TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Kylie Padilla: "Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys' sake."

5 min read
Kylie Padilla: "Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys' sake."

Basahin dito ang official statement ni Kylie Padilla tungkol sa paghihiwalay nila ng mister na si Aljur Abrenica.

Narito ang statement ni Kylie Padilla tungkol sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica. Ayon kay Kylie, maayos ang relasyon nila ni Aljur kahit sila ay hiwalay na.

Mababsa sa artikulong ito:

  • Statement ni Kylie Padilla tungkol sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica
  • Love story ni Kylie at Aljur

Statement ni Kylie Padilla tungkol sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica

statement ni Kylie Padilla tungkol sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica

Image from Aljur Abrenica’s Instagram account

Matapos kumpirmahin ni Robin Padilla sa isang interview na hiwalay na ang anak na si Kylie Padilla at mister nitong si Aljur Abrenica ay naglabas nar in ng opisyal na pahayag ang aktres tungkol rito. Ito ay kaniyang pinadaan sa GMA Network na kung saan konektado ang aktres.

Ayon kay Kylie, tulad ng ibang pamilya ay nakaranas din ng pagsubok ang pamilya nila ni Aljur. Pero sila ay naka-recover at nakapag-move on na. Lalo pa’t sa problemang kanilang kinaharap ay hindi lang sila ang apektado kung hindi pati na rin ang mga anak nila.

“Every family goes through a lot of challenges and sometimes we think that it is only the couple that goes through the ordeal. We forget the kids and the people that are involved in the family.” “In the past few months our family has gone through the process of recovering, healing, and moving on.”

Ito ang unang bahagi ng pahayag ni Kylie.

Ayon kay Kylie, maayos ang relasyon nila ni Aljur kahit sila ay hiwalay na

statement ni Kylie Padilla tungkol sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica

Image from Aljur Abrenica’s Instagram account

Sa ngayon ay hiwalay na nga daw talaga sila ni Aljur. Pero nanatili naman umanong maayos ang relasyon nilang dalawa para sa kanilang anak.

Dahil sila ang mas apektado sa pagsubok na ito na dumaraan sa kanilang pamilya. Kaya naman apela niya sa publiko ay respetuhin ang desisyon nila.

“All we need right now is respect–first and foremost on the decisions we have made as a family and respect for each and every member of our family–to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl who are at this point very fragile, and also to our families from both sides who have guided us along the way.” “Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake.”

Mensahe ni Kylie sa mga supporter nila

Sa huli ay nagpasalamat siya sa mga sumusuporta sa kanila at nagpapakita ng pagmamahal lalo na sa oras ng pagsubok sa kanilang pamilya.

Umaasa siya na sa pamamagitan nito ay mas magiging mabuting tao sila, pati na ang mga taong apektado sa kanilang naging paghihiwalay.

“We pray and hope that we will become better persons through this experience and will bring out the best in all of us. Thank you for your love and support.”

Ito ang opisyal na pahayag ni Kylie Padilla tungkol sa estado ng relasyon nila ng mister na si Aljur Abrenica.

Ang mga pahayag na ito ni Kylie ay masusuportahan ng naging pahayag rin ng kaniyang ama na si Robin Padilla sa naging interview sa kaniya ng showbiz reporter na si Ogie Diaz.

Ayon kay Robin, nitong Father’s day ay magkasama sina Aljur at Kylie pati ang dalawa nilang anak. Ang mga ito ay maayos naman umanong nag-uusap. Kaya nasabi niyang maayos ang relasyon ng dalawa sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

statement ni Kylie Padilla tungkol sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica

Image from Aljur Abrenica’s Instagram account

BASAHIN:

Robin Padilla kinumpirma ang paghihiwalay ni Aljur at Kylie, sinabing may “third party”

LOOK: Kylie Padilla at Aljur Abrenica, ikinasal na!

Kylie Padilla shares, “Motherhood is just an ongoing array of life lessons.”

Kylie Padilla and Aljur Abrenica love story

Matatandaang December 2018 ng maikasal sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Ang kanilang kasal ay inilihim nila sa publiko at ipinaalam lang nila sa mismong araw na ginaganap na ito.

Ito ay maituturing na isa mga celebrity wedding na tumatak sa isip ng publiko. Dahil ang set-up ng kanilang kasal ay kakaiba, very mysterious at napaka-ganda.

 
View this post on Instagram
  A post shared by La Belle Fête (@labellefete)

Ang kanilang kasal ay nangyari, isang taon matapos maisilang ni Kylie ang panganay nila ni Aljur na si Alas.

Ayon sa mga naunang panayam sa dalawa, taong 2011 ng sila ay magkakilala at nagsimulang magkaroon ng relasyon. Ang kanilang relasyon ay on and off.

Taong 2014 ng mapabalitang tuluyan na ngang nag-break si Kylie at Aljur. Pero sila ay nanatiling magkaibigan, bagamat si Kylie ng mga panahong iyon ay nakikipag-date na sa iba. Habang si Aljur umano ay nanatiling single matapos ang break-up nila.

Kylie and Aljur kids

Matapos ang dalawang taon, September 2016 ay napabalitang nagbalikan umano ang dalawa. Sinundan ito ng balita noong 2017 na buntis diumano si Kylie.

Nang parehong taon ay inanunsiyo ng dalawa na sila ay engaged na. Noon din ay inamin ni Kylie na siya ay buntis nga sa panganay nilang anak nila ni Aljur na si Alas. Ito ay ipinanganak niya noong August 2017.

Walong buwan matapos maikasal at sa mismong 2nd birthday ng anak na si Alas ay inanunsyo naman ni Kylie na siya ay buntis sa pangalawa nilang anak ni Aljur. Ito ay pinangalanan nilang Axl na ipinanganak noong December 2019.

statement ni Kylie Padilla tungkol sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica

Partner Stories
When Hair Fall Becomes Part of the Conversation
When Hair Fall Becomes Part of the Conversation
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs

Image from Aljur Abrenica’s Facebook account

Hanggang sa nitong February 2021 ay umugong ang balitang dumadaan sa matinding pagsubok ang kanilang relasyon. Nasundan ito ng balitang sila ay hiwalay na dahil sa mga cryptic post na ibinabahagi ni Kylie sa kaniyang Instagram.

Ngunit nanatiling mailap si Kylie at Aljur na magbigay ng statement sa estado ng kanilang relasyon. Hanggang sa kumpirmahin nga ni Robin Padilla ang hiwalayan ng dalawa sa isang panayam sa kaniya kamakailan lang. Ito naman ay sinundan ng paglalabas nila Kylie ng official statement sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica.

 

Source:

ABS-CBN News, GMA News

Photo:

Image from Aljur Abrenica’s Instagram account

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Kylie Padilla: "Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys' sake."
Share:
  • Niana Guerrero Teams Up with Posh Skin Co.® for a Fun, Confidence-Boosting Pimple Patch Collection

    Niana Guerrero Teams Up with Posh Skin Co.® for a Fun, Confidence-Boosting Pimple Patch Collection

  • When Hair Fall Becomes Part of the Conversation
    Partner Stories

    When Hair Fall Becomes Part of the Conversation

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Niana Guerrero Teams Up with Posh Skin Co.® for a Fun, Confidence-Boosting Pimple Patch Collection

    Niana Guerrero Teams Up with Posh Skin Co.® for a Fun, Confidence-Boosting Pimple Patch Collection

  • When Hair Fall Becomes Part of the Conversation
    Partner Stories

    When Hair Fall Becomes Part of the Conversation

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko