X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

STUDY: Postpartum depression, maaaring tumagal ng 3 years pagkatapos manganak

5 min read
STUDY: Postpartum depression, maaaring tumagal ng 3 years pagkatapos manganak

Nasa 15% ng mga new mom ang nakakaranas ng postpartum depression na tumatagal ng tatlong taon pagkatapos nilang mag buntis. | Lead image from iStock

Maaaring magtaka at malito ang mga new mom kung sakaling makaramdam sila ng pagkawalang gana sa pag-aalaga sa kanilang anak. Ang excitement na ito ay mapapalitan ng anxiety at pagkawala ng pag-asa. Pagkatapos manganak, makakaramdam ang mga nanay ng pagka-overwhelm dala ng naranasang pagod at mood swings. Sa pagkakataong ito, magsisimula na nilang pagdudahan ang sarili sa kanilang pagiging ina dahil sa depression sa buntis.

Mababasa sa artikulong ito ang:

  • Pag-aaral tungkol sa postpartum depression pagkatapos mag buntis
  • PPD screening
  • Sintomas ng baby blues at postpartum depression
depression sa buntis

Depression sa buntis, maaaring tumagal ng 3 years ayon sa pag-aaral | Image from iStock

Depression, pwedeng tumagal ng 3 years pagkatapos mag buntis ng babae

Nasa 15% ng mga new mom ang nakakaranas ng postpartum depression. Ito ay may pagkakaiba sa baby blues. Ang kondisyon na ito ay maaaring maging mild hanggang severe depression kung saan dadating na sa punto na mawawalan ka ng interes sa mundo pati na rin sa iyong baby.

Mayroon naman tayong gamot laban sa mga nanay na nakikipaglaban sa postpartum depression. Pinaniwalaan na tumatagal lang ito ng halos tatlong linggo. Ngunit ayon sa bagong pag-aaral mula sa National Institutes of Health (NIH), ang depression ay maaaring tumagal ng tatlong taon pagkatapos mag buntis ng babae.

Matagal na PPD Screenings

Nalaman ni Diane Putnick isang staff scientist sa National Institute of Child Health and Human Development (NICHD) at ang kaniyang grupo na tumatagal ang extension ng postpartum depression ng halos dalawang taon pagkatapos manganak ng buntis.

Dagdag pa niya na,

“These long-term data are key to improving our understanding of mom’s mental health, which we know is critical to her child’s well-being and development,”

Kabilang sa pag-aaral na ito ang 5,000 na nanay at ang mga sintomas nila ng tatlong taon pagkatapos manganak. Ang mga nanay na ito ay dumaan sa screening questionnaire, na may limang katanungan tungkol sa depression. Nilinaw nilang hindi sila clinically diagnose ng naturang kondisyon.

depression sa buntis

Depression sa buntis, maaaring tumagal ng 3 years ayon sa pag-aaral | Image from iStock

Ayon sa resulta ng screening, nagpapakita na isa sa apat na kababaihan ay mayroong mataas na lebel ng depression pagkatapos magbuntis sa loob ng tatlong taon. Habang ang natitira naman ay mayroong mababang lebel ng depression.

Nakita pa sa pag-aaral na ang mga nanay na mayroong mood disorder o gestational diabetes ay, “to have higher levels of depressive symptoms” at matatas ang tiyansa na magkaroon ng postpartum depression.

Dagdag pa ni Dr. Putnick, “Future studies should include a more diverse, broad population to provide more inclusive data on postpartum depression,”

Ano ang postpartum depression?

Ang postpartum depression ay nararanasan ng mga nanay na pagkatapos nilang manganak. Ito’y halo-halong matinding emosyon katulad ng anxiety, mood swings, labis na pagiging emosyonal o kaya naman hirap sa pagtulog. Sa madalas na pagkakataon, ito ay mahirap pigilan.

Nagsisimula ang baby blues tatlong araw pagkatapos manganak ng isang babae at umaabot ng ilang linggo.

BASAHIN:

Postpartum recovery: 8 tips sa pagdumi para sa mga bagong panganak

STUDY: General anesthesia sa c-section sanhi ng postpartum depression

6 na hindi dapat sinasabi sa mga ina na nakakaranas ng postpartum depression

Saka lang nagiging postpartum depression ito kapag tumagal ang nararanasang kondisyon ng isang nanay na halos tumatagal ng taon. Nararanasan ang postpartum depression bago, habang at pagkatapos manganak ng isang babae.

Ayon sa isang pag-aaral na pinublish sa British Journal of Psychiatry sa National Institute for Health Research, nasa 25% ng mga kaso ng postpartum depression ay nagsisimula sa pagbubuntis.

Sintomas ng baby blues

Nararanasan ito ng ibang nanay pagkatapos nilang manganak. Kadalasan tumatagal ito ng 2 linggo. Narito ang sintomas:

  • Hirap sa pagtulog
  • Pagiging malungkutin
  • Pag-iyak
  • Sobra-sobrang emosyon
  • Iritable
  • Hirap sa pagkain
  • Pagkawala ng concentration
  • Anxiety
  • Mood Swings
depression sa buntis

Depression sa buntis, maaaring tumagal ng 3 years ayon sa pag-aaral | Image from Unsplash

Sintomas ng postpartum depression

Napagalaman din na mataas ang rating ng depression sa 8th month ng pregnancy. Mahirap malaman kung ang nararanasan mo ba ay matatawag mo ng depression. Ngunit kapag nakita mo na ang mga sintomas ng postpartum depression, kailangan mo nang magpatingin sa iyong doktor.

Kadalasang napagkakamalang baby blues ang postpartum depression. Pero malalaman mong postpartum depression ito dahil mas malala at mas matagal na mararanasan ito. Mararanasan ito bago, habang o pagkatapos manganak. Kadalasan itong tumatagal ng taon.

Narito ang sintomas ng postpartum depression na dapat mong bigyang pansin:

  • Malalang mood swings
  • Sobra-sobrang pag-iyak
  • Hirap makihalubilo sa baby
  • Pagiging malungkutin o miserable sa araw-araw
  • Sobra-sobrang magalit
  • Umiiyak palagi kahit sa maliit na bagay
  • Iritable at galit sa halos lahat ng bagay
  • Pagkawala ng interes sa mga bagay na dati ay nag eenjoy ka
  • Hirap sa pagtulog o sobra sobra ang pagtulog
  • Labis na pagkain o pagkawala ng appetite
  • Sobrang pagkapagod
  • Lack of concentration
  • Nawawala ang connection sa baby at nakakapag isip ng malulungkot na mga bagay
  • Pagkawala ng connection sa asawa at pamilya
  • Thoughts of self harm
  • Suicidal thoughts

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Translated in Filipino by Mach Marciano

Partner Stories
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Andi Manzano On Raising Amelia: From Allergy Prevention to Holistic Growth
Andi Manzano On Raising Amelia: From Allergy Prevention to Holistic Growth

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • STUDY: Postpartum depression, maaaring tumagal ng 3 years pagkatapos manganak
Share:
  • Paano Nakakatulong ang Pregnancy Milk sa Morning Sickness (At Ano ang Gagawin Kung Hindi Mo Kaya Inumin Ito)

    Paano Nakakatulong ang Pregnancy Milk sa Morning Sickness (At Ano ang Gagawin Kung Hindi Mo Kaya Inumin Ito)

  • How Pregnancy Milk Can Help with Morning Sickness (And What to Do If You Can’t Drink It)

    How Pregnancy Milk Can Help with Morning Sickness (And What to Do If You Can’t Drink It)

  • Mga Benepisyo ng Gatas sa Pagbubuntis—Mga Katanungan Mo, Nasagot!

    Mga Benepisyo ng Gatas sa Pagbubuntis—Mga Katanungan Mo, Nasagot!

  • Paano Nakakatulong ang Pregnancy Milk sa Morning Sickness (At Ano ang Gagawin Kung Hindi Mo Kaya Inumin Ito)

    Paano Nakakatulong ang Pregnancy Milk sa Morning Sickness (At Ano ang Gagawin Kung Hindi Mo Kaya Inumin Ito)

  • How Pregnancy Milk Can Help with Morning Sickness (And What to Do If You Can’t Drink It)

    How Pregnancy Milk Can Help with Morning Sickness (And What to Do If You Can’t Drink It)

  • Mga Benepisyo ng Gatas sa Pagbubuntis—Mga Katanungan Mo, Nasagot!

    Mga Benepisyo ng Gatas sa Pagbubuntis—Mga Katanungan Mo, Nasagot!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko