Kylie Padilla postpartum depression at anxiety pinahirapan umano si Aljur.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kylie Padilla on postpartum depression and anxiety.
- Payo ni Kylie sa mga nakakaranas ng postpartum depression at anxiety na mga ina.
Kylie Padilla on postpartum depression and anxiety
Hanggang ngayon, tanong pa rin sa marami ang naging sanhi ng paghihiwalay ng celebrity couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.
Sa isang panayam sa aktres kasama ang co-star niyang si Andrea Torres sa podcast program nina DJ Sam Y.G. at DJ Chacha ay nagbigay ng pahapyaw si Kylie sa ugat ng hiwalayan nila ni Aljur.
Ayon kay Kylie, matapos maisilang ang pangalawa niyang anak na si Axl ay nakaranas siya ng postpartum anxiety at depression. Ito ay mas pinalala pa ng pagsisimula noon ng nararanasan nating pandemya hanggang sa ngayon.
“I was suffering with post-partum anxiety na after I gave birth. Tapos dumagdag pa ‘yong pandemic. So parang sobrang harsh niya sa ‘kin.”
Ito ang pagbabahagi ni Kylie sa naturang panayam. Sabi pa niya, ay nahirapan daw ang “ex” niyang si Aljur sa naging estado noon ng mental health niya. Dahil ayon kay Kylie, noong mga panahong iyon pakiramdam niya ay kaaway niya na ang lahat.
“Nahirapan ‘yong ex ko sa ‘kin. Kasi ‘yong mental health ko nun parang kaaway na tingin ko sa lahat. I don’t know why.”
Maliban sa hormones, ayon kay Kylie isa sa dahilan rin ng postpartum depression na kaniyang naranasan ay ang pagkapagod ng kaniyang katawan bunsod ng pagkakaroon ng dalawang magkasunod na anak.
“It’s the hormones and I had 2 kids in the span of 2 or 3 years kaya talagang napagod ‘yong katawan ko.”
Katawan ni Kylie sumuko daw sa postpartum depression
Image from Aljur Abrenica’s Facebook account
Kuwento pa ni Kylie, dumating nga umano ang point noon na sumuko na ang katawan niya.
“The lowest point is when my body gave up on me. I couldn’t stand. Every time I would try to stand nanginginig ‘yong buong katawan ko. Even if my mind still wanted to fight kung ano man ‘yong pinagdadaanan ko, my body just gave up on me.”
Ito ang saad pa ni Kylie.
Mula sa naging karanasan ay may natutunan si Kylie. Isang bagay na nais niya ring ibahagi sa mga inang bagong panganak at may maliliit pang anak na inaalagaan.
“I think yung sikreto dyan is to listen to your body and to rest your body and your mind. Ano kasi ako. I had just given birth at ayokong iasa sa ibang tao ‘yong responsibility ko as a mom.
And I really want to keep moving, I wanna take care of them. Pero dumating nga sa point na I needed just to listen my body. And people would tell me na lay down and rest and sleep.”
Maliban sa pagpapahinga, ayon pa rin kay Kylie ay nakatulong umano ang meditation para malagpasan niya ang postpartum depression at anxiety na nararanasan. Pati na ang maka-recover ang kaniyang katawan sa pagod sa panganganak.
Image from Aljur Abrenica’s Facebook account
BASAHIN:
STUDY: Postpartum depression, maaaring tumagal ng 3 years pagkatapos manganak
Kylie Padilla on Aljur Abrenica: “We have already mutually agreed to date other people”
STUDY: Yoga and meditation found to reduce chronic pain and depression
Ano ang sintomas ng postpartum depression?
Ang postpartum depression ay kilala rin sa tawag na post-natal depression. Ito ang uri ng depresyon na nararanasan ng kababaihan ilang linggo o buwan pagtapos manganak.
Sinasabing ang postpartum depression ay may kaugnayan sa chemical, social at psychological changes na nararanasan ng isang ina dahil sa pagkakaroon ng bagong sanggol na dapat niyang pag-ukulan ng pansin at alagaan. Ilan sa mga sintomas nito ay ang sumusunod:
- Matinding kalungkutan.
- Madalas na pag-iyak.
- Kawalan ng gana sa mga dating kinatutuwaang gawin.
- Pagkapagod.
- Hirap sa pagtulog o tulog ng tulog.
- Kawalan ng gana kumain
- Mas gustong mag-isa at ayaw makipag-bonding sa kaniyang sanggol o ibang miyembro ng pamilya.
- Pagiging iritable at mabilis magalit.
- Naiisip niyang siya ay hindi mabuting ina.
- Pakiramdam na siya ay walang kuwenta, nahihiya o guilty sa lahat ng bagay.
- Hirap mag-isip o makapag-concentrate.
- Nagsasabi siya ng kakaiba at nakakabahalang pahayag.
- Pagsasabi na gusto niyang saktan ang sarili o kaniyang sanggol.
Paano ito malulunasan?
Image from Aljur Abrenica’s Facebook account
Kung bagong panganak at nakakaranas ng mga nabanggit ay mabuting magpakonsulta na sa iyong doktor. O kaya naman ay humingi ng tulong sa iba na aalalay sayo na malampasan ang nararanasan mong postpartum depression.
Makakatulong rin ang pag-iehersisyo at pagkain ng masusustansyang pagkain para mas mapalakas pa ang iyong katawan. Higit sa lahat napaka-halaga ng pagpapahinga at pagtulog para ma-relax ang iyong katawan at isipan.
Source:
Mayo Clinic, YouTube
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!