Maggie Wilson nagbigay ng pahayag sa kaniyang social media accounts tungkol sa diumanong “ilegal” na pagpasok ng mga tauhan ng kaniyang mister na si Victor Consunji at ng mga opisyal ng baranggay sa tahanan nito. Ibinahagi rin niya na tinangkang palitan ng mga ito ang padlock ng bahay kung saan naka-stay ang kaniyang pamilya.
“[They] entered my home illegally with no notice, no warrant, and no proper paperwork,” aniya. “They entered my home and took videos of personal belongings of those of myself and my family, illegaly.”
Maggie Wilson inakusahan ng “harrassment” at “intimidation” ang mga pumunta sa kaniyang tahanan
Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ng model at former beauty queen na si Maggie Wilson kung paano umano siya ginigipit ngmga tauhan ng kaniyang mister na si Victor Consunji. Naglakip din ito ng kuha mula sa naging eksena sa kaniyang bahay.
Mapapanood sa video ang isang nagpakilalang Bernie Mendoza na vice president ng VCDC (Victor Consunji Development Corporation). Sinabi nito na ang bahay ay pag-aari ng kumpanya at nais nila itong i-secure.
Ang VCDC ay ang real estate firm na pagmamay-ari at pinamumunuan mismo ni Victor Consunji. Kaiba ito sa construction firm na DMCI o D.M. Consunji, Inc pati na rin ang DMCI Homes na itinayo ng kaniyang lolo at pinapatakbo ng kaniyang mga kamag-anak.
Inihayag ni Mr. Mendoza: “Ang gagawin lang po namin ay papalitan lang po namin ang padlock at kung ano man po ‘yong mga gamit na nasa loob, kung hindi man po sa amin ay maaring kunin sa opisina para makuha.”
Sa bahaging ito ay naputol ang video at ang naging kadugtong ay ang paghingi ni Mr. Mendoza ng permiso upang mapalitan ang lock.
“We want to padlock it first and whatever gamit nasa loob will stay there until you guys want to take it out.”
Sa puntong ito, nagtanong ang kapatid ni Maggie na si Beth kung mayroon bang kopya si Maggie ng notice na ito. Sinagot naman ito na mayroong kopya si Maggie nito at idiniin na ang bahay ay pag-mamay-ari ng kumpanya. Ipinaliwanag din nito na ang presensya ng mga opisyal ng baranggay ay para maging witness sa nagaganap na sitwasyon.
View this post on Instagram
Makikita sa video na tinawagan ni Beth si Maggie na kasalukuyang nasa ibang lugar upang kumpirmahin kung mayroon silang pinanghahawakang dokumento na nagsasaad na maaari silang tumira sa naturang bahay. Iginiit ng kampo ni Maggie na mayroon silang lease contract para dito. Nag-usap ang dalawang kampo upang mailabas ang kontrata ngunit hindi na ipinakita sa video kung mayroon ngang kontrata ng renta si Maggie.
Maggie Wilson nagpapasalamat na wala siya sa kaniyang bahay ng mangyari ang insidente
Kuwento pa ni Maggie, wala siya sa kaniyang bahay ng mangyari ang naturang insidente. Tanging ang kapatid niya lang, pinsan at mga kasambahay ang mga naroon. Pero sa kabila nito ay natatakot diumano siya sapagkat ang mga baranggay tanod na kasama umano ng mga tauhan ng kumpanya ng kaniyang mister ay may dalang baton na kung nandoon siya ay baka daw gamitin pa sa kaniya.
Dahil sa nangyari, si Maggie hindi lang daw basta natatakot para sa security niya kung hindi pati narin sa seguridad ng kaniyang pamilya.
“As you can hear from the video, they asked if I was present. And then proceeded to enter my house with the baranggay carrying batons. I fear that if I was there, they would have used them on me. I am currently away on business and I am scared for mine and my family’s life.”
Kaya naman si Maggie may apela sa mga netizens at gobyerno. Ito ay para hindi na umano maulit sa iba pa ang naranasan niya.
“This is very real threat… I urge the government and others to please step in and do something immediately. I plead with you and the online community to help me raise awareness that this kind of human rights harassment happens in the Philippines, especially to women—day in and day out.”
Ilang oras bago ang insidente, nag-share ng litrato si Maggie na tila ini-interview. May kalakip na caption na ito ang nakasaad:
“After someone tries to back you in to a corner. I’m not scared to tell all.
What really happened last summer.”
Ito ang sabi ni Maggie na tila may pasabog o sikretong ibubunyag.
Sa latest niya ngang Instagram stories ngayong gabi ng Biyernes ay pinutol ang supply ng kuryente sa kaniyang bahay. Ito ay habang ang mga kapit-bahay niya at street lights sa kanilang paligid ay bukas at may kuryente.
Ibinahagi nito sa kaniyang IG stories ang pag-uusap nila ng Meralco kung saan nilinaw ng kumpanya na hindi nito maibabalik ang kuryente sa bahay dahil tinanggal ng may-ari ng bahay ang circuit breaker. Wala diumanong magagawa ang mga ito sa mga ganitong kaso.
Maggie Wilson kinasuhan ng adultery ni Victor Consunji
Bagaman wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Victor, lumabas naman sa One PH News ang balitang sinampahan ng kasong adultery ni Victor si Maggie. Makikita sa mga dokumento ang isang certificate na nagsasaad na na-examine na ang complainant na si Victor at mayroon ng preliminary investigation ang kaso laban kay Maggie at sa busness partner nito na si Tim Connor, isang Thai national.
Ayon sa dokumento mula sa city prosecutor ng Taguig, base sa mga ebidensiyang naisumite, mayroong “reasonable ground to believe that the crime has been committed and that the accused is probably guilty of.”
Mayroon ding kopya ang One PH ng complaint kung saan nakasaad na sina Maggie at Tim “feloniously commit the crime of adultery by then and there, having sexual intercourse with each other despite the fact that Accused Wilson is a married woman who is married to Private Complainant Victor Sid Consunji…”
Wala pang opisyal na pahayag si Maggie sa kasong isinampa laban sa kanya. Ngunit nag-post ito sa kaniyang Instagram: “The truth about everything will come out soon.”
Relasyon ni Vic Consunji at Maggie Wilson
Matatandaang Setyembre nitong nakaraang taon ng i-reveal ni Maggie na sila ay hiwalay na ng mister na si Victor Consunji. Ito ay matapos ang halos 11 taon nilang pagsasama bilang mag-asawa.
“We want you to hear it from us directly. Vic and I have made the difficult decision a while back to separate.”
Sa naging rebelasyon ni Maggie ay hindi niya idinetalye ang rason ng kanilang paghihiwalay. Pero sinabi niya noon na mutual bagamat mahirap ang naging desisyon nila. At sila ay nanatiling magkaibigan at walang sama ng loob sa isa’t-isa.
“It’s been challenging to say the least, but we want you to know that there is no animosity between us. We will always love and support each other no matter what. We will always be a family as we share our beautiful son, Connor, together. And we have remained really good friends and partners and will continue to do so. Both of us want nothing more than for each other to be happy.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!