Vic Consunji at Maggie Wilson masayang nagkasama sa 10th birthday celebration ng only son nilang si Connor.
Mababasa sa artikulong ito:
- Birthday ng only son nila Vic Consunji at Maggie Wilson.
- Update sa relasyon nila Maggie Wilson at Vic Consunji.
Vic Consunji at Maggie Wilson nagkasama sa 10th birthday ng kanilang only son na si Connor
Image from Rio Jones Photography
Matapos ang mag-anunsyo ng kanilang paghihiwalay noong Setyembre ng nakaraang taon ay hindi na muling nagkitang magkasama sina Maggie Wilson at mister nitong si Vic Consunji.
Bagamat ayon sa post noon ni Maggie kahit na hiwalay na at may maayos daw silang relasyon ng mister. Sila daw ay nanatiling magkaibigan para sa anak nilang si Connor.
“We want you to hear it from us directly. Vic and I have made the difficult decision a while back to separate. “It’s been challenging to say the least, but we want you to know that there is no animosity between us.
We will always love and support each other no matter what. We will always be a family as we share our beautiful son, Connor, together.
And we have remained really good friends and partners and will continue to do so. Both of us want nothing more than for each other to be happy.”
Ito ang pahayag ni Maggie noon tungkol sa kanilang paghihiwalay.
Pero noong Disyembre, sa araw ng pasko ay inilahad ni Maggie na hindi niya nakasama ang anak na si Connor. Siya raw ay napagkaitan na makasama ang anak sa espesyal na araw na iyon.
Dagdag pa niya ito raw ang tunay na nangyayari sa ilang family set-up tulad sa kanila ng mister na si Vic na magkahiwalay na.
“I was refused time with my son Connor despite an agreement being made prior. It’s been 48 hours, I didn’t get to open presents with him or even have a meal with him. This kind of situation sadly happens in “certain” families and as is seen as “normal”.
Ito ang sabi noon ni Maggie na may pahabol pa sa dulo na kung sakaling may mangyari sa kaniya ay alam na kung sinuman ang magnanais na mapahamak siya.
“Lastly, if anything happens to me or anyone close to me, you know where to look.”
Ang post na ito ni Maggie ang nagpatunay na mayroong problema sa pagitan nila ni Vic. At hindi totoo ang sinasabi nitong sila ay may maayos na relasyon para sa kanilang nag-iisang anak.
View this post on Instagram
Pero nitong Sabado, February 26, matapos ang mga rebelasyon tungkol sa kanilang paghihiwalay, ay muling nagkasama si Maggie at Vic. Ito ay sa 10th birthday celebration ng anak nilang si Connor.
Wala man silang post tungkol sa naganap na pagdiriwang at kanilang muling pagsasama ay makikitang masaya ang dalawa sa isang larawang ibinahagi ni Maggie sa kaniyang IG story.
Makikitang nag-pose sina Maggie at Vic kasama ang anak na si Connor para sa isang larawan. Sila ay makikitang ngiting-ngiti at masaya kasama ang anak sa birthday party nito.
Ikinatuwa naman ng kanilang followers na nakasaksi ng muli nilang pagsasama. Hiling nila sana ay maayos pa ng dalawa ang kanilang pagsasama.
“It makes me happy to see you & Maggie get along for your son’s sake. But still hoping that you’ll eventually get back together.”
Binati rin ni Maggie ang kaniyang anak sa pamamagitan ng Instagram post. Sa kaniyang caption sa kaniyang post sinabi niya na,
“I can’t believe you are now 10 years old. Where has the time gone? My pregnancy and journey to have you was not an easy one but it was all worth it. I remember everything like it was just yesterday.
I am so proud of the little man you have become. Seeing you grow into the beautiful young man that you are brings me so much joy.
You are so kind, gentle and extremely loving. I cherish every hug, every kiss and all of our tender moments of lambing. I love so much my Connor. Happy birthday bubba!”
BASAHIN:
Maggie Wilson-Consunji reveals first few weeks of motherhood was ‘not the happiest time of her life’
Maggie Wilson reveals separation from husband Victor Consunji
Kylie Padilla sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica: “Ang alam ko lang parehas kaming hindi masaya.”
Dahilan ng paghihiwalay nina Maggie Wilson at Vic Consunji
Image from Vic Consunji’s Facebook account
Hanggang sa ngayon ay wala pang detalyadong pahayag sina Maggie at Vic tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan. Bagamat kumakalat na ito daw ay dahil sa third party.
Pero ayon kay Maggie, kung mayroon mang nagloko ay hindi siya iyon. Hindi siya ay mayroong other guy. Ito umano ay kaya niyang patunayan. Dagdag pa niya ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ng asawa ay lalabas rin sa takdang panahon.
“There are strong reasons why I left and if you think I left because of another guy, you have no idea. Those reasons will be revealed in time. I have been put through so much over the last 3 months and more so the last few years.”
“Judge me all you want. If you think you know, you haven’t seen anything yet. I have an entire vault just filled with receipts.”
Ito ang sabi pa ni Maggie Wilson.
Si Maggie Wilson at Vic Consunji ay ikinasal noong December 2010 sa Misibis, Albay. Taong 2012 naman ang ipanganak ni Maggie ang only son nila ni Vic na si Connor.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!