Magkano ang COVID test? Libre nga ba ito at accessible para sa mga taong tingin ay mayroon silang sintomas ng sakit? Alamin ang kwento ng mommy na si Ivee Jade na tinanggihan sa ospital para sa COVID testing.
Magkano ang COVID test
Sa mga nakaraang press briefing, nilinaw ng Department of Health na shoulder ng gobyerno ang COVID testing at ang pagpapagamot para rito. Inatasan din nila umano ang mga private hospitals na tumanggap ng mga pasyente at isailalim sila sa mga kinakailangang procedures.
Sa kwento na ibinahagi ng isang mommy sa Facebook, inilahad niya ang kalakaran sa isang ospital matapos silang tanggihan nito. Ayon kay Ivee, nanggaling daw kasi sila ng kanyang pamilya sa Malaysia kamakailan lang at unang nagkaroon ng sintomas ang kanyang baby. Ito naman ay agad na gumaling, ngunit siya naman ang sunod na nakaranas nito. Matapos ang ilang araw na pag-quarantine at pag-regulate ng gamot at pagkain ng masustansya, nawala ang kanyang lagnat. Dito na nga siya nagdesisyon na magpatingin dahil nais niya sanang magpa-test sa COVID.
Bagama’t may takot sa kanyang puso, mas umiral sa kanya na alamin kung siya nga ba ay infected. Pagkarating naman sa ospital ay agad daw silang pinadiretso sa isang isolated tent at doon na in-interview ng doktor. Sabi raw sa kanila na mild naman na ang mga sintomas kaya hindi na muna kailangang i-test. Pinauwi lang sila matapos bigyan ng N95 mask at pinagbayad pa nga raw para rito.
Hindi naman maalis ang inis ng netizen dahil tila may mali sa pag-assess ng ospital sa kanila. Ang protocol umano ng DOH ay pauwiin muna ang pasyente kahit na siya ay isang PUI o Person Under Investigation kung ang sintomas niya ay mild naman. Binigyan lang din daw sila ng pamphlet na naglalaman ng guidelines tungkol sa self-quarantine.
Kung si Ivee ang tatanungin, ayaw na sana niyang i-risk na hindi pa malaman kung siya ba ay infected o hindi. Ito ay dahil nae-expose din ang ibang tao sa kanya. Nakababahala kung ito nga naman ay mangyari rin sa iba. O kung ganito talaga ang kasalukuyang kalakaran sa mga ospital. Talagang indi maco-contain ang sakit sa ganitong paraan.
COVID test kits
Kung hindi nga libre ang pagpapa-test, ang isang test kit ay nagkakahalaga ng 8 thousand pesos. Kinakailangan ding ma-test ang isang tao ng tatlong beses dahil dito makukumpirma kung siya nga talaga ay infected.
Binigyan naman na ng awtoridad ang UP-NIH na ipagamit ang test kits na kanilang na-develop. Ito rin ay naaprubahan na ng World Health Organization. Mas mura ito kung ikukumpara sa mga test kits na galing sa ibang bansa. Nagkakahalaga lamang ito ng 3 thousand pesos at sa isang linggo ay mahigit 200 na kits ang kanilang nagagawa.
Hindi ito sapat kung iisipin pero mahalaga lang na mayroon ng mga tao na masisimulan nang i-test. Iminumungkahi naman ng ilan na magkaroon ng mass testing dahil isa itong paraan upang mahiwalay kaagad ang mga taong infected. Sa ganitong paraan din kasi mas maagapan ang paglala ng sakit.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 3 pasyente ang naka-recover sa Pilipinas. Lahat ng mga kasong ito ay patuloy na inoobserbahan.
Basahin ang buong kwento ni Mommy Ivee Jade dito:
Here goes. I was hesitant to share this at first due to fear of being discriminated or whatever. But wtf. This is my…
Posted by Ivee Jade on Saturday, 14 March 2020
Sinubukan naman naming makipag-ugnayan sa kanya para makapanayam siya pero hanggang ngayon ay naghihintay pa kami ng sagot.
SOURCES: Facebook, ABS-CBN News
BASAHIN: “Libre ba ang COVID testing kit?” at iba pang impormasyon na dapat malaman
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!