Isang statement ang ipinahayag ni Aljur Abrenica sa kaniyang Facebook page patungkol sa paghihiwalay nila ng asawang si Kylie Padilla. Alamin ang buong detalye rito!
Mababasa sa artikulong ito:
- Statement ni Aljur Abrenica patungkol sa hiwalayan nila ni Kylie Padilla
- Hiwalayan ni Aljur Abrenica at Kylie Padilla.
- Relasyon Kylie Padilla at Aljur Abrenica.
Statement ni Aljur Abrenica patungkol sa hiwalayan nila ni Kylie Padilla
Sa isang Facebook post ginulat ni Aljur Abrenica ang marami sa kanilang fans patungkol sa statement niya sa hiwalayan nila Kylie Padilla. Ayon sa Facebook post ni Aljur,
“Breaking silence..
Kylie please tell them the truth.
Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain. Tell them who cheated first, Tell them who wrecked our family.
Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserves to know. I have no hate for them despite of all the attacks and accusation they have towards me.
I do appreciate their reactions because I know it comes from their genuine morality and support towards our family. So they also deserve to know the truth.
I am sorry for asking these questions and for breaking our agreement of not speaking to the public. When your dad (robin) opened to the public his one sided story.
I maintained my silence because of our agreement. But now that people who supports us still throw accusations and reading you’re(your) statements it breaks my heart that you can sit still despite of the truth.
Tell them who cheated first. Tell them who are you with right now. Have the courage to settle this. Tell your dad the truth. If not for them do it for our children.
After so many years will you allow our children let them believe this story that you and dad left for me? At first it was fair for me, to take all the blame. Is it also fine with you guys to let the innocent be attacked with false accusations?
Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Aljur patungkol sa paghihiwalay nila kaniyang dating asawa na si Kylie. Matatandaang noong July ngayong taon kinumpirma ni Robin Padilla sa panayam sa kaniya ni Ogie Diaz na hiwalay na si Kylie at si Aljur.
Nang tanungin si Robin patungkol sa dahilan ng hiwalayan ng dalawa, sinabi ni Robin na mayroong daw ‘third party’ sa relasyon nila. Pahayag niya,
“Meron daw. Imposible ba ‘yon? Hindi imposible ‘yan! Iyan ang sinasabi ko kay Kylie, lalaki ‘yan,” sagot ng aktor.
Dagdag pa niya na naiintindihan niya na malakas talaga ang temptation na mangaliwa, lalo na’t nasa showbiz sila. Base sa pag-uusap nila ng anak, si Kylie ang nakipaghiwalay kay Aljur.
“Una, walang sinasabi ‘yong anak ko. Kasi ‘yon naman, noon pa, lagi kong ‘tinatanong si Kylie, agrabyado ka ba? Hindi naman daw, ‘Okay lang ako, Pa.’ Ito, tinanong ko rin siya ulit, ‘Anak, agrabyado ka ba?’ ‘Hindi, Pa, ako nakipaghiwalay, e.”
Ito ang pahayag ni Robin.
Pahayag ni Kylie Padilla sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica noon
Sa isa namang Instagram post ni Kylie Padilla noon matapos ang interview ng Ama na si Robin, inamin ng aktres na hiwalay na nga sila ni Aljur. Pahayag niya,
“Every family goes through a lot of challenges and sometimes we think that it is only the couple that goes through the ordeal. We forget the kids and the people that are involved in the family.
In the past few months our family has gone through the process of recovering, healing, and moving on.
All we need right now is respect–first and foremost on the decisions we have made as a family and respect for each and every member of our family–to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl who are at this point very fragile, and also to our families from both sides who have guided us along the way.
Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake.
We pray and hope that we will become better persons through this experience and will bring out the best in all of us. Thank you for your love and support.”
Wala pa ring tugon si Kylie Padilla patungkol sa statement ni Aljur Abrenica sa kasalukuyan.
BASAHIN:
Kylie Padilla inamin na “nahirapan”si Aljur sa kaniyang PPD at anxiety — “Parang kaaway ang tingin ko sa lahat”
Aljur Abrenica, kumpirmadong nililigawan ang aktres na si AJ Raval
Kylie Padilla: “Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake.”
Kylie Padilla and Aljur Abrenica love story
Matatandaang December 2018 ng maikasal sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Ang kanilang kasal ay inilihim nila sa publiko at ipinaalam lang nila sa mismong araw na ginaganap na ito.
Ito ay maituturing na isa mga celebrity wedding na tumatak sa isip ng publiko. Dahil ang set-up ng kanilang kasal ay kakaiba, very mysterious at napakaganda.
Ang kanilang kasal ay nangyari, isang taon matapos maisilang ni Kylie ang panganay nila ni Aljur na si Alas.
Ayon sa mga naunang panayam sa dalawa, taong 2011 ng sila ay magkakilala at nagsimulang magkaroon ng relasyon. Ang kanilang relasyon ay on and off.
Taong 2014 ng mapabalitang tuluyan na ngang nag-break si Kylie at Aljur. Pero sila ay nanatiling magkaibigan, bagamat si Kylie ng mga panahong iyon ay nakikipag-date na sa iba. Habang si Aljur umano ay nanatiling single matapos ang break-up nila.
Kylie and Aljur kids
View this post on Instagram
Matapos ang dalawang taon, September 2016 ay napabalitang nagbalikan umano ang dalawa. Sinundan ito ng balita noong 2017 na buntis diumano si Kylie.
Nang parehong taon ay inanunsiyo ng dalawa na sila ay engaged na. Noon din ay inamin ni Kylie na siya ay buntis nga sa panganay nilang anak nila ni Aljur na si Alas. Ito ay ipinanganak niya noong August 2017.
Walong buwan matapos maikasal at sa mismong 2nd birthday ng anak na si Alas ay inanunsyo naman ni Kylie na siya ay buntis sa pangalawa nilang anak ni Aljur. Ito ay pinangalanan nilang Axl na ipinanganak noong December 2019.
Hanggang sa nitong February 2021 ay umugong ang balitang dumadaan sa matinding pagsubok ang kanilang relasyon. Nasundan ito ng balitang sila ay hiwalay na dahil sa mga cryptic post na ibinabahagi ni Kylie sa kaniyang Instagram.
Source:
Facebook
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!