Kung kabuwanan mo na ngayon, paniguradong ang palagi mong tanong ay kung magkano manganak ngayong 2020 sa Pilipinas. Ano nga ba ang range ng normal at cesarean delivery sa public o private hospital?
Ready ka na ba manganak? You need at least P108,000 according to study
Pagpasok ng isang nanay sa kanyang pregnancy period, marami ang kanyang kailangang tandaan. Karaniwan, kailangan mo talagang bumili ng mga bagay na kakailanganin mo dito. Lalo na sa gatas ng ina, damit o iba pang vitamins na reseta ng doctor sa kanyang pagbubuntis.
Sa pagbubuntis ni mommy, umaabot ng 8,000 pesos ang mga kakailanganin nito. Katulad ng pregnancy milk, maternity clothes, vitamins, pregnancy pillow o smart scale.
Samantalang umaabot naman ng 3,000 pesos ang hospital bag na may essential goods na kailangan ni mommy kung siya ay nasa ospital na para manganak. Narito pa ang ibang expenses sa panganganak:
Magkano manganak sa public at private hospital ngayong 2020? | Image from Dreamstime
1. Prenatal check up
Required sa mga pregnant mom ang magpa check up kada buwan o depende sa schedule ng doctor sa kanila. Kadasalan, umaabot ang isang check up sa 500 pesos depende pa sa center na kanilang dinaluhan.
Mahalaga ang prenatal check up para maging updated si mommy sa sitwasyon ng kanyang anak sa tyan. Umaabot ng 10 hanggang 12 session ang kailangan mong puntahan sa pregnancy journey mo.
2. Ultrasound
Mahalaga rin ang ultrasound upang makita si baby sa iyong tyan. Malalaman rin dito kung gaano ka-healthy at kung may komplikasyon ba ang bata. Ang cost ng ultrasound ay umaabot ng 500 pesos pataas.
Isa pang uri ng utrasound ang Congenital Anomaly Scan. Makakatulong ito upang malaman kung lumalaki bang healthy ang bata. Kadalasan ito ay umaabot ng 1,600 pesos.
3. Postnatal check up
Pagkatapos manganak, required pa rin ang mga nanay na umattend ng kanilang postnatal check up kasama ang kanilang baby. Nagsisimula ito mula sa unang buwan ng panganganak hanggang pagkatapos nito.
Sa postanal check up tinatalakay ng iyong doctor kung ano ang magiging process ng iyong paggaling at pagbalik ng dati mong kalusugan. Bukod dito, susuriin rin ang iyong baby kung ito ba ay healthy o ano ang kondisyon pagkatapos niyong ipanganak. Umaabot ang postnatal check up mula 500 pesos.
Bukod dito, kakailanganin mo rin isama sa iyong expenses ng vaccination ni baby at iba pang essential nito katulad ng damit, supplements, vitamins at iba pa.
Magkano manganak sa public at private hospital ngayong 2020? | Image from Unsplash
Ngunit paano naman sa mismong panganganak? Magkano manganak sa public at private hospital ngayong 2020?
Ayon sa isinagawa naming survey sa price range ng panganganak ngayong 2020 both public at private via normal o cesarean, umaabot mula 800 pesos hanggang 150,000 ang price range sa ospital. Narito ang breakdown nito:
Public Hospital (Normal Delivery)
Umaabot mula 2,000 pesos hanggang 20,000 pesos. Marami rin ang nagsabi na nanganak sila sa private ospital ngunit walang binayaran. Ito ay dahil sa ibang inapplyan nila na discount katulad ng Philhealth.
Public Hospital (Cesarean Delivery)
Umaabot naman ang panganganak sa public hospital via CS delivery mula 7,000 pesos hanggang 21,000 pesos. Nakadepende rin ang magiging bill kung sila ay may inapplyan na discount katulad ng Philhealth.
Magkano manganak sa public at private hospital ngayong 2020? | Image from Freepik
Private Hospital (Normal Delivery)
Nasa 20,000 pesos hanggang 70,000 pesos naman ang inaabot ng panganganak ng mga nanay sa private hospital via normal delivery ngayong taon. Nababawasan rin ang kanilang bayarin kung may Philhealth sila na magagamit.
Private Hospital (Cesarean Delivery)
Nasa 50,000 pesos hanggang 150,000 pesos naman ang inaabot ng panganganak ng mga nanay sa private hospital via cesarean delivery ngayong taon. May kalakihan ito ngunit nababawasan rin depende sa dami ng kanilang kinakakailangan sa ospital. May iba rin na nawasan ang kanilang bill dahil sa Philhealth.
Paalala: Ang price range ng panganganak ngayong 2020 ay nakadepende pa rin sa bawat ospital. Maaaring magkakaiba ito kaya naman nasa estimated price lang ang inyong makikita. Nakabase rin ang kanilang mga bayarin kung gaano kadami o kaunti ang kanilang gastusin sa loob.
Bukod sa hospital, may ibang nanay rin na piniling manganak sa labas ng ospital. Ayon sa kanila, mas mura kasi rito at hindi mabigat sa bulsa. Umaabot ng 800 pesos hanggang 13,000 pesos ang panganganak sa Lying-in.
May iba na nababawasano naging libre ang kanilang bill dahil sa paggamit nila ng kanilang Philhealth.
Source:
Picodi
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!