Hot momma! Maja Salvador inirampa ang baby bump sa Amangiri, excited na sa pagsilang ni baby

Hot and sexy momma si Maja Salvador sa kaniyang latest Instagram post. Makikita siyang nakasuot ng bikini habang namimintog ang baby bump.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isang Instagram post ay ipinasilip ni Maja Salvador ang ilang larawan ng kanilang bakasyon sa Amangiri ng asawang si Rambo Nuñez.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Maja Salvador pinasilip bakasyon nila ni Rambo Nuñez sa Amangiri
  • Rambo at Maja excited na sa pagsilang ng kanilang baby

Maja Salvador hot momma sa bakasyon nila sa Amangiri

Hinangaan ng mga netizen ang naggagandahang larawan ni Maja Salvador. Kamakailan lang ay nag-post ang aktres ng mga picture nila ng kaniyang mister na si Rambo Nuñez.

Makikita sa pictures si Maja na naka pulang swimsuit. Preggy man at labas ang baby bump ay talaga nga namang seksing-sexy ang aktres. Blooming ang soon-to-be-mommy sa kanilang bakasyon sa Amangiri.

Larawan mula sa Instagram ni Maja

“Ang bongga”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hot mommah!!!”

“The most gorgeous preggy,”

Ilan lamang ang mga ‘yan sa comments ng showbiz friends at fans sa mga picture ni Maja.

Masisilip din sa isa pang larawan na magkayakap sila ng kaniyang asawa habang tinatanaw ang magandang tanawin ng Amangiri. Ang Amangiri ay isang five-star resort hotel sa Utah, USA. Ito ang nagsilbing babymoon destination nina Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Maja

Excited na sa pagsilang ng kanilang baby

Sa kahiwalay na Instagram post ay ibinahagi naman ni Maja ang picture ng ultrasound ng kaniyang baby. Kitang-kita na ang hugis ng baby sa nasabing ultrasound.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Caption ni Maja sa kaniyang IG post, Few more months and we’ll get to see our baby girl already! Can’t wait! #momtobe

Larawan mula sa Instagram ni Maja

Makikita rin naman sa comment section ang ilan pang celebrity mom tulad ni Iza Calzado na excited na rin para sa kaibigan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Yaaaasssss Mamaaaaa!!!” saad ni Iza Calzado.

“Awww can’t wait to see our baby,” saad naman ni Rhea Tan.

Bukod sa picture ng ultrasound ay kalakip din ng IG post ang video ni Maja na talaga namang hot momma na sumasayaw pa! Kitang-kita na masaya ang aktres habang nagsasayaw nang nakalabas ang kaniyang baby bump.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan