LOOK: Maine Mendoza engaged na kay Arjo Atayde!

Maine at Arjo all smiles sa pag-announce na sila ay engaged na!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mayroon nang bagong aabangan na wedding sa mga susunod na araw dahil engaged na si Maine Mendoza sa long-time boyfriend nitong si Arjo Atayde.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Maine Mendoza engaged na sa long-time boyfriend na si Arjo Atayde
  • Arjo and Maine's love story for the past 3 years

Maine Mendoza engaged na sa long-time boyfriend na si Arjo Atayde

Pagdagdag lang nang padagdag ang list ng mga newly engaged at newly wed couple this year. Marami tuloy ang nagugulat sa bawat announcement ng mga showbiz couple. Ngayon mas marami ang nabigla dahil ang next na ie-expect bilang future husband and wife? Arjo Atayde at Maine Mendoza!

Kinilig ang netizens nang biglang mag-anunsyo ng kanilang engagement ang dalawa.

Sa latest Instagram post ni Maine Mendoza ay makikitang may suot na siyang engagement ring, patunay na engaged na siya sa kaniyang matagal nang boyfriend na si Arjo Atayde.

Makikita sa mga larawan ang tila gulat na mukha nina Maine Mendoza at Arjo Atayde , na ginulantang ang kanilang mga fans sa biglaang pag-announce na sila ay engaged na nga.

"Wait, whaaaat??? We’re engaged?!" ayon sa caption ni Maine Mendoza sa isang Instagram post.

Larawan mula sa Instagram account ni Maine Mendoza

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Romantic ang setting kung saan nag-propose si Arjo Atayde. Bukod sa napakagandang singsing ay makikita ring sa background ang hitik na flowers na kinakilig ng kanilang mga fans.

Marami naman ang nagpaabot agad ng pagbati sa couple. Kasama na diyan ang mga kasama ni Maine Mendoza sa 'Eat Bulaga' tulad nina Maja Salvador at Pauleen Luna, ang misis ni Bossing Vic Sotto. Syempre ay hindi rin nawala si Ria Atayde, na kapatid naman ni Arjo.

Pauleen Luna: CONGRATULATIONS 

Maja Salvador: Oh yes!!!

Ria Atayde: YES YES YESSSSSSSSSSS

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi rin syempre nawala ang pagbati ng kanilang mga fans na sumubaybay sa kanilang love story.

"Finally I can say congratulations to the both of you! Stay happy and inlove, Arjo and Maine!"

"Hoi Meng naiyak akooo sa sayaaaa for you at kay Arjo !!Congrats!!! So happy for both of you!! Ramdam 'yong saya niyo sa mga mata niyo."

"I am so happy for you!!! My heart is so happy!  You deserve all the love and happiness in the world. Congrats, soon to be Mrs. Atayde!"

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"For 7 years I’ve followed your life and career. I’ve seen your ups and downs. Look at you now, ready to enter a new phase in your life. I’m so happy for you my love!"

Larawan mula sa Instagram account ni Maine Mendoza

Maine and Arjo's love story for the past 3 years

Tunay nga namang naging phenomenal star na maituturing si Maine Mendoza nang biglang mag-boom ang career nito dahil sa noontime show na 'Eat Bulaga'. Patok kasi sa marami ang team up nila ni Alden Richards sa 'Kalye Serye' ng show. Dahil dito, nagkaroon tuloy ng interes ang marami kung sino ang tunay na leading man ng tinaguriang 'Dubsmash Queen'.

Taong 2018 ng Enero, nang unang pumutok ang isyu na nagkikipag-date na umano siya sa co-actor niya sa "'Jack Em Popoy: The Puliscredibles' na si Arjo Atayde. Sumunod na buwan lamang nito ay nauna nang kinumpirma ito ng aktor sa isang press conference. Sinundan naman ito ng kumpirmasyon ni Maine noong March 2019.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"It's true I am dating Arjo."

Pag-amin ni Maine.

Si Arjo raw ang dahilan kung bakit sobrang saya niya sa mga panahong ito.

"I appreciate everything he does for me and I am happy that I get to experience such wonderful things."

Larawan mula sa Instagram account ni Maine Mendoza

Parehong nahirapan ang dalawa na isapubliko kaagad ang relasyon dahil sa maraming factor. Una na diyan ay ang pagkadismaya ng fans dahil hindi nagkatuluyan ang kanilang sinusuportahan na tambalang AlDub na parte sina Alden Richards at Maine Mendoza. Pangalawa, ang pagkakaiba nila ng media network na pinagtatrabahuan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kabila nito, habang tumatagal ay palalim nang palalim ang pag-iibigan ng dalawa sa isa't isa. Sa katunayan, Taong 2019 din nang ipinakilala na ni Arjo si Maine sa kanyang nanay na si Sylvia Sanchez. Wala namang naging problema dahil palagay ang loob ng ina ni Arjo kay Maine.

"She was respectful, pleasant na bata."

Very humble raw ang aktres na si Maine, dahil hindi nila  naramdaman na may yabang ito dahil sa kasikatang tinatamasa. Maging sa kanilang mga kasambahay ay maayos daw ang pakikitungo ni Maine ayon kay Sylvia kaya naman mabilis siyang natanggap ng pamilya ng kaniyang nobyo.

"The whole time, ang gaan ng feeling ko sa kanya."

Talaga nga namang pinatunayan ng dalawa kung paano ipaglaban ang pagmamahalan nila sa kabila ng mga problemang kinaharap.

Congratulations and best wishes, Arjo and Maine!

Sinulat ni

Ange Villanueva