X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Aljur Abrenica, kumpirmadong nililigawan ang aktres na si AJ Raval

5 min read

Kumpirmadong nagliligawan sina Aljur Abrenica at AJ Raval. Alamin dito ang buong kuwento.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Relasyon sa pagitan nila Aljur Abrenica at AJ Raval.
  • Reaksyon ni Kylie Padilla sa mga nalilink na babae kay Aljur.

Aljur Abrenica at AJ Raval kumpirmadong nagliligawan

Usap-usapan nitong mga nakaraang araw ang post ng aktor na si Aljur Abrenica sa Facebook na kung saan siya ay naka-top less habang umiinom ng kape.

Ang larawan ay kuha mula sa bintana ng sinumang kasama ni Aljur ng mga oras na iyon. Ang caption ng post ni Aljur ay ito – “It is important to take time for yourself and find peace. 💙”

Aljur Abrenica at AJ Raval umaming nagliligawan

Image from Aljur Abrenica’s Official Facebook account

Pero hindi dahil sa naka-topless si Aljur at sa caption ng kaniyang post kaya ito nag-trend. Ito ay dahil napansin ng mga netizens na ang background ng kuha ni Aljur ay kapareho ng view mula sa bintana ng aktres na si AJ Raval.

Ito ay naikumpara ng mga netizens dahil sa vlog ni AJ tungkol sa paglilinis ng kaniyang kwarto na kung saan ipinakita niya ang bawat sulok nito.

Si AJ tinawanan lang ang mga assumptions na ang larawan ni Aljur ay kuha mula sa kwarto niya. Tinawag niya pang ma-issue ang mga nagsasabi nito.

AJ sinabing boyfriend-material si Aljur

Aljur Abrenica, kumpirmadong nililigawan ang aktres na si AJ Raval

Image from AJ Raval’s Instagram account

Pero sa isang panayam niya kamakailan lang sa Philippine Entertainment Portal o PEP ay hindi na nag-deny pa si AJ. Inamin niya na may relasyon ngang namamagitan sa kanila ng aktor na si Aljur. Sila ngayon ay nasa getting to know stage at nililigawan siya ng aktor.

“Nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other. Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know.”

Ito ang pahayag ng aktres sa naturang interview.

Si Aljur din umano ang tinutukoy ni AJ na masugid niyang manliligaw sa ngayon na tinatawag niyang “boyfriend-material”. Ito ay nabanggit ng aktres sa panayam sa kaniya ng vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Bagama’t sinabi niyang sa ngayon ay hindi pa siya ready na pumasok sa bagong relasyon. Dahil ilang buwan pa lang ang nakalipas ng mag-break sila ng nobyo niyang si Axel Torres.

Panoorin dito ang panayam ng PEP kay AJ na kung saan inamin niyang nag-uusap at nagliligawan sila ni Aljur.

AJ hindi pa daw ready na pumasok sa bagong relasyon

“Meron. Isa. ‘Yong nag-iisa na ‘yon, ramdam na ramdam ko talaga na special ako.”

“Pero ‘di pa lang ako ready rin pumasok sa relationship kasi kakagaling ko lang sa relationship.”

Ito ang naging sagot ni AJ ng tanungin ni Donnalyn kung may manliligaw siya at kung sasagutin niya na ba ito.

Sabi pa ni AJ ginawa niya ang pag-amin niyang ito upang hindi na magpaka-impokrita pa. Dahil magmumukha nga lang daw silang tanga ni Aljur kung magsisinungaling pa siya.

“Hindi ako magpapakaipokrita. ‘Di na ako magsisinungaling, ‘di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami.”

Ito ang sabi ni AJ sa panayam sa kaniya ng PEP.

BASAHIN:

Kylie Padilla: “Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake.”

Kylie Padilla on Aljur Abrenica: “We have already mutually agreed to date other people”

Robin Padilla kinumpirma ang paghihiwalay ni Aljur at Kylie, sinabing may “third party”

Kylie Padilla sinabing malaya si Aljur na makipag-date sa ibang babae

Samantala, sa isa sa Twitter post ng aktres at misis ni Aljur na si Kylie Padilla ay sinabi nitong may kasunduan sila ng aktor. Ito ay ang puwede naman na silang makipag-date sa mga taong gusto nila at hindi na ito isyu pa para sa kanilang dalawa.

