Sylvia Sanchez to Maine Mendoza: “I promise that I will love you as my own daughter.”

Kapatid ni Arjo na si Ria Atayde masaya ring winelcome si Maine sa kanilang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sylvia Sanchez nagpasalamat kay Maine Mendoza matapos ang naging engagement nito sa anak niyang si Arjo Atayde.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Arjo Atayde and Maine Mendoza engagement
  • Reaksyon ni Sylvia Sanchez sa engagement nina Arjo at Maine
  • Reaksyon ni Ria Atayde sa engagement ng kapatid na si Arjo kay Maine

Arjo Atayde and Maine Mendoza engagement

Engaged na ang actor turned politician na si Arjo Atayde at Maine Mendoza. Ito ang masayang balitang sumalubong sa kanilang mga fans nitong weekend. Si Maine na nakilalang si Yaya Dub sa 'Eat Bulaga' ay nalalapit nang maikasal sa matagal niya ng crush na si Arjo. Matatandaang unang inamin ni Maine ang pagkakaroon niya ng crush kay Arjo sa nasabing programa sa segment nitong “Kalyeserye”.

Sa Instagram ni Arjo nitong Biyernes ay ibinahagi niya ang magandang balita. Kalakip nito ang mga larawan sa kanilang naging engagement na may caption na “My turn, I will marry you cutie. 07.28.22”

Ang post na ito ni Arjo ay bilang sagot sa tweet ni Maine noong July 28, 2013 kung saan walang hiya-hiya niyang ipinaalam sa publiko ang paghanga niya kay Arjo.

“Arjo cutie.”

Ito ang tweet ni Maine noon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Arjo nag-propose sa parehong araw na nag-tweet si Maine, July 28.

Samantala, si Maine sa kaniyang Instagram account ay tila gulat pa at hindi makapaniwala na engaged na sila ni Arjo. Maliban sa kaniyang gulat na caption ay nag-post din siya ng funny photos nila ni Arjo sa naganap nilang engagement.

Larawan mula sa Instagram account ni Maine Mendoza

“Wait, whaaaat??? We’re engaged?!”

Ito ang caption ng IG post ni Maine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga celebrity friends nina Arjo at Maine, masayang-masaya sa bagong chapter ng relasyon ng dalawa.

Sheena Halili: Masayang masaya ako na kayo na forever. Congratulations ule ?

Rodjun Cruz: Wohooo!!! Congratulations sa inyo @arjoatayde @mainedcm God bless

Iza Calzado: Congratulations and Best Wishes to you and Maine!!!!

Ito ang ilan sa pagbati ng mga celebrities sa engagement ni Arjo at Maine.

Reaksyon ni Sylvia Sanchez sa pagiging engaged nina Arjo at Maine

Pero hindi lang basta ang itinuturing na prophetic relationship ng dalawa ang usap-usapan ngayon sa social media. Pati ang reaksyon ng ina ni Arjo Atayde na si Sylvia Sanchez ay nagpa-sana all sa maraming babaeng netizens. Dahil si Sylvia thankful kay Maine at winelcome na agad ito sa kanilang pamilya. Pangako pa niya ituturing niyang parang tunay na anak si Maine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“He asked Her and She said, YES!!! Finally!! Welcome to the family, Maine. Thank you for loving my son."

"Love you Nak. I promise that I will take care and love you as my own Daughter.”

Ito ang post ni Sylvia Sanchez sa kaniyang Instagram account tungkol sa engagement nina Arjo at Maine.

Sa pictures na ibinahagi pa niya ay makikitang very close sila ni Maine. Hinalikan pa nga niya ito sa noo at naluluha pa habang hinahawakan ang mukha nito na sobrang saya.

Ang mga netizens tinawag si Sylvia Sanchez na 'sweetest mother-in-law'. Ito ay dahil sa nakakatouch na message niya para kay Maine at sa emotional pictures nilang magkasama.

Reaksyon ni Ria Atayde sa engagement ng kapatid na si Arjo kay Maine

Larawan mula sa Instagram account ni Ria Atayde

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi lang si Sylvia Sanchez ang masaya na magiging miyembro na ng kanilang pamilya si Maine Mendoza. Pati ang aktres at kapatid ni Arjo na si Ria Atayde ay masayang winelcome rin si Maine.

Sabi pa niya, sa lahat ng grand gestures ng kapatid ang wedding proposal nito kay Maine ang pinaka-favorite niya. At pinaka-best din daw na maituturing na change sa kanilang buhay ay ang nalalapit na pagpapakasal ng kapatid kay Maine.

“You’ve always been Mister Grand Gestures @arjoatayde. But I think among all you’ve done, this has got to be my most favorite. And I think among all the many changes we welcomed in our lives this year, this has got to be the best.”

Ito ang sabi pa ni Ria.

Ang aktres binati rin ang dalawa at may wish sa kanilang pagsasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“So excited to officially welcome you into the family @mainedcm . Stay happy and in love! Congratulations to the two of you.”

Ito ang reaskyon ni Ria sa engagement nina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Taong 2019 ng ini-reveal ni Arjo Atayde at Maine Mendoza na sila ay may relasyon na. Nitong Disyembre ng nakaraang taon ay nag-celebrate ang dalawa ng kanilang 3rd anniversary bilang mag-boyfriend at girlfriend.

“Life with you just keeps getting better. Happy 3rd Anniversary my bubba pie pie.”

Ito ang pagbati ni Arjo noon kay Maine sa naging anniversary nila na kanilang ipinagdiwang sa pamamagitan ng isang dinner date cruise.