Ano nga ba ang mga hindi dapat sinasabi sa may postpartum depression na nanay? Ating alamin pa ito para tuluyang maging aware sa kondisyon ng bawat ina.
Postpartum Depression sa nanay
Ang pagbubuntis ay isang maganda at hindi mapapantayang regalo para sa isang nanay. Ang pregnancy journey na ito ay mararanasan ni mommy halos 9 months ng pagdadala niya kay baby sa kanyang tummy.
Hindi biro ang nararanasan ng isang ina sa kanyang pagbubuntis. Kasama pa rito ang karaniwang pagbabago sa kanilang pisikal na anyo kasama na ang emosyon at minsan ay nagdudulot ng mas seryosong komplikasyon sa kanilang mentalidad. Isa na diyan ang postpartum depression sa buntis.
Ano ang postpartum depression?
Ang postpartum depression ay nararanasan ng mga nanay na pagkatapos nilang manganak. Ito ay halo-halong matinding emosyon katulad ng anxiety, mood swings, labis na pagiging emosyonal o kaya naman hirap sa pagtulog. Sa madalas na pagkakataon, ito ay mahirap pigilan.
Nagsisimula ang baby blues tatlong araw pagkatapos manganak ng isang babae at umaabot ng ilang linggo.
Saka lang nagiging postpartum depression ito kapag tumagal ang nararanasang kondisyon ng isang nanay na halos tumatagal ng taon. Nararanasan ang postpartum depression bago, habang at pagkatapos manganak ng isang babae.
Ayon sa isang pag-aaral na pinublish sa British Journal of Psychiatry sa National Institute for Health Research, nasa 25% ng mga kaso ng postpartum depression ay nagsisimula sa pagbubuntis.
Mga hindi dapat sinasabi sa may postpartum depression na ina | Image from Freepik
Sintomas ng baby blues
Nararanasan ito ng ibang nanay pagkatapos nilang manganak. Kadalasan tumatagal ito ng 2 linggo. Narito ang sintomas:
- Hirap sa pagtulog
- Pagiging malungkutin
- Pag-iyak
- Sobra-sobrang emosyon
- Iritable
- Hirap sa pagkain
- Pagkawala ng concentration
- Anxiety
- Mood Swings
Sintomas ng postpartum depression
Napagalaman rin na mataas ang rating ng depression sa 8 months ng pregnancy. Mahirap malaman kung ang nararanasan mo ba ay matatawag mo nang depression. Ngunit kapag nakita mo na ang mga sintomas ng postpartum depression, kailangan mo nang magpatingin sa iyong doctor.
Kadalasang napagkakamalang baby blues ang postpartum depression. Pero malalaman mong postpartum depression ito dahil mas malala at mas matagal na mararanasan ito. Mararanasan ito bago, habang o pagkatapos manganak. Kadalasan itong tumatagal ng taon.
Narito ang sintomas ng postpartum depression na dapat mong bigyang pansin:
- Malalang mood swings
- Sobra-sobrang pag-iyak
- Hirap makihalubilo sa baby
- Pagiging malungkutin o miserable sa araw-araw
- Sobra sobrang magalit
- Umiiyak palagi kahit sa maliit na bagay
- Iritable at galit sa halos lahat ng bagay
- Pagkawala ng interes sa mga bagay na dati ay nag eenjoy ka
- Hirap sa pagtulog o sobra sobra ang pagtulog
- Overeating o pagkawala ng appetite
- Sobrang pagkapagod
- Lack of concentration
- Nawawala ang connection sa baby at nakakapag isip ng malulungkot na mga bagay
- Pagkawala ng connection sa asawa at pamilya
- Thoughts of self harm
- Suicidal thoughts
Mga hindi dapat sinasabi sa may postpartum depression na ina | Image from Freepik
6 na hindi dapat sinasabi sa mga ina na nakakaranas ng postpartum depression
1. “Noong nagkaroon ako ng baby, hindi naman ako na depress.”
Isa sa unang dapat tandaan ng isang tao ay ‘wag ipagkumpara ang sarili nila sa mga nanay na nakakaranas ng postpartum depression. Pwedeng hindi mo nga naranasan pero sa iba ay kasalukuyan silang nakikipaglaban sa dito.
Ang mga nanay na ito ay nakakaramdam ng pagkaawa at guilty sa kanilang mga sarili. Dito nila iniisip na hindi sila sapat at wala sa posisyong maging ina.
2. “Wag ka nang madepress! Dapat nga maging masaya ka dahil sa baby mo eh.”
Mahirap pigilan at diktahan ang emosyon ng isang tao. Lalo na sa mga nanay na nakakaranas ng postpartum depression. Sensitive pa rin kasi sila dala ng kanilang pregnancy hormones.
Kaya imbis na sabihin ito, bakit hindi na lang pagaanin ang loob niya?
3. “Mawawala din ‘yan! Hindi mo kailangan ng gamot.”
Tandaan, hindi agad agad nawawala ang postpartum depression ng isang nanay. Lalo na kung walang nagpapagaan ng loob niya at dumadagdag lang sa nararamdaman niya ng mga taong nasa paligid nito.
Oo, para sa iba ay hindi na nila kailangan ng matagal na medication para sa kanilang PPD. Ngunit may ibang nanay na kinakailangan ng medical na tulong para tuluyan silang gumaling. Makadagdag rin ng tulong ang mga pamilya nito.
Mga hindi dapat sinasabi sa may postpartum depression na ina | Image from Freepik
4. “Itigil mo muna ang breastfeeding. Baka mawala ‘yang depression mo.”
Maraming doctor ang nag complain na sa ganitong sitwasyon, biglang dumadami ang nagiging ‘experts’ na nagbibigay ng payo sa isang nanay na mayroong PPD. Katulad ng pagsabi na uminom ng alak, itigil ang breastfeeding o magbakasyon muna sa mga nanay.
Imbes na sabihin ito, bakit hindi mo ibahagi ang naging karanasan mo sa kanila at sabihin ang mga nakatulong sa’yo na naging paraan para maging mabuti ang kalagayan mo dati? Ito ay isang suggestion lamang at hindi mo inuubliga na gawin nila ang iyong ginawa.
5. “Kailangan ba muna naming bantayan ang anak mo?”
Isa sa kamalian ng karamihan ay ang pagsasabi nito.
Ayon sa mga eksperto, hindi nakabubuti sa isang bagong panganak ang ilayo ang kanilang anak sa kanila kahit na mayroon itong PPD. Ito kasi ang maaaring magbigay sa kanila ng gaan ng kalooban.
6. “Hindi totoo ang depression.”
Walang karapatan ang isang tao na sabihin o diktahan ang emosyon ng isang ina na dumadaan sa postpartum depression. Maaaring sa iba ay sinasabi nilang naiintindihan nila ito ngunit hindi natin lubusang maiintindihan ang pakiramdam ng isang nanay na may PPD hangga’t hindi natin ito nararanasan mismo sa ating mga sarili.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!