X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Maggie Wilson nakakuha ng TRO kontra Victor Consunji: "Thank you to the justice system of the Philippines."

4 min read
Maggie Wilson nakakuha ng TRO kontra Victor Consunji: "Thank you to the justice system of the Philippines."

Si Maggie nagpasalamat sa korte matapos panigan sa temporary restraining order laban sa kay Victor.

Matapos ang kontrobersyal na isyu ni Maggie Wilson sa pag-padlock umano ng rented property niya ng ex-husband na si Victor Consunji, na-grant ng korte ang temporary restraining order (TRO) laban sa kaniyang estranged husband.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Court orders TRO in favor of Maggie Wilson against Victor Consunji
  • Maggie Wilson naglabas ng pahayag hinggil sa pagsugod daw ni Victor Consunji sa kanilang bahay

Court orders TRO in favor of Maggie Wilson against Victor Consunji

Matatandaan nitong mga nakaraang araw lang ay pumutok ang isyu ng dating mag-asawa na sina Maggie Wilson at Victor Consunji. Kumalat kasi ang usapin na iligal daw na pinasok ng mga tauhan ni Consunji ang kanyang rented property kung saan naninirahan si Maggie at kaniyang mga kamag-anak.

Kasama raw ng mga tauhan ng VCDC (Victor Consunji Development Corporation) ang ilang tao mula sa barangay nang tinangka nilang palitan ang padlock ng naturang bahay.

Dahil sa isyung ito ay napunta sa korte ang nangyari sa dalawa. Tagumpay naman na binigyan ng Taguig Regional Trial Court ang dating beauty queen na si Maggie Wilson ng 72-hour temporary restraining order (TRO) para hindi malapitan ng kaniyang dating mister.

maggie wilson tro

Larawan mula sa Instagram account ni Maggie Wilson

Salaysay ng korte, kinakailangan daw na irespeto ang existing contract sa pagitan ng dalawa. Mayroon daw karapatan sila Maggie na tumira pa sa bahay hanggang sa matapos ang duration ng kontrata.

“The attempt of defendants in padlocking the property was unsuccessful after petitioner Margaret N. Wilson reminded them about the existing lease contract over the property.”

Dagdag pa ng korte.

“Since it cannot be denied that a valid lease contract is existing and subsisting between the petitioner and the defendants, the Lease Contract should be respected by the parties wherein the lessor is obliged to maintain the lessee in the peaceful and adequate enjoyment of the leased premises for the entire duration of the contract,”

Kasabay nito ay ang ipagbabawal din ng korte na tanggalan ng supply ng electricity ang property na tinitirahan nina Maggie. Sa kabila nito may nakaamba namang bond na P500,000 kay Maggie para sa anumang damage sa bahay.

maggie wilson tro

Larawan mula sa Instagram account ni Maggie Wilson

Sa personal naman na Instagram account ni Maggie Wilson, nagpasalamat naman siya sa kanyang mga lawyers at maging sa korte dahil sa desisyon na ito.

Maggie Wilson naglabas ng pahayag hinggil sa pagsugod daw ni Victor Consunji sa kanilang bahay

“I fear that if I was there, they would have used them on me. I am currently away on business and I am scared for mine and my family’s life.”

Ito ang nasabi ni Maggie Wilson nang kumalat ang balitang tinangka raw na pasukin ng mga tauhan ng kanyang ex-husband ang kanyang property kasama ang mga opisyal ng barangay. Naging usap-usapan ito matapos ibahagi ni Maggie Wilson ang di umano’y panggigipit ng mga tauhan ni Victor Consunji sa kanyang Instagram account.

Makikita sa video na pumunta ang isang nagngangalang Bernie Mendoza na vice president daw ng Victor Consunji Development Corporation (VCDC) upang i-secure daw ang bahay. Papalitan daw kasi nila ang padlock, maging ang mga gamit at kung hindi naman daw sa kanila ay maaaring kunin sa kanilang opisina.

Nagdulot daw ito ng takot sa kanilang pamilya, ayon kay Maggie. Naisip pa ng beauty queen na kung naroroon daw siya noong mga oras na iyon ay malamang ginagamit sa kanya ang baton na dala ng mga baranggay tanod.

Dahil dito ay nananawagan naman si Maggie sa gobyerno na gumawa ng aksyon sa pangyayaring ito. Para sa kanya ay maituturing daw na harassment ang nangyari lalo sa kababaihan.

maggie wilson tro

Larawan mula sa Instagram account ni Maggie Wilson

Kaya naman si Maggie may apela sa mga netizens at gobyerno. Ito ay para hindi na umano maulit sa iba pa ang naranasan niya.

“This is very real threat… I urge the government and others to please step in and do something immediately. I plead with you and the online community to help me raise awareness that this kind of human rights harassment happens in the Philippines, especially to women—day in and day out.”

Bukod sa pagpasok sa kanyang property nawalan din daw ng kuryente sila Maggie Wilson. Ibinahagi naman niya sa publiko ang usapan nila ng Meralco. Kung saan sinabi nito na hindi nila maibalik ang kuryente dahil sa pagkakatanggal ‘diumano ng circuit breaker.

Naging usap-usapan din ang pagii-story ni Maggie Wilson sa Instagram. Makikita ang kanyang larawan na tila nasa interview ilang oras matapos ang insidente.

“After someone tries to back you in to a corner. I’m not scared to tell all. What really happened last summer.”

Marami tuloy ay na-curious na netizens kung ito ba ay may kinalaman sa naturang isyu nilang mag-asawa.

Instagram 

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Maggie Wilson nakakuha ng TRO kontra Victor Consunji: "Thank you to the justice system of the Philippines."
Share:
  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.