Nakiusap din ang aktres na huwag na sanang i-ugnay ang sinuman sa hiwalayan nilang mag-asawa. Dahil wala rin umano siyang balak na magbahagi pa ng impormasyon tungkol sa nangyari sa relasyon nila ni Aljur Abrenica.

“Guys there is no issue. We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this.”

“I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left.”

Sa ngayon, ayon kay Kylie ay masaya siya kasama ang dalawa niyang anak na sina  Alas at Axl. Nagpapasalamat din daw siya sa mga taong patuloy na nagpapakita ng concern sa kaniya.

“Thank you for everyone’s concern. The boys are happy and stable. Which is our main priority. Love and light to everyone.”

Ito ang sabi pa ni Kylie sa kaniyang Twitter account.

Hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica

Aljur Abrenica at Kylie Padilla

Image from Aljur Abrenica’s Official Facebook account

Pebrero nitong taon ng mabalitang hiwalay na sila Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Ito ay kinumpirma ng aktor na si Robin Padilla sa isang panayam sa kaniya no Ogie Diaz.

Sinundan din ito ng pahayag ni Kylie na kung saan inamin niya ngang hiwalay na sila ni Aljur. Pero mariin niyang sabi sila ay may maayos na co-parenting relationship ni Aljur para sa kanilang dalawang mga anak.

Source:

Partner Stories
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
IKEA celebrates the joys of motherhood
IKEA celebrates the joys of motherhood
5 Reasons Why These Celeb Moms Love Tiny Buds Items
5 Reasons Why These Celeb Moms Love Tiny Buds Items

PEP

Photo:

Image from AJ Raval’s Instagram account

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Aljur Abrenica, kumpirmadong nililigawan ang aktres na si AJ Raval
Share:
  • Carla Abellana sinabing handa ng makaharap ang ex na si Tom Rodriguez: “Confident na po ako na hindi naman po ako parang magpa-panic or matatakot, o malulungkot.”

    Carla Abellana sinabing handa ng makaharap ang ex na si Tom Rodriguez: “Confident na po ako na hindi naman po ako parang magpa-panic or matatakot, o malulungkot.”

  • Viy Cortez from 94kg to 60kg weight loss: “Kahit ano inumin nyo kung walang disiplina sa pagkain wala po mangyayare”

    Viy Cortez from 94kg to 60kg weight loss: “Kahit ano inumin nyo kung walang disiplina sa pagkain wala po mangyayare”

  • Leila Alcasid sa reaskyon ng amang si Ogie Alcasid ng malamang nakikipaglive-in na siya sa boyfriend niya: “He respects my decision, my autonomy as a person, as an adult.”

    Leila Alcasid sa reaskyon ng amang si Ogie Alcasid ng malamang nakikipaglive-in na siya sa boyfriend niya: “He respects my decision, my autonomy as a person, as an adult.”

  • Carla Abellana sinabing handa ng makaharap ang ex na si Tom Rodriguez: “Confident na po ako na hindi naman po ako parang magpa-panic or matatakot, o malulungkot.”

    Carla Abellana sinabing handa ng makaharap ang ex na si Tom Rodriguez: “Confident na po ako na hindi naman po ako parang magpa-panic or matatakot, o malulungkot.”

  • Viy Cortez from 94kg to 60kg weight loss: “Kahit ano inumin nyo kung walang disiplina sa pagkain wala po mangyayare”

    Viy Cortez from 94kg to 60kg weight loss: “Kahit ano inumin nyo kung walang disiplina sa pagkain wala po mangyayare”

  • Leila Alcasid sa reaskyon ng amang si Ogie Alcasid ng malamang nakikipaglive-in na siya sa boyfriend niya: “He respects my decision, my autonomy as a person, as an adult.”

    Leila Alcasid sa reaskyon ng amang si Ogie Alcasid ng malamang nakikipaglive-in na siya sa boyfriend niya: “He respects my decision, my autonomy as a person, as an adult.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko