Maja Salvador buntis sa kaniyang first baby: “Christmas came early”

Rambo Nunez sa pagbubuntis ni Maja: “The best Christmas present we could ever ask for.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maja Salvador buntis sa first baby nila ng mister niyang si Rambo Nuñez.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Maja Salvador buntis sa kaniyang first baby.
  • Gaano kahanda si Maja sa pagiging isang ina at pagkakaroon ng baby.

Maja Salvador buntis sa kaniyang first baby

Larawan mula sa Instagram account ni Maja Salvador

Aktres na si Maja Salvador ibinahaging buntis na siya sa first baby nila ng mister na si Rambo Nuñez. Ang magandang balita ipinaalam ni Maja sa publiko sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account.

“Christmas came early ????.”

Ito ang caption ng unang post ni Maja sa Instagram tungkol sa kaniyang pagdadalang-tao.

 
View this post on Instagram

Makikita sa maikling video na ibinahagi ni Maja ang ultrasound ng kaniyang first baby. Proud ring ibinahagi ng aktres ang kaniyang baby bump.

Hindi idinetalye ng aktres kung ilang buwan na siyang buntis. Pero makikita sa mukha niya ang saya sa blessing na dumating sa kanila ng mister niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Rambo naman sa kaniyang Instagram account ay sinabing ang pagbubuntis ni Maja ang best Christmas gift na natanggap nilang mag-asawa.

“The best Christmas present we could ever ask for ???.”

Ito ang sabi pa ni Rambo.

Gaano kahanda si Maja sa pagiging isang ina at pagkakaroon ng baby

Larawan mula sa Instagram account ni Maja Salvador

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Una ng ibinahagi ni Maja na handang-handa na siya na magkaroon ng anak. Lalo pa’t sabi niya sa isang panayam ay hindi na siya bumabata pa. At matapos ang ilang pagtratrabaho ay may sapat na silang ipon ni Rambo para magkaroon ng anak.

“I’m turning 35 this year. 20 years na akong yumuyugyog nang yumuyugyog. Sayaw dito, sayaw doon, acting ’di ba?”

“So, ako naman if may work, work. Pero ’pag ibigay na ni God ’yung blessing na ’yun na magka-baby kami, anytime soon syempre. Di ba parang ang tagal naming nagtrabaho nang para sa amin, sa future. So, this time pwede ibigay anytime. We’re ready.”

Ito ang sabi pa noon ni Maja.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Congratulations Rambo and Maja!

Larawan mula sa Instagram account ni Maja Salvador

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement