Maggie Wilson sinabing hindi pa siya ready na magkaanak muli. Ito ang dahilan ni Maggie kung bakit.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Maggie Wilson kung bakit ayaw pa niyang magkaanak muli.
- Mensahe ni Maggie Wilson sa mga ama ngayong darating na Fathers day.
Maggie Wilson kung bakit ayaw pa niyang magkaanak muli
May bagong post sa Instagram ang model at celebrity na si Maggie Wilson ukol sa mga nagtatanong kung bakit hindi siya magkaanak nalang ulit. Lalo pa’t may anak narin naman sa bago nitong ka-relasyon ang estranged husband niyang si Victor Consunji at siya ngayon ay may bago naring kinakasama.
Si Maggie ang sagot sa mga nagtatanong ay hindi pa ngayon. Dahil hindi pa siya ready at hindi pa niya na-reresolve ang mga problema at conflict sa buhay niya.
“I believe in resolving issues before bringing another child into this world. I will only think about getting married again once the conflict is settled. And I refuse until there is peace.”
Ito ang sabi ni Maggie.
Pagpapatuloy pa ni Maggie, ayaw niyang dagdagan pa ang trauma na nararanasan ng anak niyang si Connor. Gusto niyang makausap muna ito at mapaintindi sa anak ang mga nangyayari bago pa ito bigyan ng panibagong palaisipan sa kaniyang buhay.
Mensahe ni Maggie sa mga ama ngayong darating na Father’s day
Larawan mula sa Facebook account ni Maggie Wilson
Kapag daw naging maayos na ang lahat sa pagitan niya at anak niya pati na mga conflict na nasa paligid nila doon palang ulit magdedesisyon si Maggie na magkaanak muli. May iniwan rin siyang mensahe ngayong Father’s day sa mga anak ukol sa pagpapalaki ng anak na lalaki.
“I still believe in love. I love, love. And one day, everything will fall into place.”
“So for Father’s Day, teach your sons how to be compassionate, respectful, honest, accountable, and kind. Teach them how to communicate. Teach them to be real men so their future partners can feel safe. Raise them to be good and be someone they can be proud of.”
Ito ang sabi pa ni Maggie.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!