TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Kylie Padilla sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica: “Ang alam ko lang parehas kaming hindi masaya.”

5 min read
Kylie Padilla sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica: “Ang alam ko lang parehas kaming hindi masaya.”

Kylie sinabing marami siyang alam na ikasisira ni Aljur Abrenica.

Binasag ni Kylie Padilla ang kaniyang katahimikan sa isang eksklusibong panayam ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) nitong Oktubre 24. Narito ang highlights ng rebelasyon ni Kylie tungkol sa hiwalayan nila ng mister na si Aljur Abrenica.

Sa artikulong ito ay mababasa ang mga sumusunod:

  • Highlights of Kylie Padilla KMJS interview.
  • Reaksyon ni Kylie sa mga isyung pinupukol sa kaniya ng mister na si Aljur Abrenica.

Highlights of Kylie Padilla KMJS interview

Kylie Padilla KMJS

Image from Kapuso Mo, Jessica Soho Facebook account

Ngayong gabi ay naisapubliko na ang panayam ng batikang reporter at TV host na si Jessica Soho sa aktres na si Kylie Padilla. Ito ay kaugnay sa mga magkakasunod na isyung pinupukol sa aktres matapos ang hiwalayan nila ng mister at aktor na si Aljur Abrenica.

Ayon kay Kylie, marami siyang alam na ikakasira ng mister na si Aljur. Pero mas pipiliin niyang manahimik para sa kapakanan ng mga anak niya. Ito ay sa kabila ng mga isyu na ibinibintang sa kaniya. Pero sa kanilang pagsasama may katotohanang hindi umano maitatago ayon kay Kylie.

“Ang alam ko lang parehas kaming hindi masaya,” sabi ni Kylie.

Dagdag pa ni Kylie, siya ang nakaisip na mas mabuting maghiwalay na sila ni Aljur. Dahil maliban sa ayaw niyang tumagal pang makita ng kanilang mga anak ang nangyayari sa kanila, naramdaman daw ni Kylie na parang siya na lang ang may pakialam sa marriage nila.

Ang isyu daw ng cheating ay pinaka-huling naging rason nalang para tuluyan ng matapos ang relasyon nila.

“Gusto ko na iwasan na tumagal na nakikita nila yun kasi ayokong isipin nila na normal yun sa isang relasyon. And for the longest time I felt alone in the marriage.”

Nagsalita rin si Kylie tungkol sa sinasabi ni Aljur na siya ang unang nag-cheat sa kanilang pagsasama.

“In my defense, while we were formally married, I never had any extramarital relationships with other men. That is my truth.”

Dahil paliwanag ni Kylie, wala siyang oras para mangaliwa.

“Paano ako magkakaroon ng oras? I was breastfeeding my second. Paano ako aalis?

“Okay sana kung ginawa ko. I would say I’m sorry. Pero hindi talaga eh. Paano ako aamin sa bagay na hindi ko naman ginawa? Ang hirap non.”

Ito ang depensa pa ni Kylie sa isyung siya ang unang nangaliwa.

Tungkol naman sa mga babaeng iniuugnay kay Aljur ay pinili nalang ni Kylie na huwag magsalita. Bagamat may naging komento siya sa naging pag-amin at mga paglabas ni AJ Raval at Aljur na magkasama.

“On paper, we are still married, sana ingatan na lang nila.”

Sa huli ay may pakiusap si Kylie kay Aljur. Ito ay ang sana maging maayos ang relasyon nila para sa mga anak nilang si Alas at Axl. Dahil ayaw niyang lumaki ang mga ito na may toxic co-parenting relationship ang mga magulang nila.

“Maybe we can do it in the right place, not on social media. Kasi ayokong gumulo kasi lalaki ‘yong mga anak ko—makikita nila ito.”

Dagdag pa niya, hiling niya lang sa ngayon ay pareho na silang maka-move-on ni Aljur at maging kapwa masaya.

“I still want him to be happy. Sana talaga, we’ll move forward from this so we can be both happy.”

Kylie Padilla KMJS

Image from Kylie Padilla’s Facebook account

BASAHIN:

Aljur Abrenica to Kylie Padilla: “Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family.”

Kylie Padilla inamin na “nahirapan” si Aljur sa kaniyang PPD at anxiety — “Parang kaaway ang tingin ko sa lahat”

Kylie Padilla tweets “#passdivorcebill” matapos ang kontrobersyal na post ni Aljur Abrenica

Hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla

Matatandaang Hulyo nitong taon ng kumpirmahin ng action star na si Robin Padilla na hiwalay na nga ang anak niyang si Kylie at mister nito na si Aljur Abrenica. Deretsahan ding sinabi ni Robin noon na, oo, ang alam niya ay may third party sa kanilang naging hiwalayan.

Matapos ang panayam ni Robin ay opisyal na naglabas ng pahayag si Kylie. Sila nga ay hiwalay na daw talaga ni Aljur. Pakiusap ni Kylie, sana ay tigilan na ang pag-iintriga sa kanila. Dahil paliwanag niya maayos silang naghiwalay ni Aljur at nagkasundo na maging mabuting co-parents nalang sa kanilang mga anak.

Pero hindi dito natigil ang usap-usapan sa hiwalayan ng dalawa. Ito ay dahil naging malaking tanong sa publiko kung sino ang third party na sinasabi noon ni Robin na naging dahilan ng pagkasira ng pagsasama ng mag-asawa.

Kylie Padilla KMJS

Image from Kylie Padilla’s Facebook account

Dahilan ng paghihiwalay ni Kylie at Aljur

Nitong nakaraang linggo ay inamin ng bagong sexy actress na si AJ Raval na siya ay nililigawan ni Aljur. Sabi pa nga niya ay boyfriend material ito.

Maraming nagsabi na baka si AJ Raval ang third party sa hiwalayan ni Kylie. At marami ang naki-simpatiya kay Kylie Padilla. Pero muling pakiusap ni Kylie ay tigilan na ang paghukay pa sa isyu sa pagitan nila ni Aljur. Dahil nagkasundo naman na daw sila na puwede na silang makipag-date sa iba. Kaya naman kung may ibang babaeng napupusuan ang mister ay hindi niya daw ito pakekealaman pa.

Pinilit man ni Kylie na maging mailap at matipid sa paglalabas ng impormasyon tungkol sa kanila ni Aljur, mukhang ang aktor ay hindi na ito nagawa. Dahil sa pamamagitan ng isang Facebook post ay pahapyaw na sinabi ni Aljur na si Kylie ang unang nagloko sa kanilang pagsasama. Nakiusap rin ito na sabihin na ni Kylie ang totoo sa publiko. Ngayong gabi, ito nga ang ginawa ng aktres at ito nga ang mga nasabi niya.

Kylie Padilla sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica: Ang alam ko lang parehas kaming hindi masaya.

 

Source: KMJS

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Kylie Padilla sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica: “Ang alam ko lang parehas kaming hindi masaya.”
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko