Stillbirth posibleng hindi na maulit sa susunod na pagbubuntis, ayon sa isang pag-aaral
Hindi na umano dapat mangamba sa susunod na pagbubuntis ang mga mommies na nakaranas ng stillbirth noon dahil posibleng hindi na ito maulit muli.
Ang mga kababaihan ay posibleng ligtas na muling magbuntis pagkatapos ng stillbirth. Ito ay ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng mga researchers sa Curtin University sa bansang Australia.
Ano ang stillbirth?
Ang stillbirth ay ang pagsilang sa isang namatay na fetus pagkatapos ng 24 linggong pagdadalantao. Kung namatay ang fetus ng mas maaga sa 24 linggo, ito ay tinatawag na miscarriage.
Hindi lahat ng stillbirth ay naiiwasan dahil sa ilang sirkumstansya na nangyayari sa bawat pagdadalantao ng isang ina ngunit ang pag-iwas sa ilang panganib gaya ng pag-inom ng alak, paninigarilyo at pag-inom ng mga ipinagbabawal na gamot ay malaking bagay.
Karaniwang senyales ng stillbirth ay ang pagiging hindi aktibo ng paggalaw ng fetus sa loob ng sinapupunan. Ang mga buntis ay dapat na komunsulta agad sa OB Gyne kung mapapansin ang hindi normal na pagiging tahimik ng fetus sa loob ng sinapupunan.
Muling magbuntis pagkatapos ng stillbirth
Sa ilang pag-aaral na ginawa noon, ipinapayo ang pagpapahinga sa pagdadalantao ng isa o higit pang taon upang maiwasan ang muling pagkakaroon ng stillbirth sa susunod. Ngunit sa panibagong pag-aaral, sinasabi ng mga eksperto na hindi na ito dapat gawin.
Sinuri ng mga researchers ang birth records ng 14,452 kababaihan na nagkaroon ng stillbirth cases sa Western Australia, Finland at Norway ng taong 1980 at 2016. 63% sa mga ito ay muling nagbuntis sa loob ng 12 buwan pagkatapos ng kanilang stillbirth at matagumpay na nagsilang nang kumpleto sa linggo at hindi pre-term birth.
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring opisyal na rekomendasyon mula sa World Health Organization tungkol sa pagkakaroon ng interval time upang muling magbuntis pagkatapos ng stillbirth dahil sa limitadong medikal na ebidensya ukol dito.
“The World Health Organization recommends waiting at least two years following live birth, and at least six months following spontaneous or induced abortion to reduce the risk of adverse birth outcomes in the following pregnancy, but there is no recommendation for the waiting time following a stillbirth,” sabi ni Dr. Gavin Pereira, senior author ng pag-aaral.
“We were able to demonstrate that conception of the next child within 12 months after a stillbirth was not associated with an increased risk of adverse pregnancy outcomes,” sabi naman ni Dr. Annette Regan, lead author ng pag-aaral.
“The research may have important implications for families who have experienced a stillbirth. Our findings should provide reassurance to women who wish to become pregnant or unexpectedly become pregnant shortly after a stillbirth,” dagdag ni Dr. Regan.
Desisyon sa muling pagbubuntis
Ang pinal desisyon ukol sa muling pagdadalantao ay nakasalalay pa rin sa mga pamilyang nakaranas ng stillbirth. Personal na desisyon ito na kinakailangan ng matinding konsiderasyon sa damdamin at kahandaan ng katawan ng isang ina.
Sang-ayon dito ang spokesman ng Tommy’s Stillbirth Charity at Royal College of Obstetrics and Gynecology na si Professor Alex Heazell ng Manchester University.
“As long as they [women] get all the information about why their baby died, then the choice of when to have another baby is down to when they are psychologically ready.” sabi niya sa isang panayam sa BBC.
Ipinunto ni Professor Heazell na walang psychological na rason upang maghintay ng higit isang taon bago muling magbuntis pagkatapos ng stillbirth.
“Stress may exacerbate things and so waiting until that goes may be a reason for some to hold off.” sabi ni Dr. Heazell.
Ang findings ng pag-aaral na ito ay inilathala sa Lancet at sa konklusyon nito ay tinitiyak na walang dapat ikabahala ang mga kababaihan sa muling pagkakaroon ng stillbirth o premature birth.
Source: Daily Mail
Images: Shutterstock