Sa mabilis na panahon pagkatapos mong manganak, lumalaki na ang dating baby mong anak mommy! Bilang toddler at nag-e-explore ng mga bagay, umuusad din ang development and milestones niya.
Habang lumalaki rin siya, mas nakakasalamuha at nakikihalubilo siya sa iba’t ibang tao. Sa ganitong experience, natututo siya ng mga bagay na labas sa kanyang bahay, mula asal o behavior na maaaring makita niya sa iba.
Dagdag pa, ang pakikisalamuha sa ibang tao rin ang nakakabuo ng kanyang confidence. Mas nagiging matalas din ang kanyang communicative skills. Nagkakaroon din ng pagkilala ang bata sa kaniyang ginagalawang environment at trust sa mga taong malalapit sa kanya.
Pero minsan, kapansin-pansin din ang kanyang pagiging mahiyain. Bakit kaya may mahiyain na bata? Ano ang mga dahilan at sitwasyong nagdudulot ng mahiyain na bata? Iyan ang ating pag-uusapan sa article na ito.
Talaan ng Nilalaman
Mahiyain na bata
Sa ating mga Pilipino, hindi na bago ang pagiging mahiyain. Ang behavior na ito, ayon sa Healthline, ay pagkaramdam ng takot o discomfort dulot ng ibang tao, lalo na sa bagong environment o sa mga ‘di kakilala.
Dagdag pa, ito rin ay unpleasant feeling ng self-consciousness. Ito ang pagkatakot sa posibleng iniisip sa iyo ng ibang tao. Naiuugnay din ang pakiramdam na mahiyain sa bata man o matanda. Ang pakiramdam na ito ay manipestasyon din ng low self-esteem, at bunga rin ito ng social anxiety.
Pero, ang pagiging mahiyain ay karaniwan na sa mga bata. Halimbawa, maaari silang maging mahiyain sa pagiging clingy sa magulang, o umiiyak sa isang social situation.
Puwede rin silang umiwas sa social interaction tulad ng pagtatago ng mukha, pag-alis at pagtalikod, o maski pagpikit. Sa mga bata, ang pagiging mahiyain sa ibang tao ay maipapakita sa pamamagitan ng pagtatago sa likod ng kanilang magulang o ‘di pakikipaglaro sa ibang bata.
Ayon sa ilang mga eksperto wala namang masama sa pagiging mahiyain ng mga bata. Dumadaan talaga umano sa stage na ito ang bawat bata.
Maaaring ang ibang bata ay mas mahiyain kaysa sa iba. Sapagkat ito’y bahagi lamang ng kanilang temperament, o kung paano sila tumugon sa kanilang ginagalawang kapaligiran.
Siyempre, may mga sanhi o dahilan kung bakit may mahiyaing bata. Posibleng dulot ito ng mga tao sa kanilang paligid o maging sa simula pa lang kung kailan sila ipanganak.
Bakit mahiyain ang bata?
Ayon sa pag-aaral, masasagot kung bakit mahiyain ang bata ay dahil 15% percent ng batang ipinanganak ay may tendency na maging mahiyain. Makikita rin sa mga pananaliksik na ito ang biological differences sa utak ng mga mahiyaing bata.
Ngunit, ang pwede ring dahilan kung bakit mahiyain ang bata ay dahil sa kaniyang social experiences. Sinasabi na kung bakit mahiyain ang bata ay dahil na rin sa interaction nila sa kanilang magulang.
Parents, i-consider natin na ang pagiging authoritarian o overprotective sa ating anak ang nagdudulot kung bakit mahiyain ang bata. Ang mga bata na hindi hinahayaang maka-experience ng mga bagong bagay ay magkakaroon ng problema sa pag-develop ng social skills.
Pero, huwag mag-aalala parents! May mga pwede tayong gawin para ma-improve ang social skills ng ating mga anak para hindi sila maging mahiyaing bata.
Mga dapat gawin para sa mahiyaing bata
Ang isang warm, at caring na approach ang makakatulong sa ating mga anak kung paano maiwasan na sila ay maging mahiyaing bata. Nagreresulta ito sa pagiging mas komportable nila sa paligid ng ibang tao.
Ang school, mga kapitbahay, ang community, at kultura ay mga factor na makakaepekto sa development ng social skills ng bata. Ang mahiyaing magulang ay maaaring magbunga rin ng isang mahiyaing anak.
Paano i-manage ang mahiyain na bata?
Paraan pa ma-manage ang mahiyaing bata, o maiwasan na maging mahiyain na bata ang anak, narito ang magagawa ng mga magulang at guardian.
- pagtuturo ng coping mechanism sa mga bagay na nagbabago
- pag-manage ng anger
- gumamit ng humor
- pagpapakita ng compassion
- maging assertive
- maturuang maging mabuti ang anak
- gabayan silang tumulong sa ibang tao
- pagtuturo na i-keep ang mga secrets na ipinagkatiwala sa kanila
Makakatulong ang mga abilidad na ito para maging at ease ang inyong anak sa ibang tao at kalaro.