Maggie Wilson kinontra kasong adultery ni Victor Consunji, naglabas ng ebidensya

Mensahe ni Maggie kay VIctor, “This allegation was one of the basis of getting an arrest warrant for the mother of your son."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinahagi ni Maggie Wilson ang isang video na patunay umano na mali ang paratang ng kaniyang dating asawang si Victor Consunji sa isinampa nitong adultery case laban sa beauty queen.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Maggie Wilson nagsalita tungkol sa adultery case na isinampa ng dating asawa
  • Tatlong adultery case isinampa ni Victor Consunji vs Maggie Wilson

Maggie Wilson nagsalita tungkol sa adultery case na isinampa ng dating asawa

Naglabas ng pahayag ang beauty queen na si Maggie Wilson tungkol sa kinakaharap na adultery case na isinampa ng businessman niyang ex-husband na si Victor Consunji.

Larawan mula sa Instagram ni Maggie Wilson

Matatandaang noong Setyembre 2021, isinapubliko ni Maggie Wilson na hiwalay na sila ni Victor Consunji matapos ang 10 taong pagsasama. Noong nakaraang taon din ay sinabi nito na in good terms naman sila ng dating asawa.

Pero kamakailan lamang, nitong July 18 ng kasalukuyang taon ay lumabas ang balita na nagsampa ng tatlong kaso ng pakikiapid si Consunji laban kay Maggie at sa British-Thai entrepreneur na si Tim Connor. Ayon sa adultery case ay nagtaksil sina Maggie Wilson at Tim Connor sa asawa ng beauty queen.

Pinabulaanan naman ito ni Maggie sa pamamagitan ng pagpo-post ng Instagram stories hinggil sa issue. Ayon sa beauty queen, nakasaad umano sa mga kaso laban sa kaniya na pumunta sila ni Tim Connor sa Barcelona. At hindi raw kasama si Consunji habang mag-asawa pa ang dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil dito, ipinost ulit ni Maggie ang umano’y IG story niya noong panahon na iyon kung saan makikita sa video na kasama nila si Consunji sa Barcelona.

Larawan mula sa Instagram story ni Maggie Wilson

Pahayag ni Maggie Wilson, ‘yon lamang daw ang tanging pagkakataon na nakasama niya si Tim Connor sa Barcelona at kasama pa nga si Consunji.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“This allegation was one of the basis of getting an arrest warrant for the mother of your son."

Matatandaang noong March 2, 2022, ay naglabas din ng saloobin si Maggie Wilson. Ito ay matapos umanong ipagkait sa kaniya ang mga larawan ng anak nila ni Victor Consunji na si Connor.

Nagdiwang ng kaarawan ang bata at nang hingiin umano ni Maggie sa photographer ang mga larawan sa nasabing pagdiriwang ay sinabi nitong pinagbawalan ito.

Noong December 2021 naman ay sinabi rin ni Maggie Wilson na hindi lalaki ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay kay Victor Consunji.

“There are strong reasons why I left. And if you think I left because of another guy, you have no idea," saad nito sa Instagram story noong December 2021.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aniya pa, ang mga rason kung bakit siya nakipaghiwalay sa asawa ay lalabas din sa tamang panahon.

"I have been put through so much over the last three months and more so the last few years,” ani Maggie.

Tatlong adultery case isinampa ni Victor Consunji vs Maggie

Ayon sa isang report, nagsampa umano ng tatlong adultery case si Victor Consunji. Ito ay laban kina Maggie Wilson at Tim Connor. Ito ay dahil sa pagkakaroon ng sexual relationship ng dalawa noong December 2021, January 2022, at February 2022.

Isinampa umano ni Taguig Assistant City Prosecutor David Michael Go ang mga adultery case sa Taguig Metropolitan Trial Court Branches 115 at 116.

Ang kasong adultery ay paglabag sa Article 333 ng Revised Penal Code. Sa ilalim ng Criminal Case 22-34975, inaakusahan ng pangangaliwa sina Maggie Wilson at Tim Connor.

Larawan mula sa Instagram ni Maggie Wilson

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakasaad sa mga kaso na nagkaroon umano ng pagtatalik ang dalawa. Ito ay sa kabila ng kaalaman na kasal si Maggie Wilson kay Consunji.

“Adultery is committed by any married woman who shall have sexual intercourse with a man not her husband and by the man who has carnal knowledge of her knowing her to be married, even if the marriage be subsequently declared void. Adultery shall be punished by prision correccional in its medium and maximum periods."

Ayon sa Revised Penal Code.

Naglabas naman ng pahayag si Tim Connor sa kaniyang Instagram story. Hindi umano siya sasagot sa ano mang interview hinggil sa issue. Aniya hindi siya magpapakababa para sagutin ang mga akusasyong wala namang basehan.

Nakiusap din ito na irespeto ng mga tao ang isyung pampamilya nina Victor Consunji at Maggie. Kahit para sa kapakanan ng anak ng dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaang noong December 2021 ay diretso ring sumagot sina Maggie at Tim Connor. Sa mga tanong ng netizens kung nagkaroon ba ng affair ang dalawa.

Sa Q&A sa Instagram Story ni Connor ay nilinaw nitong walang namagitang affair sa kanilang dalawa habang karelasyon ang mga dating partner.

Larawan mula sa Instagram ni Maggie Wilson

"We both get asked this countless times a day! Despite what you may have heard. To be absolutely clear, neither @wilsonmaggie or I had an affair with each other! While we were with our ex-partners,” pahayag ni Tim Connor.

Ni-repost naman ito ng beauty queen at nilagyan ng caption na tatlong 100% emoji.

Written by

Jobelle Macayan