TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

10 tanong na dapat pagnilayan ng buong pamilya ngayong Mahal Na Araw

4 min read
10 tanong na dapat pagnilayan ng buong pamilya ngayong Mahal Na Araw

Mahaba ang bakasyon ngayong mahal na araw mabuting gamitin ito para sa ikabubuti ng pamilya.

Ang mahal na araw ang isa sa pinaka-magandang pagkakataon para magkasama ang buong pamilya. Ito rin ang pinaka-magandang pagkakataon para pagnilayan ang buhay at paniniwala sa Diyos. Narito ang ilang tanong na makakatulong para ito ay magawa.

Mga tanong na dapat pagnilayan ng pamilya ngayong Mahal Na Araw

  1. Paano namin bilang pamilya maisasabuhay ang tunay na kahulugan ng sakripisyo?

Ang Mahal na Araw ay panahon ng pag-alala sa matinding sakripisyo ni Hesus para sa atin. Paano natin ito maisasabuhay sa ating pamilya?

Paano ito magagawa:

Tayong mga magulang ay maaaring magsakripisyo ng oras sa trabaho upang makasama ang ating mga anak. Habang ang mga anak naman ay maaaring tumulong sa gawaing-bahay bilang tanda ng malasakit.

  1. Nagpapatawad ba kami sa isa’t isa tulad ng pagpapatawad ng Diyos?

laging nag-aaway ang magkapatid

Larawan mula sa Pexels

Mayroon bang hindi pagkakaunawaan sa loob ng pamilya na dapat nang ayusin? Paano natin mapapalalim ang ating pagmamahal sa pamamagitan ng pagpapatawad?

Paano ito magagawa:

Kung nakasakit ng kapatid, lumapit at magsimulang makipag-usap sa kaniya upang mapanumbalik ang mabuti niyong ugnayan.

  1. Ano ang mga bagay na humahadlang sa amin bilang pamilya upang mas mapalapit sa Diyos?

Isipin mo. Mayroon bang mga bisyo, sama ng loob, o pagkukulang na kailangang baguhin upang mas mapatatag ang aming pananampalataya?

Ano ang dapat gawin:

Sa halip na gugulin ang buong araw sa gadgets, maaaring maglaan ng oras ang pamilya sa panalangin. O kaya naman ng pagbabahagi ng mga pagpapala sa isa’t isa.

  1. Naglalaan ba kami ng sapat na oras bilang pamilya upang manalangin at magdasal nang sama-sama?

Ang sama-samang pagdadasal ay nagpapatibay ng ugnayan ng pamilya sa Diyos.

Paano ito maisasagawa:

Maaaring simulan ng pamilya ang isang simpleng gabi ng dasal tuwing Mahal na Araw. At sundan ito ng lingguhan pagdadasal ng buong pamilya upang magpasalamat at humingi ng gabay.

  1. Paano namin maipapakita ang pag-ibig ng Diyos sa isa’t isa?

magdasal ngayong mahal na araw

Ang tunay na pagmamahal ay ipinapakita hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Ano ang maaaring gawin ng bawat isa upang iparamdam ang pagmamahal sa loob ng tahanan?

Paano ito magagawa:

Ang bawat miyembro ng pamilya ay maaaring gumawa ng simpleng acts of kindness. Tulad ng pagbibigay ng yakap, pag-aalaga sa nakababatang kapatid, o pagluluto ng pagkain para sa pamilya.

  1. Ano ang natutunan namin bilang pamilya mula sa mga pagsubok na aming pinagdaanan?

Ang bawat pamilya ay dumaranas ng mga pagsubok. Ano ang mga aral na aming natutunan at paano ito nakatulong sa amin upang maging mas matibay?

Ano ang puwedeng gawin:

Kung nawalan ng minamahal o may problemang pinansyal,  maaaring magbalik-tanaw sa kung paano kayo pinatatag ng Diyos sa kabila ng lahat.

  1. Paano namin maitataguyod ang kapayapaan at pagkakaisa sa aming pamilya?

Ang bawat miyembro ng pamilya ay may papel sa pagpapanatili ng pagkakaunawaan. Ano ang maaaring gawin upang maiwasan ang conflict at palakasin ang samahan?

Ano ang puwedeng gawin:

Sa halip na pagsimulan ng away ang maliliit na bagay, maaaring pag-usapan ito nang maayos at may respeto sa isa’t isa.

  1. Lubos ba naming nauunawaan at ipinagdiriwang ang tunay na diwa ng Mahal na Araw bilang pamilya?

Ang Mahal na Araw ay hindi lamang panahon ng pagrerelax. Pagkakataon rin ito upang palalimin ang pananampalataya ng buong pamilya.

Ano ang puwedeng gawin:

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

Sa halip na gumugol ng oras sa beach o bakasyon, maaaring lumahok ang pamilya sa Bisita Iglesia. O kaya naman ay manood ng religious films na naglalarawan ng buhay at sakripisyo ni Kristo.

  1. Ano ang mga biyaya na natanggap namin bilang pamilya na dapat naming ipagpasalamat?

Ang pagpapasalamat ay isang mahalagang aspeto ng pananampalataya. Paano namin mas mapapalaganap ang pagiging thankful sa aming tahanan?

Ano ang puwedeng gawin:

Bago kumain, maaaring magbahagi ang bawat isa ng isang bagay na kanilang ipinagpapasalamat sa araw na iyon.

  1. Ano ang isang bagay na maaari naming gawin upang mas mapaunlad ang aming buhay espiritwal bilang pamilya?

Mayroon bang bagong gawain na maaaring simulan upang mas mapalapit ang pamilya sa Diyos?

Ano ang puwedeng gawin:

Maaaring magdesisyon ang pamilya na magsimba nang sama-sama tuwing Linggo o magsimula ng Bible study sa loob ng bahay.

mga puwedeng gawin ngayong mahal na araw

Gamitin ang Mahal na Araw bilang pagkakataong upang palakasin hindi lamang ang relasyon sa Diyos kundi pati na rin ang ugnayan ng pamilya. Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nabanggit, matutulungan ang buong pamilya na maging mas mapagmahal, mapagpatawad, at mas malapit sa isa’t isa sa ilalim ng gabay ng Panginoon.

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • 10 tanong na dapat pagnilayan ng buong pamilya ngayong Mahal Na Araw
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko