Kylie Padilla at Aljur Abrenica nagkasundo umano na puwede ng makipag-date sa iba ang isa’t isa.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kylie Padilla at Aljur Abrenica nagkasundong puwede na silang makipag-date sa iba.
- Isyu sa pagitan ni Aljur Abrenica at AJ Raval.
Aljur Abrenica nali-link sa aktres na si AJ Raval
Matapos isapubliko ni Robin Padilla na hiwalay na ang anak niyang si Kylie Padilla at mister nitong si Aljur Abrenica noong Hulyo ay sunod-sunod na ang mga tsismis o pag-lilink kay Aljur sa ibang mga babae.
Tulad na lang ng mga naging leading lady nito sa ilang proyektong kaniyang ginawa gaya nila Cindy Miranda at Erin Ocampo. Pero sina Erin at Cindy nilinaw na sila ay walang relasyon kay Aljur at hindi ang 3rd party na tinutukoy sa hiwalayan ng mag-asawa.
Bago magtapos ang Setyembre ay may panibagong pangalan ng babae na naman ang inililink ky Aljur. Ito ay ang baguhang aktres at anak ng action star na si Jeric Raval. Ito ay walang iba kung hindi si AJ Raval.
Ang isyu kanila AJ at Aljur ay nagsimula sa mga pasabog ng social media personality na si Xian Gaza tungkol sa dalawa. Ito ay mas nadagdagan pa ng magbahagi ng picture si Aljur sa kaniyang Facebook account na kuha mula sa bintana at nakahubad ang aktor. Ang caption sa post ng aktor, “It is important to take time for yourself and find peace. 💙”
Ang napansin ng mga netizens ay magkatulad ang lugar na pinagkunan ng litrato ni Aljur sa bintana ng kwarto ni AJ Raval. Ito ay napansin ng mga netizens mula sa isang vlog entry na kung saan ipinakita ni AJ kung paano niya nililinis ang kwarto niya.
Reaksyon ng mga netizen
Nagkataon man o hindi ay maraming komento ang mga netizen. Tulad nalang sa maaring si AJ ang 3rd party sa hiwalayan nila ng misis na si Kylie Padilla.
May iba namang pinayuhan si Aljur na para makuha ang peace na hinahanap niya ay makipag-usap ito sa misis na si Kylie at maging responsableng ama sa mga anak niya.
“Well in finding peace talk to your wife and ask forgiveness then you can have peace… 🙂 and be a responsible father still even if you are separated with your wifey.”
Ito ang payo ng isang netizen kay Ajlur kaugnay sa trending Facebook post nito.
BASAHIN:
Kylie Padilla: “Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake.”
Kylie Padilla may mensahe sa mga nakakaranas ng depression
Robin Padilla kinumpirma ang paghihiwalay ni Aljur at Kylie, sinabing may “third party”
Kylie Padilla at Aljur Abrenica nagkasundo na puwede na silang makipag-date sa iba
Image from Aljur Abrenica’s Official Facebook account
Pero si Kylie Padilla may sagot sa mga concerned netizens tungkol sa isyu sa kaniyang mister na si Aljur at sa mga babaeng na-lilink dito.
Ayon kay Kylie, walang isyu sa kaniya kung ma-link sa ibang babae ang mister na si Aljur. Dahil mula ng maghiwalay sila ng mister noong Abril ay nagkasundo sila na puwede na silang makipag-date sa iba. Pakiusap niya sa netizens ay huwag sana ng mandamay o mag-banggit ng pangalan ng iba kaugnay sa relasyon nila.
“Guys there is no issue. We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this.”
Ito ang bahagi ng pahayag ni Kylie na kaniyang ipinost sa kaniyang Twitter account.
Sabi pa ni Kylie, ayaw niya ng magbanggit pa ng kahit anumang impormasyon tungkol sa hiwalayan nila ng asawa. Dahil gusto niyang i-cherish ang natitirang privacy na mayroon siya.
“I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left.”
Sa huli ay nagpasalamat siya sa mga concerned sa kaniya at mga anak na si Axl at Alas. Ayon sa kaniya ay maayos at masaya ang mga anak niya na siyang priority niya ngayon bilang isang ina.
“Thank you for everyone’s concern. The boys are happy and stable. Which is our main priority. Love and light to everyone.”
Ito ang sabi pa ni Kylie Padilla.
Hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica
Pebrero nitong taon ng mabalitang hiwalay na sila Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Ito ay kinumpirma ng aktor na si Robin Padilla sa isang panayam sa kaniya no Ogie Diaz.
Sinundan rin ito ng pahayag ni Kylie na kung saan inamin niya ngang hiwalay na sila ni Aljur. Pero mariin niyang sabi sila ay may maayos na co-parenting relationship ni Aljur para sa kanilang mga anak.
Image from Aljur Abrenica’s Official Facebook account
Source:
GMA News
Photo:
Facebook
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!