X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

5 dapat gawin upang maiwasan ang stillbirth

4 min read

Ang stillbirth ay ang pagkamatay ng sanggol sa sinapupunan ng kaniyang ina matapos ang ika-24 na linggo ng pagdadalang-tao. Ayon sa statistics, isang porsyento sa numero ng nagdadalang-tao ang nakakaranas ng nakakalungkot na pangyayaring ito. Limampung porsyento sa mga ito ay hindi inaasahan at walang malinaw na dahilan. Samantalalang 30% nito ay dahil sa kakulangan sa tamang pag-aalaga sa pagbubuntis at pagpapaanak.

Alamin kung paano makakaiwas sa stillbirth.

Image from unsplash

Ayon sa mga eksperto, may mga paraan para mabasawan ang tiyansa ng stillbirth sa isang pagdadalang-tao. Ilan sa mga paraang ito ay ang sumusunod:

Mga paraan para maiwasan ang stillbirth

1. Matulog nang nakatagilid sa huling tatlong buwan ng pagdadalang-tao.

Ang posisyon sa pagtulog ng isang babaeng buntis ang isa sa mga itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng stillbirth. Ayon sa mga ulat, ang mga babaeng natutulog sa kanilang likod matapos ang ika-28 na linggo ng pagdadalang-tao ay may mas mataas na tiyansang maranasan ito.

Ito ay dahil sa hindi sapat na daloy ng dugo at oxygen sa katawan ng isang buntis na napaka-importante upang mapanatili ang buhay ng sanggol na kaniyang dinadala. Kaya naman ipinapayo ng mga eksperto ang pagtulog ng nakatagilid sa bandang kaliwa upang maibigay ang sapat na pangangailangan ng sanggol sa sinapupunan habang nakahiga ang isang nagdadalang-tao.

2. Bantayan ang bilang ng sipa o pag-galaw ng sanggol.

Ang kabawasan o paghina ng paggalaw at pagsipa ng sanggol ay nangangailangan ng agarang medical na atensyon ng iyong duktor o midwife. Ito ay madalas na nangangahulugan ng potensyal na problema sa sanggol sa sinapupunan tulad ng poor growth, disability, at stillbirth.

Kaya naman napaka-importante na nababantayan at madalas na natitingnan ang bilang ng heartbeat ng isang sanggol upang ito ay maiwasan. At mahigpit na ipinapayo na tumawag agad o pumunta sa duktor kung mapapansin ang pagbabagong ito sa sanggol na ipinagbubuntis.

3. Itigil ang paninigarilyo habang nagdadalang-tao.

Ang paninigarilyo habang nagdadalang-tao ay isa rin sa itinuturong dahilan ng stillbirth at iba pang peligro sa pagdadalang-tao tulad ng fetal growth restriction, premature birth, at SIDS o Sudden Infant Death Syndrome.

Ang paninigarilyo rin habang nagdadalang-tao ay umaapekto sa buhay ng isang bata kahit ito ay malusog na naipanganak. Kaya kung naninigarilyo ipinapayong tumigil na ang isang babae mula dito. Maari siyang makipagugnayan sa mga health centers o humingi ng payo mula sa kaniyang midwife o duktor para sa mga programa na makakatulong sa kaniya upang huminto sa paninigarilyo.

Ang pagiging passive smoker din o ang pagkakalanghap ng usok mula sa isang taong naninigarilyo ay mapanganib rin sa isang nagdadalang-tao. Kaya dapat umiwas ang isang buntis sa isang naninigarilyo o hindi kaya naman ay tuluyan ng patigilin ang sinumang naninigarilyo na malapit sa kaniya.

4. Regular na magpa-check-up para ma-monitor ang paglaki at pag-galaw ni baby.

Ang fetal growth restriction o ang hindi maayos na paglaki ng isang sanggol sa sinapupunan ng kaniyang ina ay isang indikasyon ng problema sa sanggol na maaring humantong sa stillbirth, pagkamatay sa unang mga linggo matapos maipanganak at pagkakaroon ng mga chronic o malubhang sakit habang siya ay lumalaki.

Para maiwasan at maagapan ang mga ito, ang regular na pagpapa-check-up o pagpunta sa antenatal appointments ng isang buntis ay makakatulong upang ma-monitor at malaman ang kalagayan ng sanggol sa sinapupunan ng kaniyang ina. Kung sakaling ma-detect na maaring may problema may mga paraan para masolusyonan ito na makakatulong upang hindi malagay sa peligro ang buhay ng mag-ina.

5. Panganganak sa tamang oras o due date.

Ang tiyansa ng pagkakaroon ng stillbirth ay mas mataas din sa mga babaeng nalalapit o lumampas na sa kanilang due date dahil ito sa pagbaba ng kanilang placental function.

Bagamat ang tiyansa ng stillbirth sa mga buntis na overdue o lagpas na sa 42 weeks na nagbubuntis ay mababa na kung saan umaapekto lamang sa 1 of 1000 na babae. Tumataas naman ang tiyansa nito sa mga babaeng nakakaranas ng mga sumusunod:

  • Lagpas sa 35 taong gulang
  • Naninigarilyo
  • Overweight o obese
  • Mayroong pre-existing diabetes
  • Buntis sa unang baby
  • Nakaranas ng stillbirth sa nakaraang pagbubuntis
  • Mula sa disadvantaged groups o indigenous group na hindi nabigyan ng sapat na atensyong medical habang nagdadalang-tao

Ang pag-e-exercise tulad ng paglalakad kapag nalalapit na ang due date ng panganganak ay nakakatulong upang magbigay silang sa isang sanggol sa tamang oras. Isang paraan rin ito upang hindi mahirapan sa pagla-labor o panganganak dahil sa inihahanda nito ang iyong katawan at normal na ipinipwesto nito ang sanggol sa kaniyang lalabasan.

Ang pagiging active at pagkain ng masusustansiyang pagkain habang nagdadalang-tao ay nakakatulong para makaiwas sa stillbirth at masiguradong healthy din ang dinadalang sanggol. Ang pagpapanatili rin ng malinis na kapaligiran at katawan ay nakapaimportante para naman makaiwas sa sakit o impeksyon na maaring makasama rin sa sanggol na nasa sinapupunan.

 

 

Sources: NHS, WebMD, Still Birth Foundation, The Independent

Basahin: Ano ang placental abruption at gaano ito kapanganib sa iyong pagbubuntis?

Partner Stories
5 Panalo tips to make your kids enjoy studying at home
5 Panalo tips to make your kids enjoy studying at home
Build Your Children’s Confidence at Home in 5 Simple Steps
Build Your Children’s Confidence at Home in 5 Simple Steps
Rising prices? Save and prep for Christmas early with The Metro Stores’ Sidewalk Sale
Rising prices? Save and prep for Christmas early with The Metro Stores’ Sidewalk Sale
Hurraw! Get trendy with these new lip balm flavors
Hurraw! Get trendy with these new lip balm flavors

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • 5 dapat gawin upang maiwasan ang stillbirth
Share:
  • Hindi mo kasalanan mommy: Ang dahilan kung bakit dapat pag-usapan ang stillbirth

    Hindi mo kasalanan mommy: Ang dahilan kung bakit dapat pag-usapan ang stillbirth

  • Common stillbirth symptoms that every pregnant mother should know

    Common stillbirth symptoms that every pregnant mother should know

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Hindi mo kasalanan mommy: Ang dahilan kung bakit dapat pag-usapan ang stillbirth

    Hindi mo kasalanan mommy: Ang dahilan kung bakit dapat pag-usapan ang stillbirth

  • Common stillbirth symptoms that every pregnant mother should know

    Common stillbirth symptoms that every pregnant mother should know

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.