Rambo Nuñez kay Maja Salvador matapos maipanganak ang first baby nila: “Thank you so much for bringing Maria into our life”

Maja maluha-luha ng mahawakan si Baby Maria sa unang pagkakataon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maja Salvador ipinanganak na ang kanilang first baby ng mister na si Rambo Nuñez. Rambo may sweet na mensahe sa misis na si Maja.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Maja Salvador ipinanganak na ang first baby nila ng mister na si Rambo Nuñez.
  • Mensahe ni Rambo sa misis na si Maja.

Maja Salvador ipinanganak na ang first baby nila ng mister na si Rambo Nuñez

Larawan mula sa Instagram account ni Maja Salvador

Sa Instagram ay ibinahagi ng aktres na si Maja Salvador na ligtas niyang naisilang ang first baby nila ng mister na si Rambo Nuñez. Si Maja nanganak nitong May 31, 2024 at ang pangalang ibinigay nila dito ng mister na si Rambo ay “Maria”.

“Our Maria 🤍 May 31, 2024.”

Ito ang caption ng post ni Maja na kalakip ang isang larawan na kung saan makikita ang paa ng kaniyang new born at ang kamay nila ni Rambo na hawak-hawak ito.

Sa post na ito ni Maja ay bumaha ng pagbati mula sa mga kaibigan nila sa showbiz industry.

Mensahe ni Rambo sa misis na si Maja

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Rambo Nunez

Si Rambo nag-post rin sa Instagram ng larawan ni Maja matapos itong manganak. Makikita dito na nakadapa pa sa dibdib ni Maja ang kanilang newborn baby. Si Maja makikitang naluluha-luha na mahawakan sa unang pagkakataon ang kaniyang baby girl. Si Rambo may sweet na mensahe sa kaniyang misis.

“I never thought I could love you even more @maja ❤️. Thank you so much for bringing Maria into our life.”

Ito ang sabi ni Rambo kay Maja.

Samantala, si Maja mukhang ready na ready na bago niyang role. Ilang linggo nga bago manganak, si Maja nag-share ng kaniyang larawan bilang paghahanda sa kaniyang role sa pagiging ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Fully embracing my latest and most challenging role that starts in a few weeks…

Motherhood 🤱🏻.”

Ito ang sabi pa ni Maja sa kaniyang IG post.

Larawan mula sa Instagram account ni Maja Salvador

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Congrats Maja and Rambo! Welcome to the world baby Maria!

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement