Maggie Wilson sinampahan ng kasong adultery ng estranged husband niyang si Vic Consunji. Kamakailan lang si Maggie, nagbahagi rin ng madamdaming pag-uusap nila ng anak niyang si Connor.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Maggie Wilson humaharap sa kasong adultery.
- Madamdaming pag-uusap ni Maggie Wilson at anak niyang si Connor.
Maggie Wilson humaharap sa kasong adultery
Sa kaniyang Instagram stories ay ibinahagi ng model at celebrity mom na si Maggie Wilson ang pagsubok na hinaharap niya. Ito ay ang kasong adultery na inihain laban sa kaniya at sa boyfriend niya ngayong si Tim Connor ng mister niyang si Vic Consunji.
Base sa Instagram stories ni Maggie na mula sa original post ni Tim ay ito ang kinahaharap nilang kaso bagamat makikita na si Vic ang unang nagkaroon ng anak sa ibang babae. Ito daw ang malungkot na katotohanan sa batas sa Pilipinas na kung saan biased sa mga kalalakihan. Dahil ang mga lalaking Pilipino lang ang may karapatang magsampa ng kasong adultery na nauuwi sa kawalan ng karapatan ng ina sa custody ng anak niya.
Si Tim Connor may panawagan sa mga kababaihang Pilipino. Pati na sa mga lawmakers sa Pilipinas na kayang magbigay ng pagbabago sa matagal ng problema na ito. Lalo pa’t ayon sa kaniya, marami ang nagpapaabot sa kanila ng suporta ni Maggie na may pareho ring pinagdadaanan sa kanilang pamilya.
Madamdaming pag-uusap ni Maggie Wilson at anak niyang si Connor
Samantala, bago pa man ang adultery post na ito ni Maggie ay una niyang ibinahagi ang madamdaming pag-uusap nila ng anak na si Connor. Ayon sa model, isa lang ito sa maikli bagamat napakasakit na paguusap nila ng anak. Ito rin daw ang dahilan kung bakit pinili niyang manahimik para sa kapakanan narin ni Connor.
“That’s what I dream of every night, waiting at the airport for you.”
Ito ang maririnig na sinasabi ng umiiyak na si Connor sa kaniyang ina.
Si Maggie may hinaing din sa mga kapwa niya magulang ukol dito.
“We have NO child protection services or laws on parental abduction in the Philippines. Something has to change.”
Ito ang sabi pa ni Maggie.