Premiere Condoms Dotted

Magandang Brand Ng Condom Na Safe Gamitin At Mabibili Online | Premiere Dotted

Kung gusto naman mailevel up ang experience ng pakikipagtalik, magandang piliin ang Premiere Condoms Dotted. Ito ay textured condom na may dotted structure para sa mas pleasurable na pakikipagtalik at superior stimulation.

Added features:

  • Quality Imported Condoms
  • Lubricated for Comfort
  • 100% Electronically Tested
  • Hygienically Sealed

*Discreet delivery

Price Comparison Table

Brand Pack Size Price Price per piece
Durex Fetherlite 12 pcs Php 360.00 Php 30.00
Durex Performa 12 pcs Php 420.00 Php 35.00
Durex Love 12 pcss Php 280.00 Php 23.33
Trust Natural 18 pcs Php 163.00 Php 9.06
Premiere Air 18 pcs Php 671.00 Php 37.38
Premiere Dotted 18 pcs Php 459.00 Php 25.50

 

Paalala: Para masiguro ang kalidad ng condom na nabili, ilagay ito sa cool at dry na lugar. Huwag itong itago ng matagal sa wallet dahil magiging marupok ito dahil sa init. Siguraduhin din na maayos ang pagkakalagay nito bago gamitin upang masiguro ang safe at effectiveness nito.